Jonas Gaffud calls Miss Universe PH critics “earthworms”; critics call him “low class, trash, patola”

by Bernie V. Franco
Oct 27, 2020
Miss Universe Philippines Organization creative director Jonas Gaffud did not mince his words when it comes to critics of the recently concluded Miss Universe Philippines 2020 pageant.
PHOTO/S: @jonasempire.ph on Instagram

Bulate.

Ganito tinawag ni Jonas Gaffud ang mga kritiko na nag-post sa social media ng kanilang puna at batikos sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Si Jonas ang creative and events director ng Miss Universe Philippines (MUP) Organization.

Kilala siya sa pageant industry bilang trainer at co-founder ng pageant boot camp na Aces & Queens. Siya rin ang head ng talent management company na Mercator, na kinabibilangan ng kilalang models at celebrities.

Noong December 2019, napasakamay ng MUP Organization ang Miss Universe franchise.

Pero bago ito, higit 50 taon hinawakan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang local franchise ng Miss Universe.

Hindi biro ang pinagdaanan ng MUP Organization para mairaos ang pageant ngayong 2020. Walong buwan ang itinakbo ng pageant mula nang ipakilala ang mga kandidata noong Pebrero.

Makailang ulit na-postpone ang grand coronation date bunsod ng kasalukuyang pandemya. Subalit sa wakas ay natuloy ito nitong weekend, na ginanap sa Baguio Country Club sa Baguio City.

Continue reading below ↓

JONAS LAMBASTS CRITICS

Dahil naabutan ng health crisis, may mga aberyang naranasan ang MUP Organization.

May dalawang kandidatang nag-back out dahil nagkaroon ng COVID-19.

Noong October 21, nagkaroon ng technical difficulties kaya naantala ang online viewing ng mga nagbayad sa isang preliminary activity.

Nabalot din ng kontrobersiya ang mismong pageant, gaya ng pagkuwestiyon sa kredibilidad ng nanalong si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Sa kabila ng mga hamong ito sa MUP Organization, nagawa pa ring laitin ng ibang netizens ang pageant.

Dahil dito, hindi nakapagpigil si Jonas na sagutin ang mga batikos.

Sunud-sunod ang mga post sa Instagram ni Jonas para i-promote ang pageant noong weekend.

Nagsulputan sa comments section ang netizens na nilait ang events ng Miss Universe Philippines.

May nagsabing "boring" ang event.

Banat naman ni Jonas: “Mas boring ka.”

Continue reading below ↓

Napansin ng isang supporter ang pagpatol ni Jonas sa bashers. Binati ng supporter si Jonas dahil naitawid ang pageant sa kabila ng mga hamon.

Komento ni Jonas: “hahaha these bashers don’t know what we have been through to demand so many things.

“These earthworms know nothing else but to eat dirt!”

Continue reading below ↓

JONAS: "tatalino, kaso walang CONTRIBUTION"

May isa pang post si Jonas nitong weekend, kung saan nakipagsagutan siya sa kanyang bashers.

Naka-disable ang comments section kaya hindi na makita ang pakikipagsagutan niya. Pero kumalat sa social media ang screenshots ng mga ito.

Tinawag si Jonas na "low class," "kanal sumagot," at "patola," at marami pang iba dahil sa pagpatol niya sa netizens.

Continue reading below ↓

May isang kumutya sa desisyon ng MUP Organization na gawing pre-taped ang final results na inere kinabukasan.

Sabi ng netizen, “parang tanga lang” ang ginawa ng MUP.

Mataray na sagot ni Jonas: “tanga mo. May pandemic. Kung wala eh hindi ganito.

“Nahirapan na nga di nyo maappreciate kasi mga feelingera kayo. Tatalino, kaso walang contribution.”

Continue reading below ↓

Sabi ng isa pang netizen, walang energy ang mga contestant.

Hirit ni Jonas: “may energy sila. Dika marunong rumampa.”

Tila may pamimilisopo rin si Jonas sa komento ng ilang kritiko.

Continue reading below ↓

Binigyang-kulay rin ng netizens ang pagkakapili sa dalawang pro-administration officials bilang judges: sina Presidential Spokesperson Harry Roque at ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap.

CRITICS SLAM JONAS

Hindi naman pinalampas ng netizens ang pagpatol ni Jonas sa mga pumuna sa kanya.

Binatikos nila ang paraan ng pagsagot ni Jonas sa netizens, at ikinumpara pa siya kay BPCI head Stella Marquez-Araneta.

Continue reading below ↓

Pahaging naman ng isang netizen, hindi na dapat pumatol si Jonas. Sana raw ay mas maayos ang kanyang pagsagot, kagaya ng ipinu-promote ng kinabibilangang organisasyon.

Sabi ng netizen (published as is): "Naka front sya sa SOCMED dapat he exhibit KINDNESS,CLASS &BEAUTY pa din sa pagsagot sa SOCMED."

Narito ang ilan pang netizens na pinuna ni Jonas:

Continue reading below ↓

Pagtatanggol naman ng isang netizen, huwag batikusin ang MUP Organization na sinikap pagandahin ang kanilang show.

Dapat daw ay gawing constructive ang kritisismo, lalo pa’t hindi biro ang naranasan ng organisasyon para maitawid ang national pageant.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines Organization creative director Jonas Gaffud did not mince his words when it comes to critics of the recently concluded Miss Universe Philippines 2020 pageant.
PHOTO/S: @jonasempire.ph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results