Donita Nose defends Super Tekla against live-in partner; Boobay publicly expresses support

by Arniel C. Serato
Oct 23, 2020
Donita Nose (left) gives straight answers to queries about her good friend Super Tekla (center). Boobay (right) says Tekla has her full support.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / File

Ipinagtanggol nina Donita Nose at Boobay ang matalik na kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Super Tekla.

Nasangkot sa mainit na kontrobersiya si Super Tekla matapos siyang akusahan ng mga kalaswaan umano ng live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo noong Martes, October 20, isiniwalat ni Michelle ang ugali raw ni Super Tekla na namimilit makipagsiping sa kanya kahit masama ang kanyang pakiramdam.

Kapag hindi raw siya pumayag ay hinahayaan daw nitong magutom silang mag-ina, pati na ang mga pamangkin niyang kasama nila sa bahay.

Nitong October 21, nagsalita sa programa ni Tulfo si Donita upang ipagtanggol ang kaibigan.

Matagal na nagkasama sa mga comedy bars at sa programang Wowowin sina Super Tekla at Donita. Kaya madalas ay napagsasabihan daw ni Tekla si Donita ng mga problema nito.

Mariing pinabulaanan ni Donita ang alegasyon ni Michelle na ginugutom ito ni Tekla sa tuwing hindi ito pumapayag makipagtalik.

Continue reading below ↓

"Ang sa akin lang po, Sir, hindi totoo yung nakikipagtalik bago siya magpakain," diretsong sabi ni Donita.

"Sir, apat na taon silang magkasama. Kasama niya yung kapatid ni Michelle yata, yung asawa, tsaka yung mga pamangkin.

"So, parang sabi ko, sa apat na taon ganun ang gagawin?

"Kung ako babae, isang buwan pa lang, ganyan gagawin mo sa akin, hindi mo ako papakainin dahil di ako pumayag, siyempre, Sir, hindi ako papayag ng ganun, di ba?

"Makikipaghiwalay ako kung ganun."

(Sa panayam ng GMA-7 Online kay Tekla noong Oktubre 21, sinabi nitong anim na taon ang relasyon nila ni Michelle.)

Tingin daw ni Donita ay hindi nanadya si Tekla kung mayroon mang insidenteng hindi naiwanan ng perang pangkain si Michelle.

"Nagkataon lang siguro, Sir, na ganun nga, nagreklamo, hindi papakainin.

"Siguro, sa sobrang galit ni Tekla, umalis na lang siya.

"Pero hindi ibig sabihin na hindi kayo kakain dahil di ka pumapayag sa akin."

Continue reading below ↓

Tinanong din ni Tulfo si Donita tungkol sa reklamo ni Michelle na nagsasariling-sikap si Tekla at gumagawa ng kalaswaan sa harap ng sanggol nilang anak.

Sagot naman ni Donita, "Tinanong ko po iyan sa kanya. Ang sabi niya, 'hindi totoo.'"

(Sa GMA-7 Online, pinabulaanan din ito ni Super Tekla: "...naglaan pa ako ng G-cash para sa inyong lahat, para anytime hindi na lalabas dahil pandemic." Ang G-cash ay isang money transfer at payment app via mobile.)

Ayon pa kay Donita, si Tekla ang sumusustento hindi lang kay Michelle at sa anak nila, kundi pati sa ilang kaanak ni Michelle.

Nasa condo raw ni Tekla nakatira ang kapatid ni Michelle, asawa, at dalawang anak nito.

Patuloy ni Donita: "Ang alam ko, tinutulungan niya yung pamilya ng babae, binabayaran yung bahay sa Parañaque.

"Siya rin po nagpapakain sa kanila sa condo. Siya nagbabayad ng condo, ng kotse.

"For me, ginagampanan naman po niya yung dapat niya gampanan."

Continue reading below ↓

Sa panig ni Michelle, iginiit niyang si Tekla ang may gustong akuin ang responsibilidad na buhayin ang kanilang pamilya.

Si Tekla rin daw ang nagpatigil sa kapatid ni Michelle na magtrabaho para makatulong sa mga gawaing bahay sa kanilang tahanan, tulad ng paglalaba at paghuhugas.

Sabi pa raw ni Tekla kay Michelle, "Kaya ko naman saluhin lahat."

ON "PLANTED" VIDEOS

Sa pagpapatuloy ng salaysay ni Donita, ang hinala niya ay "planted" ang lihim na pagkuha ni Michelle ng video sa kainitan ng away nila ni Tekla sa loob ng kuwarto.

May isa pang video kunsaan ibang kasama sa bahay ang kumukuha ng video kay Tekla sa labas ng kuwarto.

Parehong ipinakita ni Michelle ang mga iyon sa programa ni Tulfo.

Depensa ni Donita sa kaibigang si Tekla: "Itong nangyari po sa kanila, I think ito lang week na ito lang iyan. Iyang na-video na iyan is two days ago lang, I think.

Continue reading below ↓

"Talagang sinadya nila i-video na ganun ang nangyayari na nag-aaway sila. Kasi nga, ito yung plano nila.

"So parang pinagplanuhan po nila, for me, na bini-video si Tekla na ganito-ganyan ang ginagawa, ganito ang sinasabi..."

Bilang kaibigan, hindi raw maiwasang masaktan ni Donita para kay Tekla.

Hindi man daw perpekto si Tekla, hindi raw tama ang pandidiin ni Michelle kay Tekla.

"Nahi-hurt na lang din ako. Alam ko naman na meron siyang mga ginagawa dati, may mga bisyo, tapos ganito, tapos yung ugali niya dati.

"'Tapos medyo nagbago na po siya kahit papaano, nararamdaman ko naman yun.

"Lalo na yung bisyo niya, pinagbago niya talaga."

Naramdaman daw niyang nahusgahan na ng mga tao ang kaibigan.

Dagdag ni Donita, "Parang sabi ko nga sa mga ano, medyo mabigat kasi ang mga sinasabi ng tao sa kanya, so parang alam ko po na meron siyang mali.

"Pero meron din naman kasing tamang ginawa si Tekla."

Continue reading below ↓

"HINDI NA PO SIYA NAGDA-DRUGS"

Sa puntong ito, inusisa ni Tulfo si Donita kung anu-ano ang tinutukoy niyang nagawang tama ni Tekla.

Dito nilinaw ni Donita na matagal nang itinigil ni Tekla ang masamang bisyo nito.

Paliwanag niya: "Ang unang tamang ginawa talaga niya ay yung huminto talaga siya sa bisyo niya.

"Hindi na po talaga siya nagda-drugs, as in.

"Alam ko yun, kasi sa tuwing nagkikita kami tinitingnan ko siya, e. Tapos tumaba na talaga siya, maayos na siya.

"So, parang alam ko na hindi na talaga siya nagbisyo."

Sa pagkakaalam din daw ni Donita ay ulirang ama si Tekla.

Lahad ni Donita: "Yung pangalawa, yung tamang ginawa niya ay yung sa anak niya.

"Alam ko rin po kahit papaano. Nag-uusap kami kasi dun tungkol sa anak niya na na-ospital, na humingi nga siya ng mga tulong sa mga ganito, sa mga ganyan, para nga lang po mairaos, maoperahan ang bata.

Continue reading below ↓

"Ang nangyari po kasi sa bata, ang pagkakaalam ko, nagkaroon ng problema sa ulo yung bata. Yung development niya hindi naging okay."

Ang tinutukoy ni Donita ay si Baby Angelo, ang apat na buwang sanggol na anak ni Super Tekla kay Michelle.

Sumailalim ang sanggol sa isang operasyon noong Hulyo dahil sa anorectal malformation.

DONITA ON MICHELLE'S VICES

Ayon kay Donita, may pagkukulang si Michelle kaya hindi maganda ang health condition ng anak nito.

Gumagamit diumano ng droga si Michelle noong ipinagbubuntis nito ang anak hanggang sa kasalukuyan.

Lahad ni Donita kay Tulfo: "Ang gusto ko lang i-point dun is nagkaganun yung bata, nagkaproblema siya, nagkaroon ng ganitong kumplikasyon nung pinanganak siya is because nga po, habang nagbubuntis daw po si Michelle, is gumagamit pa din daw po siya.

"So yun po yung main problem nila kaya nagkaganun yung bata."

Dagdag ni Donita, "Sa totoo lang, Sir, talagang silang dalawa, gumagamit sila dati. Kinukuwento sa akin yun ni Tekla...

Continue reading below ↓

"Yung bisyo nila pareho nagagawa nila nang magkasama."

Tuwirang inamin ni Michelle kay Tulfo na dati siyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

"Opo, hindi ko po itatanggi yun," ani Michelle kay Tulfo.

Pero "last year" pa raw siya huminto sa paggamit ng droga, ani Michelle.

Ayon pa kay Donita, tingin niya ay hindi nakakabuti para kay Tekla ang pakikipagrelasyon nito kay Michelle.

Pinagsabihan na raw noon ni Donita si Tekla na makipaghiwalay na kay Michelle dahil ito raw ang nakakaimpluwensiya kay Tekla sa bisyo.

Lahad ni Donita: "Si Tekla po kasi, pag nasa akin po siya, nakikinig po siya. Pag tinetext siya ni Michelle, hindi na siya makatanggi.

"Dumidiretso naman po siya pag di niya kasama iyan, e.

"So, sabi ko, 'Huwag mo na ipilit ang sarili mo kasi masisira ka na. Marami nang magiging problema, at saka di mo maiiwasan ang bisyo mo.'"

Nabanggit din ni Donita ang kuwento sa kanya noon ni Tekla na nakulong ang ina at kapatid ni Michelle "dahil nga daw, hindi ko alam kung nagtutulak ba, o ano."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, binigyan ni Tulfo si Michelle ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

Tanong ni Tulfo kay Michelle: "Sino ang nagturo kanino na magdroga?"

"Sabay po kami, nung nagkakilala kami, nagggaganun na po," sagot ni Michelle.

Ani Michelle, imposible raw na siya ang nag-impluwensiya kay Tekla na magbisyo dahil wala naman daw siyang pera at si Tekla raw ang may contact noon sa pinagkukunan nila ng kanilang bisyo.

Sinabi rin ni Michelle na totoong nagsusugal siya, pero iyon ay dahil sumasama lamang siya kay Tekla sa casino.

Ito raw ang nagturo sa kanyang magsugal, at nagbibigay sa kanya ng PHP1,000 para pansugal noon.

Pero pagdating daw sa ibang pangangailangan niya ay mahigpit daw ang sinturon ni Tekla.

Nang minsang kumuha raw si Michelle ng pera sa wallet ni Tekla para pambili ng pagkain, inakusahan pa raw siya nitong "magnanakaw."

ON TEKLA AND MICHELLE'S COMPLICATED RELATIONSHIP

Ipinagtataka naman daw ni Donita, sa tagal ng pakikipagrelasyon ni Michelle kay Tekla at kung talagang naaabuso ito ng komedyante, bakit ngayon lang ito nagtangkang makipaghiwalay?

Continue reading below ↓

Ani Donita: "Yung ugali nga ni Tekla pagdating sa s*x, ganito, ganyan...

"Dapat yung two or three months, nakitaan na ni Michelle nang hindi maganda si Tekla... nakipaghiwalay na dapat siya.

"So, inisip ko, 'Bakit tumagal kayo ng four years? Kung nakikisama ka pa rin kay Tekla kung ayaw mo ng ugali niya?'"

Inamin ni Michelle na "on and off" ang relasyon nila ni Tekla sa loob ng anim na taon.

Ani Michelle, madalas daw ay nagkakabalikan sila ni Tekla dahil daw nagkakapatawaran sila.

Sabi naman ni Donita, alam niyang madalas mag-away sina Michelle at Tekla, kahit noong panahong Wowowin co-host pa si Tekla, bandang 2016 hanggang mid-2017.

"So, sila na po niyan. Actually, nagkakaroon talaga sila ng problema madalas.

"Kaya sinasabi ko, 'Hiwalayan mo na. Hindi na tama yung ginagawa mo.'

"Hindi niya mahiwalayan dahil mahal naman niya talaga yung babae.

"Ang nangyari lang po talaga, hindi nila mahiwalayan [yung isa't isa] dahil po yung babae po ayaw din makipaghiwalay sa kanyaa.

Continue reading below ↓

"So, talagang sila pa rin at sila."

“KAY TEKLA PO AKO”

Isa namang maiksing mensahe ng suporta ang ipinadala ni Boobay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, October 22 sa pamamagitan ng text messaging.

Si Boobay ay co-host ni Tekla sa sikat na Sunday variety program ng GMA-7 na The Boobay And Tekla Show (TBATS).

Ani Boobay, buo ang suporta niya sa kaibigan at katrabahong si Tekla.

"Basta sa laban na ito, kay Tekla po ako... alam ko kung gaano nya pinaglaban si Michelle...

"Dalangin ko na malampasan niya ito, at alam kong malalampasan niya."

Nagsalita na rin si Super Tekla ukol dito.

Mariin niyang itinanggi ang lahat ng mga paratang ni Michelle.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Nose (left) gives straight answers to queries about her good friend Super Tekla (center). Boobay (right) says Tekla has her full support.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results