Miss Universe Philippines Organization: “We are standing by Rabiya Mateo.”

by Bernie V. Franco
Oct 26, 2020
The Miss Universe Philippines Organization stands by its decision in declaring Rabiya Mateo of Iloilo City as the grand winner of the national pageant.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines

Unti-unti nang nabibigyang linaw kung ano ang isyung ipinupukol sa bagong hirang na Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

May paratang na may nangyari umanong dayaan kaugnay ng question-and-answer (Q&A) portion.

Usapan ng ilang netizens, may ideya na umano si Rabiya sa itatanong sa kanya sa Q&A portion.

Pero iginiit ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na walang dayaan. Pinaninindigan din nila ang resulta ng pageant.

Sangkot din sa mga isyu ang ibang kandidata, gaya nina Sandra Lemonon ng Taguig City at Michele Gumabao ng Quezon City.

May mga patutsada si Sandra sa Instagram na may nangyari umanong dayaan.

Nabigyang-kulay naman ang hindi pagsipot ni Michele sa presscon ng mga nanalo.

May katrabaho pa si Michele na nag-akusang may mga kandidata umanong nagbitbit ng sariling glam team kahit bawal.

Si Michele ay hinirang na second runner-up, habang si Sandra ay nakapasok sa Top 16.

Umere ang grand coronation day ng national pageant sa GMA Network at piling social media platforms noong Linggo, October 25.

Continue reading below ↓

ALLEGED CHEATING

Ayon sa Miss Universe Philippines Organization, paninindigan nila ang pagkakahirang kay Rabiya.

Ipinost sa Twitter ni ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual ang official statement ng fashion designer na si Albert Andrada, na nagsisilbing MUP board director.

Pahayag ni Andrada: “As of this time, we are standing by Rabiya Mateo as the first winner of Miss Universe Philippines.

Pinasalamatan din ni Andrada ang kanilang mga katuwang para mairaos ang pageant sa gitna ng pandemya.

“We are also grateful to our sponsors, stakeholders and supporters who sustained us throughout the holding of the first edition of Miss U PH franchise, amid the limitations of the pandemic.”

Continue reading below ↓

Samantala, nagpaliwanag naman si Mary Jean “MJ” Lastimosa tungkol sa akusasyong narinig umano ni Rabiya ang tanong bago pa siya sumalang sa Q&A portion.

Si MJ, Miss Universe 2014 Top 10 finalist, ay hurado sa preliminary competition sa pageant.

Sa Twitter, nag-tweet ang isang netizen kay MJ at sinabing wala raw suot na headphones si Rabiya, kaya narinig niya ang tanong.

Sa Q&A, dalawa ang tanong sa kandidata. Ang unang tanong sa kandidata ay iba sa fellow finalists, habang ang pangalawa ay standard question sa lahat ng finalists.

Paliwanag ni MJ, hindi na kailangang suotan ng headphones ang finalists dahil ang mga hindi nakasalang ay lumalabas sa mismong hall at pumapasok sa bus na nasa labas ng hall.

Kung sino man ang susunod na sasalang ay bababa sa bus at babalik sa entablado.

Paliwanag ni MJ, “Yes they’re not wearing headphones because they’re sent back to the bus outside the hall to wait for their turn. So we have to wait longer.”

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol din ni MJ na saksi siya sa husay ni Rabiya sa pagsagot noong preliminary interviews.

Ani MJ (published as is): “Iloilo is very well spoken as I’ve seen their 6hrs long preliminary interviews.”

Ginanap ang patimpalak sa Cordillera Conventional Hall sa Baguio Country Club, Baguio City.

Samantala, nakarating naman kay Rabiya ang akusasyong ito at kanyang sinagot sa panayam sa kanya kahapon.

Continue reading below ↓

Emosyunal si Rabiya, pero itinanggi nitong alam na niya ang tanong bago siya sumalang.

“And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin.

"I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” sagot ng Ilongga beauty queen.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Miss Universe Philippines Organization stands by its decision in declaring Rabiya Mateo of Iloilo City as the grand winner of the national pageant.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results