Michele Gumabao breaks silence about no-show at Miss Universe Philippines presscon

by Rachelle Siazon
Oct 25, 2020
Michele Gumabao on trending Miss Universe PH 2020 issue: "I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone. I did my very best and I have no regrets."
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook

"I can handle defeat..."

Ito ang paninindigan ni Miss Universe Philippines 2020 second-runner up Michele Gumabao.

Si Michele ay kinatawan ng Quezon City. Siya ay kilalang volleyball player at dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Binasag ni Michele ang kanyang pananahimik sa gitna ng trending issue tungkol sa kanyang non-appearance sa presscon ng Miss Universe Top 5 finalists sa Baguio Country Club ngayong Linggo, October 25.

Naglabas ng kanyang official statement si Michele sa pamamagitan ng Instagram account ng Aces & Queens, ang pageant training camp na naghanda sa kanya para sa Miss Universe Philippines pageant.

Dito, inamin ni Michele na maaga siyang umalis ng Miss Universe Philippines venue dahil hindi raw niya kinaya ang pagtatanong ng mga kasama kung bakit nabigo siyang masungkit ang korona.

Narito ang kabuuang pahayag ni Michele (published as is):

"To all my Michelin stars thank you for being with me on this journey!

Continue reading below ↓

"I love each and everyone of you! Thank you for all your support! Til the very end Laban!

"I left this morning sa bcc while the pageant was on going.

"I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks i couldnt handle that.

"I can handle defeat hahahaha I can't handle the people asking me why why why...

"I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone.

"I did my very best and I have no regrets."

michele gumabao statement via aces & queens instagram.

Continue reading below ↓

Nahalatang missing in action si Michele dahil viral ang litrato ni newly crowned Miss Universe Philippines Rabiya Mateo kasama ang tatlo pang runner-ups ng pageant.

Naroon sina first runner-up Ysabella Roxas Ysmael (Parañaque), third runner-up Pauline Cucharo Amelinckx (Bohol), at fourth runner-up Billie Hakenson (Cavite).


May mga netizen pang nagbiro na kasama umano ni Michele ang kaibigan at kapwa kandidata na si Sandra Lemonon ng Taguig City.

Continue reading below ↓

Si Sandra ay trending din dahil sa pag-alma sa diumano'y kawalan ng hustisyang may kinalaman sa pageant at sa pagkapanalo ng bagong titleholder.

Kasabay nito ay may mga malapit na katrabaho si Michele na umaalma sa ilang panuntunan na may kinalaman sa pageant.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Michele ukol dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michele Gumabao on trending Miss Universe PH 2020 issue: "I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone. I did my very best and I have no regrets."
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results