Vice Ganda, Andoy Ranay, other celebs rejoice over Pope Francis’s same-sex civil union endorsement

Oct 23, 2020
It's Showtime hosts Vice Ganda and Ion Perez (left) have been together for almost two years, while filmmakers Andoy Ranay and Noel Escondo (right) got engaged on August 23, 2019 while they are on vacation in New Zealand.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @andoyr1973 on Instagram

Nagdiwang ang maraming Pinoy celebrities sa pagpapahayag ni Pope Francis ng suporta sa same-sex civil unions.

Sa katunayan, hindi lang basta suporta ang ibinigay ng 83-year-old Roman Catholic Church leader sa mga magkarelasyon mula sa LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community na gustong bumuo ng sariling pamilya.

Inendorso ng Santo Papa ang pagkakaroon ng “civil union law” para sa LGBTQ people.

Aniya, gaya ng iba, karapatan din ng mga ito na magkaroon ng sariling pamilya bilang sila rin ay “children of God.”

Sinabi ito ng Argentine pontiff sa kanyang feature-length documentary na Francesco.

Tinatalakay ng Francesco ang sari-saring usaping malapit sa puso ng Santo Papa, gaya ng kalikasan, kahirapan, migration, racial at income inequality, at diskriminasyon.

Sa report ng Associated Press, quoted si Pope Francis sa gitnang bahagi ng dokumentaryo: “Homosexual people have the right to be in a family. They are children of God.

“You can’t kick someone out of a family, nor make their life miserable for this.

Continue reading below ↓

“What we have to have is a civil union law; that way they are legally covered,” sabi ni Pope Francis.

Nag-premiere ang Francesco sa Special Events Section ng Rome Film Festival nitong Miyerkules, October 21.

Ipalalabas din ang Francesco sa Savannah Film Festival sa Georgia, United States sa Linggo, October 25.

Idinirek ito ng gay filmmaker na si Evgeny Afineevsky, na nakakuha ng Academy Awards nomination para sa dokumentaryo niyang Winter on Fire: Ukraine’s Fight for Freedom noong 2015.

Continue reading below ↓

VICE AND DIREK ANDOY CHEERING

Noong Miyerkules ng gabi, October 21, naging laman ng social media ang hindi inaasahang pahayag na ito ni Pope Francis.

Good news ito para sa LGBTQ community at sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanila.

Kabilang sa mga tuwang-tuwa sa pahayag na ito ng Santo Papa ang comedian-TV host na si Vice Ganda at ang TV director na si Andoy Ranay.

Kapwa miyembro ng LGBTQ community sina Vice, 44, at Direk Andoy, 47.

Pareho rin silang masaya ngayon sa kani-kanilang karelasyon.

Magdadalawang taon na ang relasyon ni Vice sa kapwa niya It’s Showtime host na si Ion Perez, 29.

Si Direk Andoy, mahigit isang taon nang engaged sa kanyang longtime boyfriend, ang film director na si Noel Escondo.

Nitong Huwebes, October 22, ni-repost ni Vice sa Twitter ang report ng CBS News tungkol sa pag-endorso ni Pope Francis sa same-sex civil union.

Sabi ni Vice: “Pope Francis na yan o! POPE FRANCIS!!!! O loko!!!!”

Continue reading below ↓

Ang report ng Associated Press ang ni-retweet ni Direk Andoy nitong Miyerkules ng gabi.

Tanong ni Direk Andoy, kelan daw kaya magkakaroon ng same-sex civil union law sa Pilipinas?

Tinuldukan ng rainbow at rainbow flag emojis, nag-tweet si Direk Andoy: “O Pilipinas! Kelan tayo?! #LGBTQ”

Continue reading below ↓

JANINE, GABBI, IZA REJOICE

Emojis din ang reaksiyon ng Kapuso actresses na sina Janine Gutierrez at Gabbi Garcia sa pahayag ni Pope Francis.

Nitong Huwebes ng madaling-araw, sa Twitter nag-post si Gabbi, 21, habang sa Instagram Stories naman si Janine, 31.

Continue reading below ↓

Sa Instagram Story ng Kapamilya actress na si Iza Calzado, 38, nitong Huwebes, nagpasalamat siya kay Pope Francis.

Ni-repost ang quote card ng Rappler, mababasa sa Story ni Iza: “Woke up to this. Thank you, Pope Francis [white heart emoji]”

KARLA HAS ONE-WORD REACTION; BIANCA FEELS “SO MUCH JOY”

Ang Magandang Buhay host na si Karla Estrada, one-word pero all capital letters ang caption sa ni-retweet niyang news bulletin mula sa CNN Philippines.

Continue reading below ↓

“AMEN” na lang ang nasabi ni Karla, 45.

Samantala, binigyang-diin ng TV host na si Bianca Gonzalez sa kanyang tweet nitong Huwebes, October 22, ang kahalagahan ng pantay-pantay na karapatan, lalo na para sa LGBTQ people.

Caption ni Bianca, 37, sa ni-repost niyang AP report: “Still feeling so much joy about this bit of news.

Continue reading below ↓

“Gay rights are human rights. [rainbow, white heart, star emojis]”

WHAT IS SAME-SEX civil UNION?

Ilang states ng United States of America ang nagpapatupad ng same-sex civil union.

Ang same-sex civil union ay nagbibigay ng marriage-like legal status sa pareha na kapwa miyembro ng LGBTQ community.

Gayunman, ang legal rights at mga benepisyong kaakibat ng pagsasamang ito ay hanggang sa state-level lamang, o may bisa lang sa estado kung saan nagpakasal ang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Samantalang ang legal protection ng same-sex marriage ay kinikilala sa buong Amerika.

Ayon sa rocketlawyer.com, ang legal rights ng mga sumailalim sa same-sex civil union ay kinabibilangan ng shared parental rights sa mga anak, paghahati o pagmamana sa properties, pagtanggap ng employment benefits at insurance ng asawa, pagsasama ng inihahaing state taxes, at pagtanggap ng alimony sakaling maghiwalay.

Sa same-sex marriage, may dagdag na benepisyo ng visa petitions, social security benefits, pagsasama ng inihahaing federal taxes, at kumpletong benepisyo sa educational assistance, home loan programs, at health coverage sa veterans.

FIRST POPE TO ENDORSE SAME-SEX civil UNION

Si Pope Francis ang kauna-unahang lider ng Simbahang Katoliko na sumuporta sa same-sex civil union.

Kahit noong arsobispo pa lang sa Buenos Aires, Argentina ang Santo Papa—na Jorge Mario Bergoglio ang pangalan—inendorso na niya ang civil unions para sa LGBTQ people bilang alternatibo sa same-sex marriage.

Pero dahil sa pag-endorso ni Pope Francis sa same-sex union na Santo Papa na siya, nahahati ngayon ang reaksiyon ng Vatican.

Continue reading below ↓

Taliwas kasi sa Catholic teaching ang paninindigan ni Pope Francis.

Alinsunod sa paniniwalang Katoliko, bagamat hinihimok ang dignidad at respeto sa pagtrato sa mga homosexuals, ang mga ginagawa nila ay itinuturing na “intrinsically disordered.”

Sa isang dokumento mula sa doctrine office ng Vatican, nakasaad na ang respeto ng Simbahan sa LGBTQ people “cannot lead in any way to approval of homosexual behavior or to legal recognition of homosexual unions.”

Ang dokumentong ito ay pinirmahan noong 2003 ng hinalinhan ni Pope Francis sa puwesto noong 2013, ang ngayon ay si Pope Emeritus Benedict XVI.

At press time, wala pang opisyal na pahayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa pagpabor ni Pope Francis sa same-sex civil union.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime hosts Vice Ganda and Ion Perez (left) have been together for almost two years, while filmmakers Andoy Ranay and Noel Escondo (right) got engaged on August 23, 2019 while they are on vacation in New Zealand.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @andoyr1973 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results