Super Tekla strongly denies accusation of sexual abuse by live-in partner

by Arniel C. Serato
Oct 22, 2020
Comedian Super Tekla (both photos) to live-in partner Michelle Lhor Bana-ag: "Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo iyan sa sarili mo. Alam mo iyan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat."
PHOTO/S: File / Courtesy: GMA News Online

"Hindi totoo iyan. Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako. Hindi ko magagawa iyan, Michelle."

Ito ang mariing tanggi ni Super Tekla sa alegasyong inabuso niya sexually ang kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Si Tekla, 38, ay kilala bilang Romeo Librada sa tunay na buhay. Anim na taon na niyang karelasyon si Michelle, 26.

Mayroon silang apat-na-buwang sanggol.

Noong October 20, 2020, nagdetalye si Michelle sa radio at sa YouTube show ni Raffy Tulfo ng mga ginawang pambabastos umano ni Romeo sa kanya.

Isa na rito ay ang pamimilit diumano ni Romeo na makisiping si Michelle sa kanya kahit masama ang pakiramdam nito.

Kapag hindi raw pumayag si Michelle ay nakakatikim daw ito ng masasamang salita mula kay Romeo.

Ayon pa kay Michelle, dumating sa puntong ginugutom siya ni Romeo.

Kapag tumanggi raw siyang sumiping, "lalabas" daw si Romeo sa kanilang tahanan at "ni piso" ay hindi mang-iiwan ng pambili ng pagkain.

Continue reading below ↓

Pawang kasinungalingan ang mga ito, ayon kay Tekla.

Humarap si Tekla sa isang eksklusibong panayam sa GMA News Online noong Miyerkules, October 21.

Humahagulgol na sinabi ng komedyante na sana raw ay inisip ni Michelle na usaping pampamilya ang sigalot sa pagitan nila bago ito lumapit sa media.

Tinukoy ni Tekla ang sinabing seksuwal na pang-aabuso niya sa live-in partner. Hindi ito nangyari, seryosong pagtanggi ng komedyante. Matapos ay sinabi nito:

"Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay.

"Usapin natin, Michelle, iyan. Usapin ng pamilya iyan. Isang napakasensitibong usapin iyan, Michelle.

"Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan."

Ang isa pang alegasyong binitawan ni Michelle ay ang diumano’y mahalay na mga kilos ng komedyante kahit sa harap ng kanilang apat-na-buwang sanggol.

Mariing pinasinungalingan din ito ng Kapuso comedian-host.

Nasa tamang pag-iisip daw si Tekla at hindi niya magagawa ang kalaswaang ipinararatang sa kanya ni Michelle.

Continue reading below ↓

Aniya, "Michelle, utang na loob, may anak akong babae, si Aira. May mga kapatid akong babae...

"Mahirap lang kami, Michelle, sa bukid... Alam mo ang background ng family ko."

“HINDI KO KAYO PINAGUTUMAN”

Ayon pa kay Tekla, inintindi raw niya ang karelasyon sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.

Hindi tuwirang idinetalye sa unang video na inilabas ng GMA News, pero naglabas ng sama ng loob ang komedyante sa mga umano'y pagkukulang sa kanya ng live-in partner.

"Parte ng pagsasama natin iyan, Michelle, na ipinagkakait mo sa akin.

"Ginagawa mo akong tanga at timawa diyan, yun ang totoo. Pero nag-a-adjust ako, kasi nanay ka ng anak ko, e.”

Itinanggi rin ng comedian-host na nagpabaya siya sa pagsustento kay Michelle, sa anak nila, at maging sa mga kaanak ng live-in partner.

Umiiyak pa ring mensahe ni Tekla kay Michelle, "Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo iyan."

Saksi raw ang dalawang pamangkin ni Michelle sa pagsusumikap ng komedyante para mapunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Ani Super Tekla, "Lahat—naglaan pa ako ng G-cash para sa inyong lahat, para anytime hindi na lalabas dahil pandemic."

Ang G-cash ay isang money transfer at payment app via mobile.

Hindi rin daw nagkulang si Romeo sa pag-aalaga sa anak nila ni Michelle na may anorectal malformation.

Noong Hunyo, humingi ng tulong si Romeo sa mga kaibigang artista at pulitiko upang maipagamot ang newborn baby nila ni Michelle.

Sumbat ni Tekla kay Michelle, "Siya ang hindi pumupunta sa ospital.

"Ako, kung kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas iyang batang iyan, dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo.

"Alam mo ang kuwento niyan, Michelle."

Taliwas ito sa paratang ni Michelle na karamihan sa na-solicit ni Romeo na donasyon ay hindi raw napunta sa kanilang anak.

Ayon kay Michelle, binayaran raw ni Senator Bong Go ang buong hospital bill nang ipinagamot noon si Baby Angelo.

Ipinagtataka raw ni Michelle kung bakit hindi napunta sa panggastos ng kanilang anak ang perang na-donate umano ng mga nilapitang artista ng komedyante—tulad nina Senator Bong Revillame, Willie Revillame, at Michael V.

Continue reading below ↓

"PLANTED" VIDEOS?

Sa panig ni Super Tekla, nanindigan siyang hindi niya mawaring gagawan siya ni Michelle ng mga walang katotohanang paratang.

Sabi ng television personality, "Di pa nagsi-sink in yun sa utak ko, na gagawin yun sa akin.

"Unang-una, wala akong kaalam-alam, plinano nilang lahat... Kung titignan mo yung video, wala akong kaalam-alam."

Ang tinutukoy ni Tekla ay ang mga ipinakitang video ni Michelle sa programa ni Tulfo.

Kuha mismo ni Michelle ang isang video kunsaan makikitang nakikipagdiskusyon siya kay Romeo.

May isa namang video na ang kumukuha kay Tekla ay isang kasama nila ni Michelle sa bahay.

Naniniwala ang kampo ni Tekla na "planted" ang pagri-record ng pagtatalo nila ni Michelle.

Unang nabanggit ang pagdududang ito ng manager ni Tekla na si Rose Conde nang humarap ito sa programa ni Tulfo kahapon, October 21.

Malinaw na sinadya raw ni Michelle na kunan si Tekla sa kainitan ng pag-aaway nila.

Continue reading below ↓

Sabi ni Conde kay Tulfo: "Kung ano yung sinasabi ni Michelle dun sa video, yun ang gustong iparating ni Michelle sa tao, kasi planted nang ipapa-Tulfo si Romeo.

"Gumawa sila ng video para ipadala sa inyo."

MICHELLE'S DECISION TO BREAK UP WITH ROMEO

Sa huli, sinabi ni Tekla na nirerespeto niya ang desisyon ni Michelle kung gusto na nitong tapusin ang kanilang relasyon.

Sabi pa ng komedyante-TV host: "Michelle, karapatan mo yun, karapatan mo yun.

"Nung una pa lang, binlock niyo na ako sa Facebook, wala akong idea, nagkalabuan tayo.

"Gusto mong makipaghiwalay sa akin.

"Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo iyan sa sarili mo.

“Alam mo iyan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat."

May bahagi rin ng panayam kay Super Tekla kunsaan pinabulaanan niya ang ispekulasyong gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Handa raw siyang magpa-drug test upang patunayang malinis siya sa droga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Super Tekla (both photos) to live-in partner Michelle Lhor Bana-ag: "Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo iyan sa sarili mo. Alam mo iyan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat."
PHOTO/S: File / Courtesy: GMA News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results