Pia Wurtzbach asked to give "insider info" about Miss Universe Philippines controversy

by Rachelle Siazon
Oct 25, 2020
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) admits to receiving queries about what she knows about "issues" surrounding Miss Universe Philippines 2020. Michelle Gumabao (middle) is a no-show at the Top 5 finalists presscon, while Sandra Lemonon (right) hints at grievances against the conduct of the pageant.
PHOTO/S: @piawurtzbach / @charliemangosteen @sandralemonon Instagram

Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ikinagulat niya ang balitang nahaluan ng kontrobersiya ang kakatapos lamang na Miss Universe Philippines 2020 grand coronation.

"Medyo nasa-shock ako sa nababasa ko at sa nangyayari," bungad ni Pia.

Sumalang si Pia sa Queentuhan, ang online show sa kanyang Youtube Channel nitong Linggo, October 25 (Philippine time).

Kasalukuyang nasa United Kingdom si Pia.

Kakagising lang daw niya bago siya sumalang sa live streaming ng Queentuhan, bandang 6:00 am, kung base sa U.K. time, o 3:00 pm Philippine time.

Natapos naman ang taped-as-live grand coronation ng Miss Universe Philippines bago pa mag-11:00 am (Philippine time).

Nabanggit ni Pia na hindi pa niya napapanood ang grand coronation ng Miss Universe Philippines, pero may mga nabasa na raw siyang "issues" hinggil sa pageant.

Hindi nagdetalye si Pia, pero maya-maya pa ay pinutakti raw siya ng mga katunungan mula sa netizens.

Pinipilit daw siyang maghayag ng "insider info."

Continue reading below ↓

Pero paglilinaw ni Pia: "I also just wanna quickly address that, you know, we're live right now and I'm reading some of the comments.

"Like, I'm not lying. I really don't know much about what's going on.

"Like, I'm in the U.K. right now. I don't have insider info.

"So nakikibalita lang din ako sa online, sa inyo."

BACK STORY

Hindi kaila na trending topic sa Twitter ang isyung pag-alma ni Sandra Lemonon sa resulta ng pageant.

Magkakasunod ang pahaging ni Sandra sa kanyang Instagram Stories na "soon" ay ilalantad niya ang "truth" at "facts" na tila may kinalaman sa pagkakapili ng Miss Universe Philippines titleholder.

Ang nanalo ay si Miss Iloilo City Rabiya Mateo.

Dawit din sa trending topic si Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup, na nagpaalala na dapat matutong tumanggap ng pagkatalo ang isang kandidata.

Kasabay nito ay laman din ng balita ang no-show ni Miss Universe Philippines second runner-up Michele Gumabao sa presscon ng Top 5 finalists nitong Linggo ng umaga, October 25.

Continue reading below ↓

May netizens naman ang nakapansin sa pag-comment ni Pia sa Instagram post ni Sandra kahapon.

Sabi lang doon ni Pia, "Beauty" si Sandra sa litrato nito.

Nag-comment din si Michelle sa litrato ni Sandra tatlong araw na ang nakakaraan.

"Love this," sabi naman ni Michelle.

Nang mabasa ito ng netizens, may mga napaisip kung may alam si Pia sa isyu.

NOT TRYING TO HIDE ANYTHING

Paliwanag naman ni Pia, hindi raw siya nakibahagi sa preparasyon ng Miss Universe Philippines 2020, maliban na lang sa panonood ng preliminary interviews at events tulad ng ibang fans.

Sinabi niya na kilala niya si Angel Comia, ang "punong-abala" sa pag-aasikaso ng Miss Universe Philippines candidates dahil "head" daw si Angel ng "Pianatics."

Pero ang tinanong lang daw niya rito two days ago ay kung taped o live ba ang grand coronation.

"Kasi wala nga talaga ako masyadong alam. Marami akong ibang inaasikaso at the moment.

Continue reading below ↓

"So, I'm as confused as you guys. I just wanted to address that.

"I feel, like, some people think that I'm trying to hide the truth or cover up something.

Lahad pa ni Pia: "Like, guys, I'm really unbiased here. I am just trying to stay fair as much as possible.

"Minention ko lang kasi nababasa ko yung mga comments.

"They really want me to say something. 'Hindi, alam mo yung totoo! Alam mo yung ganyan! Bakit mo tinatago?'"

Sabay diin ni Pia, "Guys, wala akong alam!"

Continue reading below ↓

BIANCA GUIDOTTI, JENINA LIZARDO

Kasama rin ni Pia sa online show ang mga kaibigang sina Bianca Guidotti at Carla Jenina Lizardo.

Si Bianca ay nanalong Miss International 2014, habang si Jenina ay TV host at ka-batch ni Bianca na sumali sa Binibining Pilipinas 2014.

Natatawang depensa ni Bianca kay Pia, "Wala siyang alam kasi ako pinipiga ko siya! Wala talaga..."

Sabi naman ni Carla, hindi raw sila nakikisali sa kung anumang isyu ngayon sa Miss Universe Philippines.

"Obviously, may mga camps and everything. Pero antagal na rin kasi naming sumali, and hindi naman parang sobrang nakatali pa rin kami dun.

"I mean, obviously, we can talk about pageants now more as fans. Hiniwalay na namin yung experience namin sa ngayon.

"Antagal na since sumali kami so wala na kaming ano diyan, mga biases and everthing.

"It's just really for the Philippines. We just wanna show our support to everyone joining."

Continue reading below ↓

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) admits to receiving queries about what she knows about "issues" surrounding Miss Universe Philippines 2020. Michelle Gumabao (middle) is a no-show at the Top 5 finalists presscon, while Sandra Lemonon (right) hints at grievances against the conduct of the pageant.
PHOTO/S: @piawurtzbach / @charliemangosteen @sandralemonon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results