Dingdong Dantes lauds wife Marian Rivera’s “very, very difficult decision” to drop TV project for family

by Jet Hitosis
Oct 26, 2020
Dingdong Dantes, Marian Rivera
Kapuso actor Dingdong Dantes on wife-actress Marian Rivera backing out from doing GMA primetime series First Yaya: "Alam ko yung sakripisyo niya for not saying yes to it, because alam ko kung gaano siya ka-excited sa project na ito. Bihira lang siya gumawa ng TV show sa isang taon."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Hanga si Dingdong Dantes sa ginawang sakripisyo ng asawang si Marian Rivera para sa kanilang pamilya.

Ito ay nang magpasya ang 36-year-old actress na bitiwan ang pinakaaabangang pagbibida niya sa GMA primetime series na First Yaya.

Ang First Yaya sana ang magsisilbing teleserye comeback ni Marian.

Taong 2017 pa huling napanood sa GMA primetime si Marian, sa drama-action-fantasy series na Super Ma’am.

November 2019 nang ianunsiyo ng Kapuso network ang pagbibida ni Marian sa First Yaya.

Sa unang pagkakataon, makakatambal sana ng tinaguriang “Kapuso Primetime Queen” ang beteranong aktor na si Gabby Concepcion.

Pero nitong September 12, sinabi ni Marian na hindi na niya gagawin ang First Yaya.

FAMILY FIRST FOR MARIAN

Hindi raw kasi uubra kay Marian ang ilang linggong lock-in taping dahil kailangan siya ng kanyang mga anak.

May dalawang anak sina Marian at Dingdong: sina Zia, 4, at Ziggy, 1.

“Gustung-gusto kong gawin ang First Yaya,” sinabi ni Marian sa isang virtual presscon noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

“Nakakasa na ako diyan. Buong puso at isip ko, nakalaan na gagawin ko iyan.

“Nagkataon na may pandemya tayong hinaharap ngayon. Sabi ko talaga, ‘Siguro, hindi pa ito yung time.’

“Kasi, mahirap sa akin naka-lock in, hindi ko makita ang mga anak. Nagpapadede pa ako kay Sixto, inaasikaso ko pa si Zia sa online class niya.”

Continue reading below ↓

Nitong October 12, o eksaktong isang buwan ang nakalipas, inanunsiyo ng GMA-7 na si Sanya Lopez na ang magbibida sa First Yaya, kapalit ni Marian.

“ALAM KO YUNG SAKRIPISYO NIYA”

Sa virtual presscon nitong October 21 para sa pagbabalik-telebisyon ng GMA adaptation ng Korean series na Descendants of the Sun, hiningan ng press ng reaksiyon ang mister ni Marian na si Dingdong, 40.

Si Dingdong ang bida sa Descendants of the Sun, na tinatampukan din nina Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis-Smith.

Magbabalik-telebisyon ang Descendants of the Sun simula ngayong Lunes, October 26.

“Nirerespeto ko yung desisyon niya,” sabi ni Dingdong, tinukoy ang pag-urong ni Marian na gawin ang First Yaya.

“Alam ko yung pinanggagalingan niya. Alam ko yung sakripisyo niya for not saying yes to it, because alam ko kung gaano siya ka-excited sa project na ito.”

Ayon kay Dingdong, naging “very, very difficult” ang desisyong ginawa ni Marian dahil “gigil na gigil” na ang kanyang misis na gawin ang nabanggit na teleserye.

Continue reading below ↓

“Bihira lang siya gumawa ng TV show sa isang taon pero ramdam ko kapag talagang, eto na, gigil na gigil na siya, and all-out siya.

“Apparently, she had to make a very, very difficult decision.

“Hanga ako sa kanya dahil pinili niya ito. At kung anuman ang pipiliin niya, andun ako to support her 100 percent.”

“SUPORTADO KO SIYA SA MGA DESISYON NIYA”

Bilang suporta kay Marian, sinabi ni Dingdong na handa siya sa anumang adjustment sa pagtatrabaho para matulungan ang aktres sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Paliwanag ni Dingdong, pupuwede raw na alalay lang siya sa pagtanggap ng projects upang matulungan si Marian sa pag-aalaga kina Zia at Ziggy.

Pero may mga panahon daw na tututukan niya ang pagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

“By supporting, hindi lang siguro ako dapat tumanggap din ng marami [na projects] dahil siyempre kung nandito siya sa bahay, kailangan samahan ko.

“It’s either that or may mga times na kailangan mag-double time ako, dahil siyempre kailangan ko ring kumayod para sa pamilya.

Continue reading below ↓

“Pero either way, I’m okay to do it.

“Again, suportado ko siya sa mga desisyon niya. Kung anuman ang makapagpapadali ng buhay niya.

“Siyempre, sa ngayon, pinapalaki niya yung dalawang anak namin. So, ako na. Ako nang bahala sa iba,” nakangiting paliwanag ni Dingdong.

SEPANX DURING LOCK-IN TAPING

Alam daw ni Dingdong ang hirap ng pakiramdam na mawalay nang matagal sa kanilang mga anak.

Maihahalintulad nga raw sa separation anxiety (sepanx) ang naramdaman ng aktor nang dalawang linggo siyang mag-lock in taping para sa Descendants of the Sun noong nakaraang buwan.

Nakakapanibago raw iyon para kay Dingdong dahil ilang buwan silang araw-araw na magkakasama sa bahay noong simula ng pandemic.

Kuwento ni Dingdong: “May parang sepanx, e. Dahil for so many months, every day, mula umaga hanggang gabi, kasama ko yung mga tsikiting, yung asawa ko.

“May kalungkutan paalis ng bahay.”

Continue reading below ↓

Noong nakaraang buwan, ginawaran ang Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun ng Most Popular Foreign Drama of the Year award sa 15th Seoul International Drama Awards.

Continue reading below ↓

Bukod dito, ipalalabas na rin sa online streaming app na Netflix ang Filipino version ng Descendants of the Sun simula sa November 13.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Dingdong Dantes on wife-actress Marian Rivera backing out from doing GMA primetime series First Yaya: "Alam ko yung sakripisyo niya for not saying yes to it, because alam ko kung gaano siya ka-excited sa project na ito. Bihira lang siya gumawa ng TV show sa isang taon."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results