Sandra Lemonon ignites Miss Universe Philippines controversy "because we deserve better"

by Rachelle Siazon
Oct 26, 2020
Miss Taguig City Sandra Lemonon is aware of haters criticizing her for complaining about issues surrounding Miss Universe Philippines 2020.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook

Unti-unting binibigyang linaw ni Miss Taguig City Sandra Lemonon ang pinakawalan niyang kontrobersiya hinggil sa katatapos na Miss Universe Philippines 2020 grand coronation.

Ngayong Lunes, October 26, nagpahiwatig si Sandra kung bakit hindi pa niya tuluyang maisiwalat ang kanyang bersiyon ng mga naganap sa pageant.

Nag-iipon pa raw siya ng lakas ng loob.

Sabi sa kanyang Instagram Story (published as is): "I am gathering all my strength to speak UP And share the truth.

"All I want is for us to improve for the next batch of ladies who will be in our shoes & I do not want them to face what we did.

"Because we can do better & deserve better."

Nagpahiwatig din si Sandra na umaani siya ng batikos dahil sa kanyang paglabas ng hinaing sa pageant.

Giit naman niya, "Sometimes you will have to face many hate before people get to understand what really is happening behind the scenes."

Continue reading below ↓

Sinamahan niya ito ng quote mula kay Martin Luther King, isang kilalang minister at civil rights champion sa U.S. na pinaslang noong 1968.

"Injustice anywhere is a threat to justice everwhere," saad sa quote.

TOP FIVE FINALISTS

Si Sandra ay kasama sa Top 16 contenders ng pageant, ngunit nabigong makapasok sa Top 5 finalists.

Continue reading below ↓

Ang mga nagwaging kandidata: Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ng Iloilo City, first runner-up Ysabella Ysmael ng Parañaque City, second runner-up Michele Gumabao ng Quezon City, third-runner up Pauline Amelinckx ng Bohol, at fourth runner-up Billie Hakenson ng Cavite.

Nabahiran ng kontrobersiya ang pageant nang magpakawala si Sandra ng malalamang patutsada laban sa pagkapanalo ni Rabiya.

Mayroong series of Instagram Stories si Sandra bago ipinalabas ang taped-as-live grand coronation ceremony hanggang sa matapos ito noong Linggo ng umaga, October 25.

Hindi tuwirang binanggit ni Sandra si Rabiya sa kanyang Instagram Stories.

Pero ilan sa matinding salitang pinakawalan niya ay "karma is real" at "real queens...don't cheat."

Hindi pa rin niya idinetalye kung ano nga ba ang naganap behind the scenes ng pageant na mitsa ng kanyang mga hinaing.

MUP directors AND THE PAGEANT JUDGES

Sa kabilang banda, nanindigan naman ang Miss Universe Philippines Organization na buo ang suporta nila kay newly crowned Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Continue reading below ↓

Ang board of directors ng MUP ay binubuo nina Shamcey Supsup (national director), Jonas Gaffud (creative director), Albert Andrada (design council head), at Lia Ramos (head of women empowerment committee).

Kasama rin sina Atty. Nad Bronce (head of legal affairs) at Mario Garcia (business development and marketing head).

Siyam ang pageant judges na nagdesisyon kung sino ang kokoronahang Miss Universe Phippines.

Ito ay sina Frontrow President RS Francisco, Congressman Eric Yap, Presidential Spokesperson Harry Roque, General Manager JCA Productions Jackie C. Aquino, at IPG Media Brands CEO Venus Navalta,

Kasama rin sina Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon, Baguio first lady Arlene Magalong, P&G Group Director for Media Arthur Peña, at Frontrow CEO Sam Verzosa.

CLOSE FIGHT AMONG TOP 5 FINALISTS

Ang pageant host na si KC Montero ang tumanggap ng envelope na naglalaman ng listahan ng winners, na inabot ng representative mula sa SGV auditing firm, na nag-tabulate ng scores mula sa judges.

Continue reading below ↓

Nabanggit ni KC na close fight ang naganap sa pagitan ng Top 5 finalists dahil maliit na puntos lang daw ang pagkakaiba ng mga ito.

Bukod sa isyu sangkot si Sandra, ang pagiging no-show ni Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao ay naging tampok din ng usap-usapan ng netizens buong hapon ng Linggo, October 25.

Kinagabihan, inamin ni Michele na hindi siya dumalo sa presscon ng Top 5 finalists matapos ipalabas ang pre-taped show ng grand coronation.

Maaga raw siyang umalis ng Baguio Country Club, Baguio City, ang venue ng ginanap na pageant.

Hindi raw kasi kayang harapin ni Michele ang mga tanong ng mga tao kung bakit hindi siya nanalo sa pageant.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Taguig City Sandra Lemonon is aware of haters criticizing her for complaining about issues surrounding Miss Universe Philippines 2020.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results