Gretchen Barretto posts heartwarming message for sister Claudine, mom Inday

by Rachelle Siazon
Oct 21, 2020
Gretchen Barretto says she's "overjoyed" to see that her siblings Jay-Jay (in hoodie), Claudine, and Michelle are keeping their mom Inday (in floral top) happy.
PHOTO/S: @gretchenbarretto / @claubarretto Instagram

Nagpahiwatig si Gretchen Barretto na patuloy ang pagkakaayos nila ng kanyang ina na si Estrella, o mas kilala bilang Inday.

Ito ay makalipas ang isang taon mula nang emosyonal na pagkikita nila sa burol ng namayapang Barretto patriarch na si Miguel.

Pito ang anak nina Miguel at Inday: Mito, Michelle, Jay-Jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Kahapon, October 20, nag-iwan ng mensahe si Gretchen sa comments section ng Instagram post ng bunsong kapatid ni Claudine.

Sabi ni Gretchen, "I am overjoyed to see you all looking so happy [smile emoji] know that I appreciate each of you for making mom aliw [heart emoji]

"bro j, i am proud of you [heart emoji]

"baby girl, clau thank you for inspiring me to be a better daughter [heart emoji]

"our ate mich."

May litrato kasi si Claudine kasama ang ina pati na ang mga kapatid na sina Jay-Jay at Michelle.

Ipinagdiwang nila ang wedding anniversary nina Inday at Miguel sa pamamagitan ng munting salu-salo sa isang restaurant.

Continue reading below ↓

Hindi man nakasama si Gretchen, kasama siya sa pinasalamatan ni Claudine sa caption nito.

"Happy Civil wedding anniversary of Mom & Dad. we miss u Dad. Thank u jjbarretto @gretchenbarretto," ani Claudine.

Noong October 15 ang death anniversary ni Miguel at ipinagdiwang ito nina Inday, Claudine, Jay-Jay, at Michelle sa isang condo unit.

Nag-react din noon si Gretchen sa litrato at tinawag silang "my family."

Sinabi rin ni Gretchen na sasama siya sa mga ito "next time."

Noon namang Agosto, nag-iwan ng heart, kiss, at praying emoji si Gretchen sa litrato ni Claudine kasama si Inday—na tila senyales ng amor ni Gretchen sa nakabating ina.

GRETCHEN AND INDAY'S RECONCILIATION

Sa showbiz history report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong October 2020, nakadetalye ang pinanggalingan ng anim na taong alitan ng mag-inang Gretchen at Inday.

Naisapubliko ang marubdob nilang word war noong 2013, kunsaan inihayag nila ang matagal na panahong sama ng loob sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Hanggang sa noong October 16, 2019 nagkita sina Gretchen at Inday sa burol ni Miguel.

Dito na nagyakapan at nagkapatawaran ang dalawa.

Noong 2013 ay matindi rin ang alitan ng magkapatid na Gretchen at Claudine, pero nauna silang nagkapatawaran noong February 2019.

GRETCHEN AND MARJORIE'S RIFT

Sa kabilang banda, tila hindi pa rin nagkakaayos sina Gretchen at Claudine sa nakaalitang kapatid na si Marjorie.

Nagkaroon ng matinding komprontasyon ang tatlo sa burol ng kanilang ama noong gabi ng October 16, 2020.

Ayon kay Gretchen, galit na galit si Marjorie nang bumisita siya sa burol ng ama.

Tumanggi raw si Marjorie na makipag-shake hands sa kanya nang himukin sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaayos noon.

Ayon naman kay Marjorie, hindi niya ikinatuwa ang pagdating ni Gretchen dahil tingin niya ay "orchestrated" ang pakikipag-ayos nito.

Kung talagang sinsero raw si Gretchen ay bumisita na ito noong mga araw na naka-confine pa sa ospital ang kanilang ama.

Continue reading below ↓

Ang alitan nina Marjorie ay Gretchen ay nagsimula noong pang late 2014 hanggang sa kasalukuyan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto says she's "overjoyed" to see that her siblings Jay-Jay (in hoodie), Claudine, and Michelle are keeping their mom Inday (in floral top) happy.
PHOTO/S: @gretchenbarretto / @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results