Sandra Lemonon takes a swipe at how "real queens" should act; netizens ask: where is Michele Gumabao?

by Rachelle Siazon
Oct 25, 2020
Miss Taguig Sandra Lemonon (left) and Miss Quezon City Michele Gumabao (right) trend on Twitter after Miss Iloilo City Rabiya Mateo (center) is crowned Miss Universe Philippines 2020. Sandra's cryptic post reads in part: "real queens Play FAIR don't CHEAT."
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook

May isyu ba sa pagitan ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2020?

Ito ang tanong ng netizens sa gitna ng tila pagpapasaring ni Miss Universe Philippines candidate Sandra Lemonon.

Si Sandra ay kinatawan ng Taguig City sa kakatapos na Miss Universe Philippines 2020 grand coronation.

Ginanap ang taped-as-live event noong gabi ng Biyernes, October 23, at natapos bago mag-alas tres ng umaga ng Sabado, October 24.

Ipinalabas ang kabuuang event nitong umaga ng Linggo, October 25.

Kabilang si Sandra sa pumasok sa Top 15 candidates, pero hindi siya pinalad na makasali sa Top 5 finalists.

Ang itinanghal namang Miss Universe Philippines titleholder ay si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

SANDRA'S CRYPTIC POSTS

Habang sinusulat ang artikulong ito, isa sa trending sa Twitter ang pangalan ni Sandra.

Hindi kasi nakaligtas sa mapanuring netizens ang matalinhagang Instagram Stories ni Sandra, na waring may pinarurunggitang personalidad.

Tila umaalma si Sandra sa insidenteng kunsaan may nangyaring kawalan ng hustisya.

Continue reading below ↓

Bandang alas singko ng umaga, ipinost ni Sandra ang mensaheng ito:

"Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it's time to be honest and speak facts."

Bandang 11 a.m., naglabas ng isa pang cryptic post si Sandra.

"[open eye emoji] the truth always comes out [cooking egg emoji]

Continue reading below ↓

"It's just about timing [heart emoji]

"Karma is real [coffee, clock emojis]

"Because we deserve justice."

Mas matindi ang binitiwang salita ni Sandra sa ikatlo niyang cryptic post.

Sabi niya (published as is):

"Get your tea [heart emoji]

"Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen [heart emoji]

Continue reading below ↓

"But what you forgot to say

"Is that REAL queens

"Play FAIR don't CHEAT."

Hindi tuwirang binanggit ni Sandra ang pangalan ni Rabiya ng Iloilo City, pero lumalabas na tila umaalma si Sandra sa pagkapanalo ng bagong Miss Universe Philippines titleholder.

NETIZENS' REACTIONS

Maraming netizens ang napatanong kung anong "truth" ang nais ni Sandra na mabunyag.

Continue reading below ↓

Narito ang comments nila:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

UNFOLLOWING MISS ILOILO?

Bukod kay Sandra, trending din sa Twitter si Michele Gumabao, ang kinatawan ng Quezon City sa pageant.

Siya ay isang volleyball player at dating housemate ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Pasok si Michele sa Top 5 finalists ng Miss Universe Philippines, pero nabigo siyang sungkitin ang korona.

Itinanghal siyang second runner-up sa pageant.

Usap-usapan ng netizens na nag-unfollow diumano sina Sandra at Michele sa Instagram account ng newly-crowned Miss Universe Philippines na si Rabiya ng Iloilo City.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May mga ibang netizens naman ang kumokontra rito at sinasabing hindi naman daw talaga pina-follow ni Michele si Rabiya sa Instagram.

WHERE IS MICHELE GUMABAO?

Kasabay nito ay napansin din ng netizens kung bakit wala umano si Michele sa litrato ng Top 5 finalists ng Miss Universe Philippines.

Nakunang magkakasama sina Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Roxas Ysmael (Parañaque), third runner-up Pauline Cucharo Amelinckx (Bohol), at fourth runner-up Billie Hakenson (Cavite).

Continue reading below ↓

Kuha iyon sa presscon para sa Top 5 finalists.

Hindi malinaw kung nagkataon lang na hindi nakasali si Michele sa photo-op o talagang hindi ito nakarating sa event.

Narito ang comments ng netizens hinggil dito:

May iban namang netizen ang idinaan sa meme ang kanilang pagtatanong kung nasaan si Michelle.

Continue reading below ↓

May nagbiro pa na magkasama raw sina Sandra at Michele, na kilalang magkaibigan kahit na magkatunggali sa pageant.

Continue reading below ↓

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Taguig Sandra Lemonon (left) and Miss Quezon City Michele Gumabao (right) trend on Twitter after Miss Iloilo City Rabiya Mateo (center) is crowned Miss Universe Philippines 2020. Sandra's cryptic post reads in part: "real queens Play FAIR don't CHEAT."
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results