Regine Velasquez thanks A2Z owner Bro. Eddie Villanueva: “Hindi niyo po alam kung gaano kami kasaya lahat.”

Oct 21, 2020
Asia's Songbird Regine Velasquez (left) can't help but feel emotional that ABS-CBN programs can now be watched on free-to-air TV via A2Z Channel 11, owned by evangelist Bro. Eddie Villanueva.
PHOTO/S: Facebook (Ogie Alcasid) / @bro_eddie on Instagram

Kitang-kita kung gaano kaaliwalas ang mukha ni Regine Velasquez sa Facebook Live nila ng asawang si Ogie Alcasid noong Linggo, October 18.

Partida pa ito dahil sinabi ng mag-asawa na pagod sila nang husto dahil live silang nag-perform bilang host-performers sa ASAP Natin ‘To.

Mula noong October 11 ay muling napanood ang ASAP Natin ‘To sa free-to-air TV sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.

Ito mismo ang dahilan kung bakit walang pagsidlan ang saya nina Regine at Ogie, sampu ng kanilang mga kasamahan sa Kapamilya Sunday musical variety show.

Sabi ni Regine, noong October 18 ang kauna-unahang beses na muling nag-live ang ASAP, matapos magpaalam sa himpapawid ang ABS-CBN Channel 2.

Ang A2Z ay dating Zoe TV na pagmamay-ari ng Jesus is Lord founder na si Bro. Eddie Villanueva.

Nagsisilbi ngayong content provider ng A2Z ang ABS-CBN. Mapapanood na sa A2Z ang maraming Kapamilya shows.

REGINE THANKS BRO. EDDIE

Isang worship night ang ginawa nina Regine at Ogie via Facebook Live noong Linggo, October 18.

Continue reading below ↓

Sinamantala ni Regine ang pagkakataong iyon para pasalamatan si Bro. Eddie.

Ang A2Z daw kasi ang naging sagot sa dasal nina Regine na muling makabalik sa free-to-air TV ang ABS-CBN.

Sabi ng Asia's Songbird, “I just want to say thank you to Bro. Eddie for allowing us to be on channel 11, A2Z.

“Hindi niyo po alam kung gaano kami kasaya lahat.”

Kuwento pa ni Regine, muli niyang nakitang sumaya ang ABS-CBN executives.

“It was my first time to see Tita Cory smiling again. I haven’t seen her [smile in a long time],” pagtukoy ni Regine kay Cory Vidanes, ABS-CBN chief of operating officer for broadcast.

Pinasalamatan din nina Regine at Ogie si ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi pati na si ABS-CBN Chief Executive Officer and President Carlo Katigbak, na kilala rin sa tawag na CLK.

Ani Regine, “All the bosses for all their support, thank you to all the bosses, Direk Lauren, CLK, everyone from ASAP, the whole staff, the crew and everybody.”

Continue reading below ↓

REGINE, "BUANG NA BUANG"

Nagpasalamat din si Regine sa lahat ng mga taong nakidasal daw sa kanila para sa muling pagbangon ng kanyang home network.

"I just wanna say thank you also to everyone who’s been praying for the Kapamilya Channel, maraming-maraming salamat.

“Alam kong ang daming nagdasal for us, that we’ll be able to return to free TV.

“Ang ano naman po talaga naming lahat is to serve the Filipinos, and now we are continuing to do that.”

Continue reading below ↓

Samantala, pagkatapos ng ASAP noong Linggo, wala pang isang oras ay nag-tweet si Regine ng pasasalamat.

Bakas sa kanyang tweet ang lubos na saya at inamin pa ngang naiyak siya sa galak dahil nakabalik sila sa ere.

Tweet ng singer: “Ang saya saya ng feeling ko na naiiyak na naman ako [crying face moji] hala!!!ayan na naman ako BUANG NA BUANG NA!!!!!! #ASAPNatinTo #KapamilyaForever [kissing emoji, ABS-CBN hearts emojis] thank you so much for watching [praying hands emoji]”

Continue reading below ↓

Bukod sa A2Z, patuloy pa ring mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN sa cable channels at social media accounts nito.

July 10, 2020 nang tuluyang mamaalam sa ere ang Kapamilya TV station.

Nagkaisa ang pitumpung kongresista para isakatuparan ang naging banta noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez (left) can't help but feel emotional that ABS-CBN programs can now be watched on free-to-air TV via A2Z Channel 11, owned by evangelist Bro. Eddie Villanueva.
PHOTO/S: Facebook (Ogie Alcasid) / @bro_eddie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results