Bugoy Cariño on relationship with EJ Laure: “Hindi po siya naging madali.”

by Bernie V. Franco
Oct 21, 2020
Bugoy Cariño on five-year age gap between him and girlfriend EJ Laure: “Hindi naman po namin iniisip yun na magkalayo yung edad namin."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Star Cinema)

Sinabi ni Bugoy Cariño na hindi biro ang hirap na pinagdaanan ng pagsasama nila ng girlfriend nitong si EJ Laure.

Si Bugoy ay dating ABS-CBN child star na naging miyembro ng all-male group ng It’s Showtime na Hashtags.

Si EJ naman ay former UAAP volleyball player mula sa University of Sto. Tomas.

Limang taon ang agwat ng magkasintahan—ngayon ay 18 taong gulang si Bugoy, habang si EJ ay 23.

Pinag-usapan ng netizens ang pag-amin ni Bugoy na isa na siyang ama sa two-year-old girl na si Scarlet.

September 4 nang aminin ito ni Bugoy, kasabay ng kanyang ika-18 kaarawan.

Pero ang ginawang pagsasapubliko ni Bugoy na isa na siyang ama ay kumpirmasyon lang ng balita noong 2018 na nakabuntis siya.

Itinanggi ito noon ni Bugoy, na noon ay 15-anyos lamang.

BUGOY, A YOUNG FATHER

Dahil sa pagkakaroon ng responsibilidad sa murang edad, hindi naging madali ang pagsasama nina Bugoy at EJ.

Continue reading below ↓

“Yung pagmamahal po namin ngayon ay hindi po siya naging madali. Pero habang tumatagal po kasi, mas tumitibay po yung pagmamahalan namin,” bungad ni Bugoy.

Sabay na nakapanayam ni Toni Gonzaga sina Bugoy at EJ sa online lifestyle show na I Feel U, noong Linggo, October 18.

Patuloy ni Bugoy hinggi sa five-year age gap nila ni EJ: “Hindi naman po namin iniisip yun na magkalayo yung edad namin. Basta parang maging masaya po kami.

“Basta happy si Scarlet, happy kami, and nagagawa namin yung mga goals namin, ‘tsaka responsibilities namin sa family namin.”

“Mahirap nung una, pero dumadali naman siya habang tumatagal.”

Bagamat 18 anyos lang siya, natuto raw si Bugoy na maging responsable ngayong pamilyado na siya.

“Mas nag-mature po siguro ang pag-iisip ko. Siyempre, mas iisipin ko na yung baby ko kesa sa akin.

“Siyempre, ganoon naman po yung parents, di ba? Siguro mas nag-mature lang.”

Natutunan din daw nila ni EJ kung ano ang kanilang mga prayoridad.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Bugoy, “Dati pag nagpaplano kami—magmo-mall kami, ‘tapos makikipagkita kami sa barkada.

“Ngayon hindi na po. Sasabihin namin, ‘Wait lang, walang magbabantay sa baby.’ Malaki po talaga nagbago.”

Pati ang pananaw nila sa kanilang relasyon ay nag-iba rin.

“Dati pag nag-aaway, maliit na bagay lang. Pero ngayon po kasi, yung maliliit na bagay sinasarcastic na lang namin," ani Bugoy.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni EJ, idinadaan na lang daw nila sa biruan ang mabababaw na hindi pagkakaunawaan.

Nakatutok daw ang atensiyon ni Bugoy na tuparin ang pangarap niya ngayon sa buhay.

Ang pinagpapaguran daw niya, “Magkaroon ng magandang buhay yung mag-ina ko. Siyempre, magkaroon kami ng bahay.”

BUGOY AND EJ ON BASHERS

Sinabi naman ni Bugoy na mas dinibdib ni EJ ang panghuhusgang natanggap nila dahil sa kanilang relasyon.

Ang pag-amin noong Setyembre nina Bugoy at EJ tungkol sa kanilang pamilya ay hindi pinalampas ng mga kritiko.

Umani ng batikos ang magkasintahan, partikular si EJ, dahil nakipagrelasyon siya at nagkaanak noong mga panahong menor de edad si Bugoy.

Kuwento ni Bugoy tungkol sa dinanas ni EJ, “Nung una po kasi, parang hindi siya sanay sa ganoon. Hindi po siya sanay.

"Parang kada konting salita, parang masasakit na salita, parang sobrang tamang-tama na talaga."

Dahil lumaki sa showbiz, hindi raw ininda ni Bugoy ang bashers.

Continue reading below ↓

“Siyempre po tayo, parang ano na iyan, parang normal na.”

Pero alam ni Bugoy na may mga salitang “sobrang foul na” kaya hindi maiwasang maapektuhan si EJ.

Bagamat siya ang mas bata, si Bugoy na raw ang nagpapayo sa kasintahan na huwag nang pansinin ang pagpuna ng ibang tao.

“Sabi ko, ‘Okay na yan. Huwag mo nang pansinin.’ Kasi po ang damdamin ko, parang hindi rin po ako nagpapaapekto. Siyempre, para siya hindi rin maapektuhan.

“Sasabihin ko sa kanya, parang, ‘Huwag mong intindihan iyan, wala naman magagawa sa atin yan. Hindi naman tayo pinapalamon.’”

Pinatotohanan ito ni EJ.

Ayon kay EJ, sobra niyang iniyakan ang naging batikos sa kanya.

“Sa volleyball kasi, wala naman yung sobrang bash na bash talaga,” saad ng former volleyball player.

Malaking bagay daw ang pag-alalay ni Bugoy na huwag siyang paapekto sa sinasabi ng iba.

“Kasi si Bugoy parang ever since talaga, wala siyang paki sa sasabihin ng tao," lahad ni EJ.

Continue reading below ↓

“So, parang nung nagtagal-tagal yung relationship namin, parang natutunan ko na din yung ano, dedmahin.

“Parang hindi ko pinapansin yung sinasabi ng ibang tao.

"Basta ang importante kung anong meron sa aming dalawa, at saka yung kay Baby [Scarlet].”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño on five-year age gap between him and girlfriend EJ Laure: “Hindi naman po namin iniisip yun na magkalayo yung edad namin."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Star Cinema)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results