Did Shamcey Supsup, MJ Lastimosa just address Sandra Lemonon's cryptic posts? 

by Rachelle Siazon
Oct 25, 2020
Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup and MJ Lastimosa (1st & 2nd from left respectively) remind candidates that the "true mark" of a beauty queen is one who accepts "defeat" with "dignity." Also seen in photo are Sandra Lemonon and Michele Gumabao (1st & 2nd from right respectively), who are both trending on social media because of a pageant issue.
PHOTO/S: @supsupshamcey / @mj_lastimosa / Miss Universe Philippines Facebook

Tila nakarating na kay Shamcey Supsup ang usap-usapang may nagaganap na iringan sa pagitan ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines (MUP) 2020.

Si Shamcey ang national director ng Miss Universe Philippines organization.

Lumalabas kasing may mga umaalma sa pagkapanalo ng newly crowned Miss Universe titleholder na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Sa kanyang Instagram Story, nagpaalala si Shamcey kung paaano dapat tanggapin ng isang kandidata ang pagkatalo sa pageant.

Aniya, "To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility -- these are the marks of a true QUEEN."

Bandang 1:40 p.m. ito pinost ni Shamcey, na isa ring beauty queen. Siya ay nanalong Miss Universe 2011 third runner-up.

Continue reading below ↓

Ang isa pang beauty queen, si MJ Lastimosa, ay may mensahe ring kahawig ng kay Shamcey.

Si MJ ay kasama sa mga rumampang former beauty queens sa Miss Universe Philippines 2020 coronation ceremony.

Matatandaang tatlong beses sumali si MJ sa Binibining Pilipinas, upang subukang masungkit ang Miss Universe Philippines crown.

Second runner-up siya noong 2011, nasa Top 12 lamang siya noong 2012, at saka siya nanalong Miss Universe Philippines noong 2014.

Tweet ni MJ: "BBP2012 taught me my greatest pageant lesson in life.

"A true queen is someone who can accept defeat and rise above it. A crown doesn’t define us, we define it.

"This is not the end but only the beginning for our #MissUniversePhilippines girls.

"Congratulations everyone."

Ang Binibining Pilipinas (BBP) Charities Inc. ang humawak ng franchise ng Miss Universe Philippines sa loob ng 55 taon, bago ito ipinagkaloob ng Miss Universe organization sa Miss Universe Philippines organization noong December 2019.

Continue reading below ↓

Siniguro naman ni MJ na buo ang suporta niya sa newly crowned Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Aniya, "We will be supporting supporting you in the @MissUniverse stage as you raise our [Philippine flag] #Miss Universe Philippines."

Bandang alas dose ng tanghali nang mag-tweet si MJ.


SANDRA LEMONON'S FIERY POSTS

Mabilis na naugnay ng mapanuring netizens ang posts nina Shamcey at MJ sa trending issue kaugnay ng Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

Ngayong Linggo, October 25, parehong nag-trend sa Twitter ang pangalan nina Sandra Lemonon at Michele Gumabao.

Si Sandra ay kinatawan ng Taguig City, habang si Michele ay kinatawan ng Quezon City, para sa Miss Universe Philippines 2020.

Kilalang magkaibigan ang dalawa kahit magkatunggali sa pageant.

Base sa Instagram Stories ni Sandra ngayong Linggo, waring inaalmahan niya ang diumano'y hindi makatarungang pagkakapili sa nanalong titleholder ng Miss Universe Philippines.

Bandang 5 a.m. at 11 a.m. ang naunang posts ni Sandra, at pagkatapos ay sinundan niya ito ng isa pang matalinhagang post nitong 2:18 p.m.

Tila kinontra pa ni Sandra ang paalala ni Shamcey kung paano dapat tumanggap ng pagkatalo sa isang beauty pageant.

Patutsada ni Sandra via Instagram Story: "Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen [heart emoji]

"But what you forgot to say

"Is that REAL queens

"Play FAIR don't CHEAT."

Continue reading below ↓

MICHELE MISSING IN ACTION

Kasabay ng malalamang mensahe ni Sandra sa social media, ipinagtataka naman ng mga masugid na tagasubaybay ng pageant na tila missing in action si Michele sa presscon ng Top 5 finalists ng Miss Universe Philippines.

Base ito sa kumalat na litrato na magkakasama sina Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Roxas Ysmael (Parañaque), third runner-up Pauline Cucharo Amelinckx (Bohol), at fourth runner-up Billie Hakenson (Cavite).

Bukod dito, usap-usapan din ng netizens ang tila pag-alma ng kampo ni Michele tungkol umano sa pagsuway sa pageant "rules" ng ibang kandidata.

Isa umanong rule ay ang bawal magkaroon ng glam team ang isang kandidata sa grand coronation.

Sabi ng isang taong nakatrabaho ni Michele: "YET SOME OF THE GIRLS HAD THEIR MUA AND WHOLE GLAM TEAM IN THERE, HELPING IN BETWEEN! ANO TO JOKE TIME!!!?"


Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay trending pa rin ang mga pangalang "Michelle Gumabao, Sandra Lemonon, Shamcey," at pati na rin ang hashtag na "#MissUniversePhilippines2020."


HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup and MJ Lastimosa (1st & 2nd from left respectively) remind candidates that the "true mark" of a beauty queen is one who accepts "defeat" with "dignity." Also seen in photo are Sandra Lemonon and Michele Gumabao (1st & 2nd from right respectively), who are both trending on social media because of a pageant issue.
PHOTO/S: @supsupshamcey / @mj_lastimosa / Miss Universe Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results