Pia Wurtzbach learns value of reaching out to loved ones this pandemic: “Baka kailangan nila ng tulong mo.”

by Bernie V. Franco
Oct 27, 2020
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach's biggest realization this pandemic: "Ano ba yung importante talaga sa buhay, and I realized it’s family."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Napagtanto raw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung ano ang pinakaimportante sa kanya ngayong pandemic—ang kanyang pamilya.

Ngayong buwan ay pinag-usapan ang kontrobersiyal na social media posts ng nakababatang kapatid ni Pia na si Sarah Wurtzbach.

October 11, nag-post sa Instagram si Sarah tungkol sa kanyang sama ng loob kay Pia at sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Pagkalipas ng tatlong araw, kinumpirma ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaayos na sila ni Pia.

Pero si Pia, mas piniling manahimik hinggil sa isyung humupa na ngayon.

Mahihinuha naman sa recent statement ni Pia na wala na siyang balak magsalita tungkol sa isyung kinasangkutan ng kanyang pamilya.

Nagbigay ng pahayag si Pia sa online pageant talk show na Queentuhan nitong Sabado, October 25.

Isa-isang sinabi ni Pia at ng co-hosts niyang sina Bianca Guidotti at Carla Lizardo kung ano ang naituro sa kanila ng pandemya.

Ayon kay Pia, “Nagkaroon ako ng oras to really discover myself and really reassess myself.

Continue reading below ↓

“Like, really ask myself, what are the things that really matter to me.

"What are the things that really make me happy, now that I don’t have all of this work to distract me.”

Napilitan daw si Pia na itanong sa sarili kahit ang mga “uncomfortable questions.”

Aniya, “In some way, we were forced to really sit back, ano ba yung importante talaga sa buhay, and I realized it’s family.

“It’s the connections that you have with your family, with your loved ones.

“Magkakalayo kayo, ma-feel niyo pa rin na connected kayo sa isa’t isa.”

Ang kapatid at ina ni Pia ay parehong may sarili nang pamilya at nakatira sa United Kingdom.

Continue reading below ↓

PIA DISCOVERS WHAT IS IMPORTANT

Napag-isip-isip din daw ng dating Miss Universe na nagiging masaya siya kahit sa mga simpleng bagay.

“Hindi yung—ako personally—hindi na masyado yung glitz and glamour. Para sa akin, ang saya ko na, grateful ako na healthy ako, grateful ako na healthy yung family ko.

“Grateful ako na alam mo yung kahit makalabas lang ako nang konti, maramdaman ko yung araw, makainom ako ng kape, masaya na ako.

“The little things matter now.

"Before ang iniisip ko lang, ‘big goals, big goals’ all the time. I forgot the little things around me.

"Lahat tayo nagkaroon tayo ng time na tanungin ang mga sarili natin kung ano ba yung importante sa atin.”

Makahulugan ang sumunod na tinuran ni Pia: magsasalita ba siya sa ilang “isyu” kahit na mas marami pang mas importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin?

Saad niya, “Like for example, hindi ko na masyadong pahahabain, pero should I speak up about certain issues?

Continue reading below ↓

“Ang daming nangyayari sa Pilipinas. Andaming nangyayari sa mundo.

“Am I just gonna sit back and watch, or do I say something? Do I let my stand be known?”

Napag-isip-isip din daw ni Pia na samantalahin ang pagkakataong ito na magparamdam sa mga taong mahalaga sa kanya.

“Hindi ako nakakapag-reach out kunyari sa mga kaibigan ko, sa mga loved ones ko, ganyan.

“Baka ito na yung time na mag-message ka, mag-reach out ka sa kanila.

“Baka kailangan nila ng tulong mo, ganyan.”

Pagkakataon din daw ito para balikan ang mga dating hilig na hindi na nabigyan ng oras noon.

“Maybe it’s time to go back to your old skills, ganyan… to your old talents.

"Things that you love to do na pinabayaan mo na lang kasi ang iniisip mo paano kumita, paano kumita, ganyan.”

Dagdag ni Pia, “This whole pandemic has taught us to rediscover really our ourselves, and what really matters to us.

Continue reading below ↓

“Parang sa akin, I went back to basics. Sa akin, yun yung mga natutunan ko talaga."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach's biggest realization this pandemic: "Ano ba yung importante talaga sa buhay, and I realized it’s family."
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results