Defense Chief Delfin Lorenzana chides military general accused of red-tagging Liza Soberano: “Kung wala kang ebidensiya… just keep quiet.”

Oct 25, 2020
In a TV interview on October 23, (L-R) Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. insists that he did not red-tag anyone on his now controversial Facebook post last October 21, when he warned Liza Soberano against joining Gabriela and New People's Army. Parlade also mentioned Angel Locsin's and Catriona Gray's names in his post.
PHOTO/S: Philippine News Agency, @lizasoberano, @therealangellocsin, @catriona_gray on Instagram

Kasabay ng dagsa ng suporta para kay Liza Soberano, kinastigo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang military general na inaakusahang nagsagawa ng “red-tagging” kay Liza at sa iba pang kababaihang celebrities.

Nababatikos ngayon si Lieutenant General Antonio Parlade Jr. matapos itong magbabala na maaaring matulad si Liza, 22, sa sinapit ng isang napatay na kabataang aktibista kung patuloy na susuportahan ng Kapamilya star ang women’s rights group na Gabriela.

Iginigiit kasi ni Parlade na may posibilidad na si Liza ay maging miyembro ng Gabriela.

Direktang iniuugnay ni Parlade ang Gabriela sa New People’s Army (NPA), ang armed unit ng 51-anyos na Communist Party of the Philippines (CPP).

Si Parlade ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

December 2018 nang binuo ang NTF-ELCAC, na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang tuluyan nang matuldukan ang communist insurgency sa bansa.

Si Parlade ay commander din ng Southern Luzon Command (SolCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Continue reading below ↓

Karamihan sa miyembro ng task force ay nagmula sa AFP.

Ang AFP ay nakapailalim sa Department of National Defense (DND) ni Secretary Lorenzana.

Bilang big boss ni Parlade, hindi raw kumporme si Lorenzana sa "walang ebidensiyang" red-tagging ng sinumang miyembro ng militar.

PARLADE: LIZA “NOT YET” A MEMBER OF NPA

Miyerkules, October 21, nang ipinost ni Parlade sa Facebook page ng NTF-ELCAC ang kanyang official statement tungkol sa red-tagging ng netizens laban kay Liza.

Kasunod ito ng pakikibahagi ni Liza sa isang webinar ng Gabriela Youth nitong October 14.

Sa webinar, emosyunal na nanawagan ang young actress na ipaglaban ang karapatan ng kababaihan at mga bata laban sa pang-aabuso, pambabastos, at iba pang injustices.

“Let us not red-tag Liza Soberano,” bungad ng pahayag ni Parlade. “It’s not fair to her.

“She is merely supporting advocacy for women’s rights. She has to be protected in the exercise of her rights.”

Paglilinaw ni Parlade, hindi raw kasapi ng NPA si Liza—sa ngayon.

Continue reading below ↓

Kaya nga raw dapat na pinag-iingat ang Kapamilya actress at ang iba pang “celebrity targets” laban sa isang kilusang nasa likod umano ng Gabriela.

Sabi ni Parlade tungkol kay Liza: “Is she an NPA? No, of course not. Not yet.

“So let’s help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women’s Party.”

A VEILED THREAT?

Dahil dito, nagbabala si Parlade kay Liza.

“Liza Soberano, there’s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira.”

Si Lapira ang 22-anyos na estudyante ng University of the Philippines (UP)-Manila na napatay sa bakbakan ng militar at NPA sa Nasugbu, Batangas noong November 28, 2017.

Nang mga panahong iyon, si Lapira ang deputy secretary general ng Gabriela Youth.

TAGGING CATRIONA, ANGEL, OTHERS

Nang paalalahanang muli ni Parlade si Liza, binanggit ng heneral ang pangalan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, 26, at ng actress-philanthropist na si Angel Locsin, 35.

Continue reading below ↓

Diretsahang inakusahan ni Parlade ang kapatid ni Angel na si Ella Colmenares ng pagiging NPA member.

Ayon sa heneral, alam daw ni Angel ang tungkol dito, gayundin ng tiyuhin nilang human rights lawyer na si Neri Colmenares.

Sabi ni Parlade: “The choice is yours Liza. And so with you Catriona.

“Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon.

“I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this.”

Continue reading below ↓

LIZA REMAINS “APOLITICAL”

Abogado ni Liza ang naglabas ng pahayag nitong October 22 upang kondenahin ang red-tagging laban sa young actress.

Ayon kay Atty. Jun Lim, nananatiling “apolitical” si Liza.

Personal daw na adbokasiya at walang halong pulitika ang pagpapahayag ni Liza ng “love and respect for women and children.”

Giit ng abogado ni Liza: “She does not support nor antagonize any person’s political views.

“We, thus, call on everyone concerned to be circumspect in associating our client with their respective political beliefs, whatever it may be.”

LAWMAKERS DEFEND LIZA, SCOLD PARLADE

Nagpaabot naman ng suporta kay Liza ang ilang mambabatas, kasabay ng pambabatikos ng mga ito kay Parlade.

Ayon kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, malinaw na red-tagging ang ginawa ni Parlade kay Liza.

“By saying that Soberano is ‘not yet an NPA,’ he is maliciously associating the actress with the armed movement when what she did in the youth forum was to only speak up for all the victims of gender-based violence and abuse,” ani Brosas.

Continue reading below ↓

Muli ring itinanggi ni Brosas na may kaugnayan ang Gabriela sa NPA.

Sinabi naman ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna) na gawain na raw ni Parlade ang “red-tagging anyone who works or espousing the same cause and issues of progressive groups.”

Dagdag ni Zarate: “Anybody and everybody should speak out against abuse and not let them be until they are extinguished.”

Si Senator Risa Hontiveros, mariing kinondena si Parlade sa pagbabanta kina Liza, Catriona, at Angel.

Mensahe ni Hontiveros kay Parlade: “Huwag mong gamitin ang kapangyarihan mo bilang heneral upang takutin at pagbantaan ang mga kababaihang ito.

“By silencing them, pinapalampas mo ang karahasan, panggagahasa, at pang-aabuso na nararanasan ng napakaraming Pilipino."

FELLOW CELEBS, ABS-CBN RALLY BEHIND LIZA

Sa mga kapwa celebrities, isa si Angel sa mga unang nagtanggol kay Liza.

Iyon ay kahit isa rin si Angel sa mga binanggit ni Parlade sa ngayon ay kontrobersiyal na nitong pahayag tungkol sa red-tagging.

Continue reading below ↓

Nitong Huwebes, October 22, ipinost ni Angel sa Instagram Stories ang quote card ng warning ni Parlade kay Liza.

Para kay Angel, ang tratong ito ng military official kay Liza ay applicable lang noong sinaunang panahon.

Mababasa sa caption ni Angel: “A man calling out a woman on how she should advocate women’s rights. How 1920’s”

Continue reading below ↓

Sinegundahan ito ng newbie singer na si Frankie Pangilinan. Tweet ni Frankie, “so fragile and insecure” daw ang mga lalaki.

Ang kapwa singers na sina Agot Isidro at Jim Paredes, nabahala sa mistulang “death threat” daw ni Parlade laban kay Liza.

Continue reading below ↓

Samantalang nag-tweet naman ng suporta para kay Liza ang TV host na si Bianca Gonzalez at ang writer-spoken poetry artist na si Juan Miguel Severo.

Continue reading below ↓

Ang home network ni Liza na ABS-CBN ay nagpahayag din ng buong suporta sa young actress “as she speaks out against violations of human rights.”

Apela ng ABS-CBN, sana raw ay pahintulutan ang lahat ng tao “to freely participate in meaningful and rational discussion of issues without having to be red-tagged.”

Continue reading below ↓

LORENZANA TO PARLADE: “DAPAT MAY EBIDENSIYA ”

Sa buhos ng mga batikos na hinaharap ni Parlade, kinastigo pa siya ng mismong kanyang big boss.

Sinabihan ni Defense Secretary Lorenzana ang military official na tigilan na ang pagsasapubliko ng mga walang basehang akusasyon laban sa mga tinatawag nitong “leftist.”

Continue reading below ↓

“My thoughts about that, kung wala kang ebidensiya, do not talk about it,” ani Lorenzana.

Nakausap ng media si Lorenzana sa isang event sa headquarters ng Philippine Army sa Taguig City nitong Biyernes.

Mensahe ni Lorenzana kay Parlade at sa iba pang tauhan ng AFP: “Huwag kang magpunta sa media, sa Facebook.

“Huwag mong sabihin na leftist yan, NPA yan.

“Dapat may ebidensiya tayo, otherwise, just keep quiet,” sabi ng Defense Chief.

Sinabi ni Lorenzana na ipatatawag niya si Parlade upang makausap ito tungkol sa alegasyong red-tagging laban dito.

Padadaluhin din daw ni Lorenzana si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa meeting nila ni Parlade.

Si Esperon ang vice chairman ng NTF-ELCAC at tumatayong immediate superior ni Parlade.

“Because of this brouhaha na lumalaki, I think we should talk kung ano ba talaga ang magandang gawin,” ani Lorenzana.

Pinaniniwalaang isasagawa ngayong linggo ang paghaharap-harap nina Parlade, Esperon, at Lorenzana.

Continue reading below ↓

PARLADE: “WALA AKONG NI-RED TAG”

Ilang oras makaraang maiulat ng media ang posisyon ni Lorenzana sa issue, na-interview ng ABS-CBN News si Parlade.

Tumanggi ang heneral na mag-apologize kay Liza.

Bakit daw niya gagawin yun, gayung pinasalamatan pa nga raw siya ng abogado ng aktres na si Atty. Lim?

“Why should I apologize?

“In fact, I got a message, a call from Atty. Lim yesterday (October 22), thanking me and informing me that they’re sending a thank you letter to me personally for informing them about the nature of this organization, which they don’t want their client to be associated with,” ani Parlade.

Nanindigan din ang military general na hindi siya nag-red tag kay Liza.

Ang mga nagkokomento raw nun ay tiyak na hindi nabasa nang buo ang kanyang official statement.

Hindi rin daw pinagbantaan ni Parlade sina Liza, Catriona, o Angel, dahil hindi raw niya iyon magagawa sa isang babae.

Continue reading below ↓

“I’m not threatening these women. I also have daughters, I have sisters.

"Ang dami kong kaibigan na mga babae and I support that advocacy to defend women’s rights,” sabi ni Parlade.

“Wala akong ni-red-tag.”

ANGEL: “MAGKAIBA LANG TAYO NG PANINIWALA”

Sa isang matapang na Instagram post nitong Biyernes, mariing itinanggi ni Angel na siya, ang kapatid niyang si Ella, at ang tiyuhing si Neri ay kasapi ng “NPA or any terrorist group.”

Aniya, ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang karapatan niyang magkaroon ng sariling paniniwala.

Hindi raw tamang “i-red tag” ang isang tao dahil lang sa hindi kayo magkatulad ng pinaniniwalaan.

Sabi ni Angel: “Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag.

“Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako ‘red.’

“Magkaiba lang tayo ng paniniwala,” saad sa post ni Angel, na bagamat walang binanggit na pangalan ay siguradong si Parlade ang pinatatamaan.

Umapela si Angel kontra red-tagging: “Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito.

Continue reading below ↓

“Tigilan na po ang red tagging.

“The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.”

Sabi pa ni Angel, “nakakalungkot” daw na mistulang sa pag-aakusa at red-tagging lang nailalaan ang malaking intelligence fund ng gobyerno.

Mas mapakikinabangan daw sana ang pondo kung ilalaan ito sa dagdag-suweldo at pensiyon ng mga sundalo, sa COVID-19 response, at sa pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho.

Nanawagan din ng suporta si Angel para sa mga kapwa niya na-red tag.

“I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully," ani Angel.

Continue reading below ↓

CATRIONA: “DON’T EVER ALLOW YOUR VOICE TO BE SILENCED”

Sa Instagram din idinaan ni Catriona nitong Sabado, October 24, ang kanyang reaksiyon sa issue.

Ayon sa ikaapat na Pinay Miss Universe, walang dapat makapigil sa isang tao na maghayag ng opinyon at saloobin sa mga usaping nakaaapekto sa nakararami.

Sa isang video sa Instagram, sinabi ni Catriona: “Please don't ever allow your voice to be silenced.

“You never know who's life may be impacted by your words.

“You never know who you'll help feel seen, courageous or comforted.

“When you speak up for yourself, know that in sharing your stories, you're speaking up for others too,” ani Catriona.

Continue reading below ↓

LIZA KEEPS MUM

Samantala, simula nang lumutang ang red-tagging issue laban sa kanya, hindi pa rin nagbibigay ng direktang pahayag si Liza tungkol dito.

Kapansin-pansin ang pananahimik ng Kapamilya young actress sa social media, kung saan milyun-milyon ang kanyang followers.

Kung may naging reaksiyon man ni Liza sa kontrobersiya, iyon ay ang pagre-repost niya sa Instagram Stories ng official statements ni Angel at ng ABS-CBN tungkol sa red-tagging.

Continue reading below ↓

Sabay itong ipinost ni Liza sa kanyang Instagram Stories nitong Biyernes.

Isang buwan nang nasa Amerika si Liza, kung saan inaalagaan niya ang may sakit niyang maternal grandmother.

FEARLESS, EMPOWERED WOMEN

Pare-parehong walang takot sa pagpapahayag ng kanilang paninindigan sa sari-saring political at social issues sa bansa sina Angel, Liza, at Catriona.

Continue reading below ↓

May 2020, nakiisa ang tatlo sa mga panawagan laban sa pagpapasara sa kanilang home network, ang ABS-CBN.

Kabilang din sila sa mga personal na umapela para sa kapakanan ng libu-libong empleyado ng network na mawawalan ng trabaho.

Sa kabila ng sama-sama nilang pananawagan, pinagkaitan pa rin ng prangkisa ng Kamara ang ABS-CBN noong July 10.

Nagkaisa rin sina Angel, Liza, at Catriona sa pagkontra sa pagsasabatas sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill noong June.

Gayunman, tuluyan pa ring naaprubahan ang nabanggit na batas, na layuning paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga terorista.

Kilala rin ang tatlo sa paninindigan laban sa mga nagtatangkang alipustahin ang kanilang pagiging babae.

Nitong September 24, nagharap ng patung-patong na criminal complaint si Liza sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa babaeng netizen na nagbitiw ng “sarap ipa-rape” comment laban sa Kapamilya actress.

September 18 naman nang kinasuhan ni Catriona ng libel at cyber libel ang entertainment editor at writer ng tabloid na Bulgar dahil sa inilathala nitong report na nagsasabing may “nude photos” ang beauty titlist.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a TV interview on October 23, (L-R) Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. insists that he did not red-tag anyone on his now controversial Facebook post last October 21, when he warned Liza Soberano against joining Gabriela and New People's Army. Parlade also mentioned Angel Locsin's and Catriona Gray's names in his post.
PHOTO/S: Philippine News Agency, @lizasoberano, @therealangellocsin, @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results