Carla Abellana lauds animal welfare group for rescuing dogs set to be euthanized

Oct 22, 2020
Actress and animal rights advocate Carla Abellana appeals to the public to adopt the dogs rescued on October 21 from the City of San Jose del Monte pound in Bulacan. Adoption fees have already been paid by non-governmental organization PAWSsion Project.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram, PAWSsion Project on Facebook

Pinuri ni Carla Abellana ang pagliligtas ng animal welfare group na PAWSsion Project sa ilan sa 100 aso na isasalang na sana sa euthanasia sa isang city pound sa Bulacan.

Si Carla ay ang 34-year-old Kapuso actress na kilalang animal rights advocate.

Ang PAWSsion Project ay isang non-profit organization na nagliligtas, nag-aalaga, at nagsusulong ng adoption sa mga asong inabandona o minaltrato.

Sa isang Facebook post nitong October 15, ibinalita ng PAWSsion Project na 100 aso, at ilang pusa, ang nakatakdang i-euthanize, o patayin, sa Bulacan.

Mahigit isang buwan na kasing nakatuloy ang nabanggit na bilang ng mga aso sa city pound ng San Jose del Monte City sa probinsiya.

Bagamat hanggang maaari ay iniiwasan ng pamahalaang lungsod na i-euthanize ang mga aso, itinatakda ito ng Anti-Rabies Act o Republic Act 9482.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa Section 9 ng RA 9482 na ang mga impounded na aso na hindi kinuha mula sa pound sa loob ng tatlong araw "shall be placed for adoption to qualified persons, with the assistance of an animal welfare NGO, when feasible, or otherwise disposed of in any manner."

Alinsunod din ito sa probisyon ng Animal Welfare Act o RA 8485.

CARLA APPEALS: #ADOPTDONTSHOP

Sa isang Instagram Story nitong Miyerkules, October 21, nabanggit ni Carla ang tungkol sa legalidad ng euthanasia sa mga asong nasa city pound.

Kalakip ng Story ni Carla ang video clip ng pagbabalita ng GMA-7 prime-time newscast na 24 Oras tungkol sa pagsagip ng PAWSsion Project sa 37 sa 83 natitirang aso sa city pound.

Caption ni Carla (published as is): “Did you know that according to the law, aspins and puppins that are caught and locked up in City Pounds have to be euthanized every month?”

Continue reading below ↓

Kaya malaking bagay daw ang maitutulong kung may aampon sa rescued dogs.

Sa parehong Instagram Story, tinag ni Carla ang PAWSsion Project at pinuri ang malasakit ng founder ng grupo na si Malou Perez.

Sabi ni Carla: “Good job, Malou and @pawssionproject [smiling face with smiling eyes emoji]”

Ginamitan din ni Carla ng hashtag ang panawagan niya sa kanyang 1.8 million Instagram followers: “#AdoptDontShop.”

Continue reading below ↓

ADOPTION FEE PAID BY PAWSSION PROJECT

Sa report ng 24 Oras, sinabi ni Malou Perez na nalikom na ng PAWSsion Project ang sapat na halaga upang bayaran ang adoption fee ng 100 aso sa pamahalaang lungsod ng San Jose del Monte sa probinsiya ng Bulacan.

Ang adoption fee ay nagkakahalaga ng PHP500 kada aso, pero covered na nito ang anti-rabies vaccine at kapon sa aampuning aso.

Gayunman, 37 lang sa natitirang 83 aso sa city pound ang kinuha ng PAWSsion Project nitong Miyerkules.

Iyon lang daw kasi ang kakasya sa shelter ng grupo na matatagpuan din sa San Jose del Monte, ayon kay Perez.

Kaya naman nananawagan ang PAWSsion Project sa mga animal lovers na ampunin ang iba pang mga asong naiwan sa city pound.

Wala nang babayarang adoption fee ang mga mag-aampon ng aso dahil sasagutin na ito ng PAWSsion Project.

HOW TO ADOPT RESCUED DOGS?

Ang mga interesadong umampon ay maaaring pumunta sa City Veterinary Office ng San Jose del Monte, Bulacan.

Continue reading below ↓

Kailangang magdala ng isang valid ID at isang 1x1 picture.

Ang aampuning aso ay maaaring i-pick up mula sa city pound ng San Jose del Monte o mula sa shelter ng PAWSsion Project.

Para naman sa mga hindi pupuwedeng mag-ampon, maaaring mag-sponsor ng aso sa PAWSsion Project, ayon kay Perez.

Ang sponsorship sa bawat isang rescued dog ay nagkakahalaga ng PHP1,000 kada buwan hanggang sa ma-adopt na ang aso.

Ang nabanggit na halaga ay para sa pagkain, vitamins, at bayad sa mag-aalaga sa aso sa shelter.

Maaaring makipag-ugnayan sa social media pages ng PAWSsion Project para sa iba pang detalye.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and animal rights advocate Carla Abellana appeals to the public to adopt the dogs rescued on October 21 from the City of San Jose del Monte pound in Bulacan. Adoption fees have already been paid by non-governmental organization PAWSsion Project.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram, PAWSsion Project on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results