Miss Bohol defends KC Montero from netizens calling him "rude, unprofessional"

by Rachelle Siazon
Oct 26, 2020
Miss Universe Philippines third runner-up Pauline Amelinckx on netizens accusing KC Montero of being rude to her: "No harm was done in my eyes. But this has gone out of hand and I just want to remember the entire experience in the most positive way possible..."

Umani nang batikos si KC Montero matapos niyang magsilbing host sa kontrobersiyal na Miss Universe Philippines 2020.

Tinawag na "bastos, rude, at unprofessional" si KC dahil sa diumano'y pananalita niya nang makaharap si Miss Bohol Pauline Amelinckx sa Q&A portion ng Top 15 candidates.

Si Pauline ay tinanghal na Miss Universe Philippines third runner-up.

Nagkaroon ng small talk ang dalawa bago binato ni KC ang tanong para kay Pauline.

"Alright, our next contender is Miss Bohol. How are you doing, Pauline?" pangungumusta ni KC.

Magiliw na sagot ni Pauline, "I'm doing good. Thank you for asking. How about you?"

Kunwa'y pinandilatan ng mata ni KC si Miss Bohol at sinabing, "Oh, no one ever asks me questions."

Masiglang balik-sagot ni Pauline, "Sorry, should I not have done that?"

Nahagip ng camera ang dalaga na tumatawa at maya-maya ay sumeryoso rin ito.

Ani KC, "It's okay, I'll go ahead and read what you're supposed to comment on."

Continue reading below ↓

NETIZENS CALL KC "BASTOS"

Pakiramdam ng ibang netizens ay tinabla ni KC si Pauline.

Continue reading below ↓

Sa halip na tulungan daw na ma-relax si Pauline ay nagbitiw pa raw ito ng wala sa hulog na biro.

"Kairita" raw si KC dahil sa hindi magandang trato umano nito sa dalaga.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng iba, tila may kinikilingan si KC dahil nung si Miss Iloilo City Rabiya Mateo ang kaharap ay ito pa raw ang ninerbyos.

KC: EDITED EXCHANGE

Pagkatapos ipinalabas ang grand coronation noong Linggo, October 25, nakarating kay KC ang mga paratang na ibinabato sa kanya.

Nagpaliwanag agad si KC na nagbibiruan lang sila ni Miss Bohol.

Continue reading below ↓

Hindi lang daw siguro gaanong nakita sa telebisyon dahil naputol na ang ibang bahagi ng small talk nila bago ang Q&A portion.

Taped-as-live kasi ang Miss Universe grand coronation noon pang gabi ng Biyernes, October 23, na tumagal hanggang bago mag-alas tres ng umaga ng Sabado, October 24.

Tweet ni KC: "Just a heads up, the exchange between me and Ms. Bohol was edited.

"The exchange was actually a couple of minutes more of us joking with each other.

"Unfortunately it was cut and edited for time."


Continue reading below ↓

Nag-request pa raw si KC ng kopya ng unedited video para patunayan na nagsasabi siya ng totoo.


Hindi raw maintindihan ni KC kung bakit nasabing bastos siya gayong nakakatulong daw ang small talk para maging kumportable ang kanyang interviewee.

Dagdag ng actor-TV host, "Not to mention, when I interviewed her in the top 5 we were chit chatting too."

Continue reading below ↓


Ayaw pa rin maniwala ng ibang netizens.

PAULINE: "NO HARM DONE."

Hanggang sa si Pauline na mismo ang nagkorek sa maling akala ng iba na na-offend siya sa inasta ni KC sa stage.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, siniguro ni Miss Bohol na nakatulong pa raw sa kanya ang small talk nila ni KC para mas kumalma siya bago ang Q&A portion.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Pauline (published as is): "Please let me put this out there. KC is a great and engaging host.

"We had small talk on stage before the QnA which helped me take a breath and calm my nerves before answering the Question.

"That part was indeed cut short for airtime.

"Regardless, what he said in response to me asking how he was doing was just humor to me."

Sa huli, nakiusap si Pauline na tigilan na ang paglalagay ng kulay sa positibong usapan nila ni KC sa stage.

"No harm was done in my eyes.

"But this has gone out of hand and I just want to remember the entire experience in the most positive way possible, because it was a positive experience to begin with."


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines third runner-up Pauline Amelinckx on netizens accusing KC Montero of being rude to her: "No harm was done in my eyes. But this has gone out of hand and I just want to remember the entire experience in the most positive way possible..."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results