A2Z owner Bro. Eddie Villanueva responds to greetings of Regine Velasquez, Ogie Alcasid

by Bernie V. Franco
Oct 22, 2020
Bro. Eddie Villanueva (right) extends his regards to singer couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ogie and Regine are ecstatic that ABS-CBN shows are back on free-to-air TV via A2Z Channel 11, which is owned by Bro. Eddie.
PHOTO/S: Facebook (Ogie Alcasid and Bro. Eddie Villanueva)

“Just thank the Lord…”

Parte ito ng mensahe ni Bro. Eddie Villanueva para sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Nakarating kasi kay Bro. Eddie ang pasasalamat sa kanya ng mag-asawang singers.

Bilang tugon, ipinaabot naman ng evangelist ang kanyang pagbati sa showbiz couple.

Nitong Linggo, October 19, balik-live ang Kapamilya Sunday musical show na ASAP Natin, ‘To, na kinabibilangan nina Regine at Ogie.

Binati at kinumusta ni Ogie si Bro. Eddie nang mag-spiel siya sa programa.

Pagsapit naman ng gabi, nagsagawa ng worship night sina Regine at Ogie via Facebook Live.

Dito ay ipinaabot ni Regine ang pasasalamat kay Bro. Eddie, dahil naging instrumento raw siya para mapanood muli ang Kapamilya shows sa free-to-air TV.

Simula noong October 11, opisyal nang sinimulan ang pag-ere ng ABS-CBN shows sa free-to-air television sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.

Ang A2Z ay dating kilalang Zoe TV Channel 11, na pagmamay-ari ni Bro. Eddie, na siya ring founder ng Jesus Is Lord (JIL) Church.

Continue reading below ↓

BRO EDDIE SENDS MESSAGE TO REGINE AND OGIE

Ang mensahe ni Bro. Eddie para kina Regine at Ogie ay idinaan niya sa JIL church staff member na si Heidy Landrito.

Ipinost ni Heidy sa Facebook ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Bro. Eddie, ngayong Huwebes ng umaga, October 22.

Ipinadala ni Heidy kay Bro. Eddie ang link ng PEP article na pinapasalamatan ni Regine ang JIL founder.

Sumagot si Bro. Eddie kay Heidy at may mensaheng nais ipabatid kina Ogie at Regine.

Message ng evangelist (published as is): “Heidy, Pls tell Sis Regine and Bro Alcasid just thank the LORD who is the real owner of A2Z Channel 11…

"…and who loves all human beings that’s why HE demonstrated HIS LOVE for all of us that when we were still sinners CHRIST JESUS died for us (Romans 5:8).

"Mabuhay kayong lahat na nagbibigay ng saya at galak sa mga mamamayang Pilipino!!

Continue reading below ↓

"GODBLESS YOU MORE AND GODBLESS THE PHILIPPINES!!!"

Sa Facebook post ni Heidy, itinag niya rito sina Regine at Ogie.

MORE MESSAGES FROM BRO. EDDIE TO OGIE AND REGINE

Maging ang anak ni Bro. Eddie na si Jovi Villanueva-Binalla, ipinaabot din kina Ogie at Regine ang "regards" ng kanyang ama.

Noong Linggo, isang netizen ang nag-post ng clip ni Ogie na binabati si Bro. Eddie sa ASAP.

Continue reading below ↓

Ni-retweet ito ni Jovi at sinabing napanood ni Bro. Eddie ang ASAP noong linggo. Itinag pa ni Jovi ang singer couple.

Ani Jovi: "Thank you po @ogiealcasid My dad sends his regards.. We were watching this while having lunch po.. God bless you, Ms @reginevelasquez and your family!"

Nag-tweet din si Jovi at ipinaabot na laging ipinagdarasal ng kanyang ama ang mag-asawa."

Continue reading below ↓

October 11, Sabado nang opisyal na muling napanood ang ABS-CBN programs at shows sa A2Z.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bro. Eddie Villanueva (right) extends his regards to singer couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ogie and Regine are ecstatic that ABS-CBN shows are back on free-to-air TV via A2Z Channel 11, which is owned by Bro. Eddie.
PHOTO/S: Facebook (Ogie Alcasid and Bro. Eddie Villanueva)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results