Super Tekla accused of sexual abuse by live-in partner; his camp cries "planted"

by Arniel C. Serato
Oct 22, 2020
Super Tekla (left) is accused of sexual abuse by his live-in partner Michelle Bana-ag (right). His camp denies the allegation: "Mahal na mahal niya iyang babaeng iyan."
PHOTO/S: File / Courtesy: Wanted sa Radyo on YouTube

Inakusahan ni Michelle Lhor Bana-ag, 26, ng diumano'y seksuwal na pang-aabuso ang kanyang live-in partner na si Romeo Librada, 38.

Si Romeo ay kilala sa mundo ng comedy bars at telebisyon bilang Super Tekla.

Mayroon silang isang sanggol na apat na buwan ang edad.

Sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo noong Oktubre 20, 2020, idinulog ni Michelle ang kanyang reklamong pinipilit ni Romeo na sumiping sa kanya.

Continue reading below ↓

Isang video ang ipinakita kung saan dire-diretsong naglilitanya si Michelle ng mga hinanakit niya kay Romeo.

Magulo ang kuha ng video, pero klaro ang boses ng dalawa.

Nagsimula ito sa galit na tanong ni Romeo, "Bakit, pinilit ka ba?"

Ang pasigaw na sagot ni Michelle, "Anong ginawa mo? Nag-m@asturb@te ka kahit hawak ko yung bata."

Saka nito binanggit na "kahit masama ang pakiramdam" niya ay pinipilit siyang sumiping ng komedyante. Kapag hindi raw pumayag si Michelle, "lalabas" si Tekla at "ni piso" ay wala raw iiwan.

"Planted"— ito naman ang sagot ng kampo ni Super Tekla tungkol sa video recording.

Hindi raw totoong ginugutom ng komedyante ang kanyang mag-ina.

Dinenay din ng kampo nito na masama ang pakiramdam ng ka-live in nang araw na iyon.

Napapaiyak nga raw ang TV host tuwing mababanggit ang pangalan ni Michelle matapos ng mga alegasyon ng live-in partner.

Ito ay ayon sa manager ni Super Tekla na si Rose Conde, na nagpa-interbyu kay Tulfo nang sumunod na araw, Oktubre 21.

Continue reading below ↓

alleged forced sexual relations

Sa panayam ni Tulfo kay Michelle, binigyang-detalye ng dalaga ang pamimilit at pambabastos umano sa kanya ni Romeo.

Panimulang kuwento ni Michelle, "Sir Raffy, masama po yung pakiramdam ko.

"Halos kada hapon po nilalagnat po ako, sumasama po yung pakiramdam ko, ang bigat po ng ulo ko.

Continue reading below ↓

"Hindi niya po maintindihan, hindi niya po marespeto yung ganun."

Paliwanag ni Michelle, ilang araw nang masama ang kanyang pakiramdam matapos siyang ipa-injection ni Romeo ng birth-control shot.

Alegasyon pa ng live-in partner ng comedian-TV host, "Hindi niya po mapigilan ang sarili niya. Gusto niya po akong galawin."

Kahit daw nilalagnat siya ay "gusto pa rin niya yung ganun, gawin po yung ganun."

Tinanong ni Tulfo si Michelle kung pinipilit siya ni Tekla, at kung ano ang nangyayari kapag hindi siya pumapayag sa gusto ng komedyante.

Ani Michelle, ginugutom daw siya ni Tekla kapag hindi siya pumayag sumiping. Pati raw ang anak nila at mga pamangkin niya ay nadadamay sa kanilang away.

Dire-diretsong lahad ni Michelle: "Mumurahin niya po ako. Hindi na siya kikibo.

"Hindi po siya bibili ng pagkain kahit po nagugutom na yung mga pamangkin ko na nandito.

"Nag-iyakan na po yung mga bata, nagugutom na.

"Magmamakaawa po ako sa kanya na bumili na ng pagkain.

Continue reading below ↓

"Sasabihin niya po sa akin, 'Aba, bakit? Di ba, ayaw mo ganito ganyan.’

"Ganun po yung ginagawa niya."

Kahit daw mga pamangkin ni Michelle ay naririnig kapag nanghihingi siya ng pambili ng pagkain.

Ang sasabihin daw ni Romeo kay Michelle, "'O, gusto mo bumili ng pagkain? Tara muna.'"

Dagdag ni Michelle, "O, kaya po, pag nasa kuwarto po kami, sasabihin niya sa mga pamangkin ko, 'Labas muna kayo doon saglit lang.'"

Kahit noong minsang katabi raw ni Michelle ang isang pamangkin niya ay sinipingan daw siya ni Romeo.

Nagtakip lamang daw ito ng kumot, at siya naman ay wala na raw nagawa.

Marami pang ikinuwento si Michelle na hindi na akmang idetalye sa artikulong ito.

SUPER TEKLA'S PAST VICES

Inusisa naman ni Tulfo kung may "bisyo" si Tekla.

Sagot ni Michelle, "Wala po, wala na po. Huminto na siya last year."

Sa mga panayam dati sa komedyante ay inamin nitong minsan ay nagkamali na ito sa buhay.

Continue reading below ↓

Noong May 2019, naikuwento ni Tekla na may panahong nasadlak ito sa kahirapan at nadiskaril ang kanyang career dahil sa sariling "kagaguhan."

Hindi idinetalye ni Tekla kung ano ito, pero siniguro niyang hindi na niya babalikan ang buhay na iyon.

Noong 2017, nabalitang tinanggal ni Willie Revillame si Tekla sa programang Wowowin dahil lagi raw itong late, pumapasok nang hindi pa naliligo, at malakas daw magsugal sa casino.

Dahil dun, nawalan ng kabuhayan si Tekla at ilang buwan din bago nakabangon muli.

Nabigyan ito ng magandang oportunidad nang gawin siyang co-host, kasama ang komedyante ring si Boobay, sa The Boobay And Tekla Show (TBATS), isang Kapuso comedy-talk show, na umere noong Enero 2019 at namamayagpag hanggang ngayon.

SUPER TEKLA’S CAMP: "Mahal na mahal niya Iyang babaeng Iyan."

At press time, hindi pa nagsasalita si Super Tekla.

Pero nagpa-interbyu kay Tulfo ang manager niyang si Rose Conde kahapon, Miyerkoles, Oktubre 21. Lumabas si Michelle sa parehong programa Martes, Oktubre 20.

Continue reading below ↓

"Super-depressed" nga raw si Tekla dahil sa pangyayari, at hindi raw nito akalaing gagawin sa kanya ito ni Michelle, na minahal niya sa loob ng anim na taon.

Sabi ni Conde, “Sa totoo lang po, nung kausap ko siya kagabi, tinanong ko lahat ng akusasyon ni Michelle.

"Sinabi niya [Tekla], 'Mami, kilala mo ako, maaring may pagkukulang ako sa inyo, sa ugali ko, pero ang respeto ko kay Michelle ganun-ganun na lang, kasi ganun ko siya kamahal.’

“Sa totoo po, every time na mababanggit niya yung pangalang Michelle, umiiyak siya sa akin.

“Alam ko po yun, Sir Raffy, kung gaano niya kamahal si Michelle."

Sa pananalita ni Conde, hindi siya pabor sa relasyon nina Tekla at Michelle.

Pag-amin ng manager, "Ilang beses ko na siya sinabihang hiwalayan niya iyang babaeng iyan kasi walang maiitulong sa kanyang mabuti iyan, pero hindi niya ako pinakinggan.

"Saksi ang mga kaibigan namin, ang mga artistang kaibigan namin, na ako mismo ang nagsasabi na hiwalayan na niya iyan dahil hindi iyan makakatulong sa career niya.

Continue reading below ↓

“Pero hindi niya ako pinakinggan dahil mahal niya.

“Mahal na mahal niya iyang babaeng iyan, at mahal niya rin yung pamilya ni Michelle."

Inisa-isa raw ng manager sa alaga ang mga alegasyon ni Michelle.

"Ngayon, sa lahat ng sinabi niya [Michelle], inisa-isa ko kay Tekla kagabi. Paumanhin kay Sir Raffy madagdag ko lang, pasensiya na, hindi pa siya makapagsalita dahil siyempre po taga-GMA siya. Meron po kaming kontrata sa GMA so respeto lang po sa GMA na nagpapaalam na po muna ako."

Sa GMA-7 lumalabas ang The Boobay And Tekla Show. Unang nakita bilang digital comedy show sa YouTube, ito ngayon ay isang Kapuso production. Pinaghalo itong skits, live musical numbers, pranks, at interviews.

Pagpapatuloy ng manager ni Super Tekla sa programa ni Tulfo, “For now, sasagutin ko lang yung nalalaman ko po. Tinanong ko siya isa-isa.”

Sabad ni Tulfo, mukhang may katotohanan ang ilang pinakawalang salita si Michelle.

Pero pinasubalian ito ni Conde.

Continue reading below ↓

“Sir Raffy, mawalang-galang na po, pero tingnan niyo po yung video niya sa kuwarto, halatang planted.

“Bakit? Yun pong pag-aaway nila, mainit na sila nun.

“Kung ano yung sinasabi ni Michelle dun sa video, yun ang gustong iparating ni Michelle sa tao, kasi planted nang ipapa-Tulfo si Tekla.

“Gumawa sila ng video para ipadala sa inyo.”

Tinanong daw niya si Tekla kung masama ang pakiramdam ni Michelle nang yayain niya itong makisiping sa kanya.

Sagot daw ng komedyante, "'Hindi 'Mi, okay na okay si Michelle nun.'"

Dagdag na tanong ng manager sa alaga: “Ano ang pinagsisimulan ng gulo? Ano ang pinagsimulan ng away?"

Ang sabi raw sa kanya ni Tekla, gusto nang makipaghiwalay ni Michelle.

Pagkukwento ng manager, “Humingi sila nang pang-umpisa kay Tekla. Walang maibigay si Tekla kasi wala pa po siyang pera.

“Wala pa po siyang income ngayon. Mag-uumpisa pa lang ang suweldo niya ngayong payday.

“Wala siyang maibigay, so nag-aaway na sila.”

Continue reading below ↓

Wala raw katotohanan ang sinasabi ni Michelle na ginugutom ni Tekla sina Michelle, mga pamangkin niya, at ang anak nila.

Saad ni Conde, “Maaring na-late, siguro kasi nag-aaway sila. Kasi paano sila mag-uusap, kasi hindi siya kinausap ni Michelle, nandun lang sa kuwarto.

“Silang lahat nasa kuwarto, si Tekla dun natutulog sa labas.

“Sila ang naka-aircon, si Tekla nasa labas.

“Kung sasabihin nila na hindi natin nakikita, sa mga tao pong nakakaalam kung anong ugali ni Michelle, malalaman ang totoo.”

Sa kabila ng pagka-disgusto ni Conde kay Michelle, umaasa raw itong magkakaayos pa sila ni Tekla lalo pa't may anak na sila.

Ganoon din ang sabi ni Tulfo. Ngunit pinangakuan nito si Michelle ng tulong sakaling magsampa ito ng reklamo laban kay Tekla. Binigyan nito si Michelle ng taning ng hanggang Lunes, Oktubre 26, upang desisyunan kung kakasuhan ang ka-live-in.

Pinangakuan din ni Tulfo ng pinansiyal na tulong si Michelle, kasama na ang puhunan para sa maliit na negosyong itatayo nito, upang makapagsimula itong muli.

Continue reading below ↓

POSSIBLE legal COMPLAINTS vs. super tekla

Matapos ilahad ni Michelle ang mga reklamo nito, humingi ng opinyon si Tulfo kay Atty. Garreth Tungol, ang chief of staff sa office ni ACT-CIS Partylist Congresswoman Jocelyn Tulfo, na asawa ng mamamahayag.

Ano raw ang mga reklamong maaaring isampa ni Michelle laban kay Romeo?

Ayon sa abogado, walang karapatan ang isang lalaki na pilitin ang kanyang asawa na sumiping kung ayaw nito.

Kahit pa kasal sila, hindi raw maaaring kung ano ang gusto ng mister ay puwede na nitong gawin sa misis.

Sa madaling salita, kailangang respetuhin ng lalaki ang karapatan ng babae na huwag sumiping, lalo na kung ito ay may karamdaman.

Isa sa maaaring isampa kay Romeo ay ang reklamong paglabag sa Republic Act (R.A.) 9262 o Violence Against Women and their Children Act (VAWC).

Sa ilalim daw ng probisyong sexual violence ng R.A. 9262 papatak ang mga pambabastos umano ng komedyante sa ka-live in na si Michelle.

Continue reading below ↓

Posible ring makasuhan ng rape si Romeo sakaling mapatunayang may insidenteng nagtagumpay itong makipagtalik kay Michelle sa kabila ng pagtutol nito.

"Mga tatlo po," tukoy ni Michelle sa mga insidenteng pamimilit umanong sumiping sa kanya ni Romeo.

Dagdag ni Michelle, "Mga limang beses naman yung [pambabastos] niya, kahit katabi ko po yung pamangkin ko at hawak ko yung anak ko."

Reclusion perpetua, o habang buhay na pagkakakulong, ang penalty sa kasong rape. Walang karapatang magpiyansa ang isang akusado ng rape.

Continue reading below ↓

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin mismo ang panig ni Super Tekla sa pamamagitan ng text messaging noong Oktubre 20, pero hindi ito sumagot.

Muli kaming nagpadala ng text noong Okturbre 21, pero hindi rin siya sumagot.

Nakipag-ugnayan din kami sa GMA Corporate Communications upang makakuha ng pahayag mula sa pamunuan ng TBATS, pero wala pa silang sagot.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla (left) is accused of sexual abuse by his live-in partner Michelle Bana-ag (right). His camp denies the allegation: "Mahal na mahal niya iyang babaeng iyan."
PHOTO/S: File / Courtesy: Wanted sa Radyo on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results