Angel Locsin thanks Governor Jonvic Remulla for giving red-tagging general “a dose of his own medicine”

by Jet Hitosis
Oct 27, 2020
Angel Locsin, Jonvic Remulla
Actress Angel Locsin (left) posts a video clip from Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.'s interview where the military official can be seen complaining against Cavite Governor Jonvic Remulla (right) for accusing him of putting up the anti-NPA tarpaulins in Metro Manila.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, Jonvic Remulla on Facebook

Nagpasalamat ang aktres na si Angel Locsin kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Ito ay makaraang iparanas ng 53-year-old local executive kay Lieutenant General Antonio Parlade Jr. kung ano ang pakiramdam ng inaakusahan at pinagbabantaan sa social media.

Si Parlade ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na kontrobersiyal ngayon dahil sa umano’y red-tagging sa ilang celebrities.

Ang red-tagging ay ang pag-uugnay sa indibiduwal o grupo sa komunistang New People’s Army (NPA).

Sa isang Facebook post nitong October 21, binalaan ni Parlade ang Kapamilya star na si Liza Soberano laban sa pagsapi sa NPA.

Sumusuporta raw kasi si Liza, 22, sa women’s rights group na Gabriela—na iginigiit ni Parlade na front organization ng NPA.

Nabanggit din sa post ng military general ang pangalan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, 26, na isa pang aktibo sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan.

RED-TAGGING SPREE

Sa huling bahagi ng post na iyon, diretsahang iniugnay ni Parlade sa NPA si Angel, 35, ang kapatid nitong si Ella Colmenares, at ang pamangking human rights lawyer na si Atty. Neri Colmenares.

Continue reading below ↓

Kahit pa mariin nang itinanggi nina Angel, Ella, at Neri ang seryosong akusasyong ito, muling nag-post si Parlade nitong October 24 upang igiit ang kanyang paratang laban sa mga Colmenares.

Continue reading below ↓

Nauna rito, nitong October 22, sa isang Facebook post din mistulang kinumpronta ni Parlade si Manila Mayor Isko Moreno.

Kasunod ito ng utos ng 46-year-old actor-politician na baklasin ang lahat ng anti-NPA tarpaulins na ikinabit ng NTF-ELCAC sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Katwiran ni Mayor Isko: “We spread love, not hate, in this time of the pandemic.”

Pero inakusahan ni Parlade ang alkalde: “Why would even Manila order the removal of this tarps? Is Mayor Isko welcoming this terrorist?”

Muli, sa Gabriela na naman iniugnay ni Parlade ang Manila mayor.

Ayon sa heneral, karamihan daw sa opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay miyembro ng Gabriela.

At tanging si Mayor Isko raw ang may “appointing power and authority” sa PLM, sabi ni Parlade.

Continue reading below ↓

"RED-TAGGING incident" in CAVITE

Nitong Lunes, October 26, diretsahang sinupalpal ni Governor Remulla si Parlade sa isang Facebook post.

Nababahala raw ang gobernador sa “red-tagging operations” laban sa mga “prominenteng personalidad tulad nina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray. Kahit si Isko Moreno Domagoso ay dinamay na rin.”

Nagsalita si Remulla sa kontrobersiya upang ibunyag ang “red-tagging incident” na nangyari raw sa webinar ng Cavite State University.

Post ni Remulla: “Isang speaker mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang nag-tag sa ilang grupo at aktibista as ‘communist terrorists’ during the Strengthened Alliance on Fight Against Illegal Drugs and Terrorism (SAFER).

“Ang webinar na ito ay sinalihan ng mahigit sa 1,000 freshman students para sa National Service Training Program (NSTP) orientation ng CvSU.”

Ipinagmalaki ni Remulla na ang Cavite ang isa sa mga unang “insurgency-free” provinces sa bansa.

Aniya, ang ilang henerasyon ng “good governance” sa lalawigan ang naging “effective weapon against communist insurgency.”

Continue reading below ↓

REMULLA VS PARLADE

Sinundan ito ng matapang na mensahe ng Cavite governor para sa military general.

Sinabi ni Remulla na dapat mahiya si Parlade sa kanyang sarili sa ginagawang pagbabanta sa kababaihang naninindigan lang para sa kapwa nila babae.

Sabi ni Remulla: “Lieutenant General Antonio Parlade Jr. should be ashamed of himself.

“Threatening progressive and outspoken WOMEN who want to encourage a stronger feminist culture? That does NOT make them co-conspirators nor allies of the left wing.”

Nagpahayag din si Remulla ng suporta sa kapwa local executive na si Mayor Isko.

“Kahit si Yorme na nagtanggal lamang ng mga posters ay tinagurian agad na sympathizer.

“Ok ka lang, Parlade? Your train of thought and reasoning are preposterous and shifty.”

“TRY KNOCKING OUT SOMEONE ON THE SAME WEIGHT CLASS”

Kasunod nito, nag-iwan ng hamon si Remulla kay Parlade.

Subukan daw ni Parlade na magkabit ng mga “propaganda posters” sa Cavite at pangungunahan mismo ni Remulla ang pagbabaklas sa mga iyon.

Continue reading below ↓

Sabi ni Remulla kay Parlade: “If you want to threaten the lives of public personalities, may I suggest that you try knocking out someone on the same weight class?

“Let me assure you that if you or any of your men put up similar posters or tarpaulins in the Province of Cavite, they will NOT last a day!

“I will personally lead the effort to tear your propaganda posters down.”

Wala raw pakialam si Remulla kung i-red-tag din siya ni Parlade bilang komunista.

Iginiit ng gobernador na mali ang red-tagging at iba pang estratehiya ng heneral upang masugpo ang insurgency sa bansa.

Patuloy ni Remulla: “Brand me a communist if you will but it is my sworn duty to defend Cavite’s record in holding the insurgency at bay.

“Ultimately, the fight against the appeal of joining the insurgency starts with jobs, justice, and the commitment of government to uphold their obligations to the people.

Continue reading below ↓

“Slogans, red-tagging and threats will never prosper nor win.”

PARLADE COMPLAINS OF BEING ACCUSED, THREATENED

Ilang oras makaraang mag-post si Remulla, na-interview si Parlade sa Headstart news program ng ANC.

Sa kalagitnaan ng panayam, napahimutok ang military general sa host na si Karen Davila tungkol sa pag-aakusa at pagbabanta umano sa kanya ni Remulla sa Facebook post ng gobernador.

Continue reading below ↓

Ayon kay Parlade, inaakusahan siya ni Remulla ng pagkakabit ng mga anti-NPA tarpaulins sa Metro Manila.

Mariin itong itinanggi ni Parlade. Bagamat NTF-ELCAC ang nasa likod ng mga nabanggit na tarpaulins, wala raw siyang direktang kinalaman doon, ayon sa heneral.

Dire-diretsong sabi ni Parlade kay Karen: “Why accuse me? Why not call me and ask about those things?

“Why accuse me? That’s not fair, Karen.

“Sa Facebook wall pa niya, tine-threaten niya ako, na kapag ako ang naglagay niyan [anti-NPA tarpaulins] he will make sure na ipatatanggal niya 'yan.

“That’s not right, Karen. To accuse me of putting those tarpaulins.

“Hindi ako duwag. Kung ako ay magpapalagay ng tarpaulin diyan, I will make sure that my name is there, my office logo is there.”

ANGEL TO PARLADE: “O, BADTRIP, DI BA?”

Lunes ng hapon, ipinost ni Angel sa Instagram ang video clip ng nabanggit na interview ni Karen kay Parlade.

Continue reading below ↓

Sa caption, inilagay ng Kapamilya actress-TV host ang transcription ng reklamo ni Parlade laban kay Remulla.

Sa dulo ng caption, nag-react si Angel kasabay ng pasasalamat sa Cavite governor.

“Me: o, badtrip diba? [grinning face with smiling eyes emoji] apir.

“Thank you Gov. Remulla for giving him a dose of his own medicine [OK hand sign emoji]”

Continue reading below ↓

Ibig sabihin ni Angel, sa bibig na mismo ni Parlade nanggaling na hindi tama at hindi makatwiran ang mag-akusa sa social media nang walang pinanghahawakang ebidensiya.

Pero ito mismo ang ginawa ni Parlade kina Angel, Liza, Catriona, at sa iba pang red-tagged nito—at nagrereklamo ngayon ang military official dahil ganitong-ganito rin ang ginawa sa kanya ni Remulla.

Sa comments section, sumagot si Remulla kay Angel: “You are most welcome, Madam [smiley]”

Sa reply ni Angel, tinag niya ang gobernador at tinawag itong “idol,” kumpleto sa raising hands emoji.

Continue reading below ↓

RETIRED GENERALS SPEAK UP VS RED-TAGGING

Biyernes, October 23, nang pinagsabihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Parlade na tigilan ang pag-aakusa sa iba’t ibang personalidad at grupo ng pagkakasangkot sa NPA.

Ang AFP ay nasa ilalim ng Department of National Defense (DND) ni Lorenzana.

Sabi ni Lorenzana kay Parlade at sa iba pang military officers: “Kung wala kang ebidensiya, do not talk about it.

“Huwag kang magpunta sa media, sa Facebook. Huwag mong sabihin na leftist 'yan, NPA 'yan.

“Dapat may ebidensiya tayo, otherwise, just keep quiet.”

Gaya ni Lorenzana, hindi rin kumporme si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa red-tagging ni Parlade kina Liza, Catriona, at Angel.

Sina Lorenzana at Año ay kapwa retired generals ng AFP.

Sinabi ni Año sa panayam sa kanya ng TeleRadyo nitong Lunes: “These personalities, they want change.

“They're fighting issues for women, for certain sector but it doesn't mean they are already terrorists.

Continue reading below ↓

“Hayaan natin silang makapag-express nang malaya. We shall make sure these personalities are respected,” sabi ni Año.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, pinuri at pinasalamatan ni Angel sina Lorenzana at Año.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angel Locsin (left) posts a video clip from Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.'s interview where the military official can be seen complaining against Cavite Governor Jonvic Remulla (right) for accusing him of putting up the anti-NPA tarpaulins in Metro Manila.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, Jonvic Remulla on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results