Miss Davao City Alaiza Malinao on Rabiya Mateo: “She did not cheat.”

by Bernie V. Franco
Oct 26, 2020
Alaiza Malinao (left) rallies behind Rabiya Mateo as Miss Universe Philippines 2020 (center). The recently concluded national pageant was smudged with controversies, following Sandra Lemonon's (right, bottom) controversial Instagram posts and Michele Gumabao's (right, top) no-show at the post-pageant presscon.
PHOTO/S: @themissuniverseph, @gumabaomichele, @sandralemonon on Instagram

Nagsalita na rin si Miss Davao City Alaiza Malinao para ipagtanggol ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Giit ni Alaiza, “so deserving” ang pagkapanalo ni Rabiya sa grand coronation day na ipinalabas noong Linggo, October 25.

Nabalot ng intriga ang pageant kasunod ng controversial posts ng isa sa candidates na si Sandra Lemonon ng Taguig City. Kabilang si Sandra sa Top 16.

Sa isang post ni Sandra sa kanyang Instagram Story, may patutsada siyang may mga nandaya umano sa pageant.

Mensahe ni Sandra: “Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen

“But what you forgot to say Is that REAL queens Play FAIR don’t CHEAT”

Hindi rin nakatulong ang hindi pagsipot ni Michele Gumabao sa press conference para sa grand winner at runners-up ng Miss Universe Philippines 2020, ilang oras pagkatapos ianunsiyo ang winners.

Si Michele ang kinatawan ng Quezon City at itinanghal na second runner-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Michele at Sandra ay magkaibigan kahit magkatunggali sa pageant.

ALAIZA MALINAO SPEAKS UP

Sinalungat naman ni Alaiza ang ilan sa mga akusasyon at pang-iintrigang kinasangkutan ng kanyang fellow candidates.

Malinaw ang nais iparating ni Alaiza: deserving ang pagkapanalo ni Rabiya at hindi ito nandaya.

Si Alaiza ay isa sa early favorites at nakaabot hanggang Top 16.

Noong Linggo ay nag-post si Alaiza sa Instagram Story ng close-up photo ni Rabiya.

Caption niya rito: “So deserving! Congratulations @rabiyamateo!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaunod nito ay nag-post din si Aliza ng maiksing video kung saan kasama niya si Rabiya.

Maririnig si Alaiza na pinupuri si Rabiya. Nanawagan din si Alaiza na suportahan si Rabiya.

ALAIZA STRESSES RABIYA WON FAIR AND SQUARE

Sa caption, sinagot ni Alaiza ang ilang akusasyon kay Rabiya.

Kaugnay ito ng patutsada ng isang tagasuporta ni Michele na may mga kandidatang nagbitbit daw ng sariling glam team kahit ipinagbabawal ito.

Pagtukoy ni Alaiza kay Rabiya: “So deserving!!! Sya lang po nag me-make-up sa sarili nya.”

Saksi raw si Alaiza kung paano pinagtrabahuhan ni Rabiya ang kanyang pagkapanalo.

Giit ni Alaiza, si Rabiya ang kanilang "queen."

Post pa ni Alaiza (posted as is): “habang naghihintay kami sa holding area si Rabiya nasa gilid yan nag practice mag q and A!

“nung prelims, rumarampa yan sa hallway, sa labas ng holding area namin para mag practice ng swimsuit walk nya.

“MASIPAG si dzai. She worked hard! She’s fair! She did not cheat. She is a deserving winner!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Congratulations @rabiyamateo our Miss Universe Philippines 2020! She is our queen!”

Ang pagtatatanggol ni Alaiza kay Rabiya ay indikasyong ang Miss Universe Philippines winner ang isa sa mga pinaratangang nandaya sa pageant.

MICHELE AND SANDRA POST PAGEANT

Kasunod ng controversial posts ni Sandra at ang hindi pagsipot ni Michele sa presscon, hindi maiwasang magparunggit din ang ilang executives at miyembro ng Miss Universe Philippines organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post ng mensahe si MUP National Director Shamcey Supsup sa Instagram.

Ayon kay Shamcey, isa sa tunay na marka ng beauty queen ay ang pagtanggap ng pagkatalo.

Ganito rin ang mensahe ng tweets ni Mary Jean Lastimosa, isa sa mga hurado at Miss Universe 2014 Top 10 finalist.

Nagpaliwanag naman sa Instagram si Michele na hindi siya dumalo sa presscon dahil sa pang-uusisa ng mga tao tungkol sa kanyang rank.

Samantala, patuloy ang parinig ni Sandra tungkol sa babala niyang pagsasalita tungkol sa diumano’y dayaan sa nangyaring pageant.

Sa pinakaunang interview ni Rabiya kahapon, kung saan siya naging emosyunal, ay ipinagtanggol niya ang sarili sa mga kumukuwestiyon sa kanyang pagkapanalo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alaiza Malinao (left) rallies behind Rabiya Mateo as Miss Universe Philippines 2020 (center). The recently concluded national pageant was smudged with controversies, following Sandra Lemonon's (right, bottom) controversial Instagram posts and Michele Gumabao's (right, top) no-show at the post-pageant presscon.
PHOTO/S: @themissuniverseph, @gumabaomichele, @sandralemonon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results