Miss Davao City shows "resibo" of Miss Universe PH Rabiya Mateo's hard work; Miss Taguig still waiting for right "timing"

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2020
Miss Davao Alaiza Malinao (left) on Miss Iloilo Rabiya Mateo (center) winning Miss Universe Philippines 2020: "Hardworking jud mga probinsiyana!" Sandra Lemonon (right) posts cryptic message anew.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook

Nagpatotoo si Miss Davao City Alaiza Malino na karapat-dapat si Miss Iloilo City Rabiya Mateo na maging Miss Universe Philippines 2020 titleholder.

Ito ay sa gitna ng alegasyong kuwestiyonable diumano ang pagkapanalo ni Rabiya sa pageant.

Sa pamamagitan ng Instagram Story kahapon, October 26, ipinakita ni Alaiza ang video ni Rabiya na nag-eensayo ng pagrampa nito para sa pre-pageant swimsuit competition.

Nakasuot ng yellow swimsuit si Rabiya roon.

Depensa ni Alaiza kay Rabiya (published as is), "Ayan oh. May resibo nag ppractice sa hallway.

"Hindi ko alam kung paano pa sya nakapag video.

"madaming time si Queen mag practice!"

Hanga raw si Alaiza sa dedikasyon ni Rabiya na galingan nang husto ang performance nito.

Dagdag ni Miss Davao City tungkol kay Miss Iloilo City: "You'll see how much she wanted to win. Kugihan jud mga probinsyana [hardworking ang mga probinsyana]!

"Deserving!"

Continue reading below ↓

Sa naunang Instagram Story ni Alaiza, diretsahan din niyang sinagot ang alegasyong pandaraya na inuugnay kay Rabiya.

Pagtatanggol ni Alaiza kay Rabiya, "She's fair. She did not cheat!"

SANDRA LEMONON'S CRYPTIC POSTS

Si Miss Taguig City Sandra Lemonon ang unang nagpakawala ng cryptic posts tungkol sa diumano'y kuwestiyonableng kaganapan sa "behind the scenes" ng pageant.

Hindi pa tuwirang idinetalye ni Sandra kung anong partikular na insidente ang inaalmahan niya.

Pero nagpatutsada siyang "karma is real" at "real queens play fair don't cheat" sa kanyang malamang Instagram Stories.

Mula noong October 25, Linggo, hanggang ngayong October 27, Martes, bitin ang kuwento ni Sandra.

Sa kanyang latest post, idinaan ni Sandra sa quote ang kanyang pahiwatig na humahanap pa raw siya ng tamang tiyempo.

Sabi rito, "It's all about timing. If it's too soon, no one understands. If it's too late everyone's forgotten."

Kalakip nito ang short video clip na siya ay nag-twirl sa dining area ng Baguio Country Club, ang five-star hotel sa Baguio City na venue ng pageant.

Continue reading below ↓


RABIYA DENIES CHEATING ALLEGATIONS

Hindi naman basta nanahimik si Rabiya sa gitna ng mga isyu kaugnay ng pagkapanalo niya ng Miss Universe Philippines crown.

Sa kanyang media interviews, nanindigan siyang lumaban siya nang patas.

Wala raw katotohanang binigyan siya ng VIP treatment.

Nakarating din kay Rabiya ang paratang ng ibang tao na binigyan siya umano ng kodigo kung ano ang itatanong sa kanya sa final Q&A sa pageant.

Continue reading below ↓

Mariing pinabulaanan ito ni Rabiya.

Sabi niya sa panayam ng TV5 noong Linggo, October 25:

"And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin.

"I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud."

Isang physical therapy lecturer si Rabiya sa Iloilo City, at ang Miss Universe Philippines 2020 ang unang national beauty pageant na kanyang sinalihan.

Cum laude graduate si Rabiya ng Bachelor of Science degree in Physical Therapy mula sa Iloilo Doctor’s College.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Davao Alaiza Malinao (left) on Miss Iloilo Rabiya Mateo (center) winning Miss Universe Philippines 2020: "Hardworking jud mga probinsiyana!" Sandra Lemonon (right) posts cryptic message anew.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results