This Week In Showbiz: QUE HORROR! Ang viral beauty queen at ang babaeng walang ulo!
Oct 27, 2020

From the archives, ito ang ilan sa mga showbiz news na pumatok sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa buong linggo ng October 26 to 31, 2016.

VIRAL BEAUTY QUEEN

Nag-viral sa internet ang Miss Philippines Earth 2016 na si Imelda Schweighart dahil sa isang video na kuha ng isa niyang fan.

Sa video, makikitang nakikipag-usap si Imelda sa kanyang fans matapos na mabigong makuha ang korona sa Miss Earth 2016 beauty pageant.

Si Miss Ecuador Katherine Espin ang nagwagi sa korona.

Sabi ni Imelda sa harap ng nagtsi-cheer niyang fans, "Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Kumalat ang video at di kalaunan, kinailangang mag-resign ni Imelda sa pagiging Miss Philippines Earth at isuko ang korona.

Napunta ang titulo at korona kay Miss Philippines Air 2016 Kiara Giel Gregorio.

Sa panayam sa kanya tungkol sa mga pinagsasabi niya laban kay Miss Ecuador and Miss Earth 2016 winner Katherine Espin, sinabi ni Imelda na nagsasabi lang siya ng totoo.

“If it's a crime to tell the truth, I'm sorry.

“I didn't mean to offend Miss Ecuador… I don't know her enough but she was my roommate," sabi ni Imelda.

Matapos ang isyung ito, nasangkot pa uli si Imelda sa pakikipag-away sa ilang netizens tungkol sa kanyang mga opinyon sa Miss Universe beauty pageant.

READ RELATED STORIES

ABSUWELTO SI ALBIE

Limang taong nakatatak sa publiko na si Albie Casiño ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Ito kasi ang kine-claim ni Andi nung pumutok ang balitang buntis siya noong 2011.

Naging masalimuot ang palitan nila ng mga akusasyon at masasakit na salita na nasundan ng publiko.

Humantong pa nga ito sa pagkakasangkot nina Albie at Andi sa isang gulo na naganap sa isang bar.

Pero sa podcast show ni Mo Twister na Good Times With Mo Twister, ibinunyag ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie.

Ani Max, nagsagawa na ng test kina Jake at Ellie at lumabas na ito talaga ang ama ng anak ni Andi.

Sa isang interview, kinunan ng reaksyon si Albie tungkol sa pagkakabunyag ng katotohanang hindi siya ang tunay na nakabuntis kay Andi noon.

Tanong ng nag-i-interview, "Medyo relieved ka ba after nung marinig mo na you're safe. Your name is safe already?"

Sagot ni Albie, "Medyo relieved is like a super understatement.

"Super relieved, not medyo relieved!" natatawa pa niyang patuloy.

Video: null.

Sa kabila ng hindi magandang nangyari sa kanila ni Andi, nagkaayos din sa huli silang dalawa at ang kanilang pamilya.

READ RELATED STORIES

TOO HOT FOR TV

Matapos na ipalabas sa ABS-CBN teleserye na Till I Met You ang unang onscreen love scene ng magkasintahang Nadine Lustre at James Reid, ipinatawag ng Movie and Television Regulatory and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng nasabing show.

Masyado raw mainit para sa telebisyon ang eksena nina Nadine at James na nagtalik sa loob ng isang sasakyan.

Bilang pagtalima ng management ng show sa pagtawag ng pansin sa kanila ng MTRCB, ginarantiya nito sa ahensiya ng gobyerno na hihigpitan nila ang kanilang self-regulation at laging maglalagay ng paalalang SPG (Strong Parental Guidance) kung may mga eksena uling sensitibo sa mga susunod na episodes nito.

READ RELATED STORIES

ANG BABAENG WALANG ULO

Matapos ang PEP Talk interview ni Sanya Lopez para sa promotion ng GMA-7 show niyang Encantadia, pinagbigyan niya ang PEP sa hiling namin na mag-share siya ng isang nakakatakot o nakakakilabot na halloween story.

Ang nakakahindik na pangitain naman ng kanyang mommy ang naibahagi ni Sanya sa PEP.

Sa paglalahad niya, dalawang pagkakataon daw na nakita ng kanyang mommy na wala siyang ulo.

Sa kabila ng pangingilabot, tinapos ni Sanya ang kanyang dalawang kuwento at kung ano ang ginawa nila ng kanyang ina pagkatapos ng nakakakilabot na pangitain.

READ RELATED STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results