Marjorie Barretto, kids spend time in Zambales; did they visit Gerald Anderson's resort?

Oct 23, 2020
Marjorie Barretto, Gerald Anderson
Netizens point out clues about Julia Barretto's family visiting Gerald Anderson's (right) resort. There's a photo of Marjorie Barretto (left) marveling at the beauty of sunset by the beach, and another one where Dani Barretto's brother-in-law is seen inside Gerald's resort.
PHOTO/S: @marjbarretto, @andersongeraldjr on Instagram

Bumisita ba sa newly opened resort ni Gerald Anderson sa Zambales ang pamilya ni Julia Barretto?

Ito ang inuusisa ngayon ng netizens matapos masilayan ang mga litratong ipinost sa Instagram ng ilang miyembro ng pamilya ng 23-year-old actress.

Ngayong Huwebes, October 22, nag-post sa Instagram si Marjorie Barretto, ina ni Julia, ng mga litrato niya habang naliligo sa dagat.

Sa series of photos, mahihinuhang kasama ni Marjorie ang dalawa pa niyang anak na sina Claudia at Leon.

Anak ni Marjorie sina Julia, Claudia, at Leon sa dating asawa, ang komedyanteng si Dennis Padilla.

Sa isang picture, makikita si Marjorie na nakangiting nakatanaw sa papalubog na araw.

Sa sumunod na dalawang litrato, tampok ang napakagandang sunset na tinatanaw ni Marjorie.

Caption ng dating aktres: "This is me... and my love for the water. I can stare at the ocean and I’m immediately recharged.

"Thank you Lord for a good break [praying hands, heart emojis] #HappyBirthdayDani"

Continue reading below ↓

MARJORIE IN HAYATI?

Nitong September 30 lang naging operational ang exclusive private beach resort na pagmamay-ari ni Gerald, 31.

Ito ay ang Hayati Private Resort na matatagpuan sa Botolan, Zambales.

Continue reading below ↓

Pangunahing ipinagmamalaki ng resort ang napakagandang sunset view na matatanaw mula sa dalampasigan.

Ang roof deck ng glass house sa resort ang best spot para masilayan ang paglubog ng araw.

Ayon sa mapanuring netizens, ang picture ni Marjorie na nakatanaw sa sunset ay kuha raw mula sa roof deck ng glass house ni Gerald.

Ang dark brown furniture na inuupuan ni Marjorie sa litrato ay sinasabing pareho raw ng mga upuang nakapuwesto sa iba’t ibang bahagi ng resort.

Continue reading below ↓

Sa posts ni Marjorie, hindi niya binanggit kung saan ang location niya.

Pero base sa ginamit niyang hashtag na "#HappyBirthdayDani," kasama siya sa birthday celebration ng anak na si Dani Barretto.

DANI’S BIRTHDAY CELEBRATION

Tampok din sa usap-usapan ng netizens ang picture ng 27th birthday celebration ni Dani.

Panganay ni Marjorie si Dani, na anak niya sa dating nobyo, ang former actor na si Kier Legaspi.

Sa isang private beach resort sa Botolan, Zambales nagdiwang ng kanyang kaarawan si Dani nitong October 20.

Siyempre pa, kasama ni Dani ang asawang si Xavi Panlilio at ang one-year-old nilang anak na si Millie.

Continue reading below ↓

Sa mga litrato at videos sa Instagram page ng ina ni Xavi, makikitang sa ibang private resort sa Botolan idinaos ang birthday celebration ni Dani.

Itinag ng ina ni Xavi ang Shore House private resort sa mga ipinost niyang litrato at videos.

Makikita rin sa pictures at clips ang mag-asawang Dani at Xavi, ang magkapatid na Claudia at Leon, at ang mga kapatid ni Xavi.

Naroroon din ang close friends ni Dani na sina Bela Padilla at Lauren Young.

Continue reading below ↓

Bela and Leon

Bagamat mauunawaang wala sa party si Marjorie dahil pawang kabataan ang naroroon, kapansin-pansing wala sa celebration si Julia.

Sa katunayan, hindi makikita si Julia sa lahat ng pictures at videos na kuha sa pagpunta ng mga Barretto at mga Panlilio sa Botolan.

THE SWING CHAIR, A-FRAME NIPA HUTS

Continue reading below ↓

Pero hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang isang litrato ng isang lalaki, na natukoy na bayaw ni Dani.

Ang picture ng bayaw ni Dani ay bahagi ng Instagram Stories ng mother-in-law ni Dani.

Sa litrato, nakaupo ang bayaw ni Dani sa isang swing chair. Tanaw sa likod niya ang hilera ng A-frame nipa huts.

Prominente ang kakaibang hugis ng A-frame rooms na ito sa mga litrato ng amenities na naka-post sa Instagram page ng Hayati at pati na rin sa vlogs ni Gerald.

Sa isang picture sa Instagram page ng resort, makikita rin ang swing chair na parehong-pareho ng inuupuan ng bayaw ni Dani sa litrato nito.

Continue reading below ↓

Ang suspetsa ng netizens, kasama ng mag-iina ni Marjorie ang pamilya Panlilio nang nagtungo diumano ang mga ito sa resort ni Gerald.

Narito ang litrato nina Bela at Xavi, na pinaniniwalaan ng netizens na kuha sa tapat ng beachfront resort ni Gerald:

Ang Shore House private resort, kunsaan naka-check-in sina Dani, ay malapit lang sa Hayati Resort, na pag-aari ni Gerald.

Continue reading below ↓

Kayang itong lakarin lalo pa't parehong beachfront ang lokasyon ng mga ito.

JULIA SUPPORTS GERALD’S RESORT BUSINESS

Sa pagbubukas ng resort business ni Gerald noong September 30, nagpaabot ng suporta sa kanya si Julia.

Continue reading below ↓

Nang araw na iyon, ipinost ni Julia bilang Instagram Story ang logo ng resort ni Gerald.

Tinag pa ni Julia ang aktor sa Story niyang iyon, na kalaunan ay kanyang binura.

Nagpakita ng suporta si Julia sa resort business ni Gerald limang araw matapos siyang maghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza.

Continue reading below ↓

Ipinost kasi ni Jay sa Facebook ang fake news na buntis si Julia at si Gerald ang ama ng sanggol.

Mariing pinabulaanan ni Julia ang ulat na siya ay buntis.

Sa kasagsagan ng isyu, pasimpleng nagpatutsada si Gerald kay Jay sa pamamagitan ng isang Instagram Story.

Tila patuyang saad ni Gerald sa kanyang post, "Congratulations to me."

JULIA SIGHTINGS

Isang buwan bago maging operational ang resort, lumutang ang mga ulat na ilang beses na raw bumisita roon si Julia kasama si Gerald.

May sumulpot pang video ng isang babae at lalaki na magkausap sa labas ng glass house ng resort.

Ayon sa netizens, sina Julia at Gerald daw iyon.

Gayunman, napakalayo at malabo ang kuha kaya imposibleng matiyak kung sila nga ang nasa video.

May nakasulat pang “ANNIVERSARY” sa caption ng video.

Kuha iyon ng kaibigan at personal assistant ni Gerald na si Jalal Laidan.

Continue reading below ↓

Pilit pa ring iniuugnay ng fans sina Julia at Gerald sa isa’t isa kahit mahigit isang taon na ang nakalipas nang masangkot sila sa matinding kontrobersiya.

July 2019 nang madawit si Julia sa breakup ni Gerald sa aktres na si Bea Alonzo.

Si Julia ang itinurong third party sa hiwalayan, bagamat kaagad itong itinanggi ng young actress at ni Gerald.

Sa 23rd birthday ni Julia noong March 10, 2020, inamin niyang mayroon na siyang bagong karelasyon.

Pero tumanggi ang young actress na isapubliko ang tungkol sa kanyang special someone.

Sa panig ni Gerald, hindi niya direktang masagot ang pag-uusisa ng press kung totoo bang may relasyon sila ni Julia.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens point out clues about Julia Barretto's family visiting Gerald Anderson's (right) resort. There's a photo of Marjorie Barretto (left) marveling at the beauty of sunset by the beach, and another one where Dani Barretto's brother-in-law is seen inside Gerald's resort.
PHOTO/S: @marjbarretto, @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results