Margie Moran calls Miss Universe Philippines 1st runner-up Ysabella Ysmael “my Champion”

Oct 27, 2020
Ysabella Ysmael, Margie Moran
Miss Universe 1973 Margie Moran (right) to niece Miss Universe Philippines 2020 1st runner-up Ysabella Ysmael (left): "You were a stand out but the purpose designed for you is greater than you can imagine. We love you for who you are."
PHOTO/S: @bellaysmael, @margie_moran on Instagram

Hindi man nasungkit ni Ysabella Ysmael ang pinakamimithing Miss Universe Philippines 2020 crown, isa siyang “Champion” sa paningin ni Miss Universe 1973 Margie Moran.

Si Ysabella, 23, ang itinanghal na 1st runner-up sa grand coronation event ng kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant nitong Linggo, October 25.

Pamangkin ni Margie, 67, si Ysabella.

Ibig sabihin, muntikan nang nasundan ni Ysabella ang yapak ni Margie, na naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant noong 1973.

Matagumpay na naiuwi ni Margie ang ikalawang Miss Universe crown para sa Pilipinas, apat na taon makaraang mapanalunan ni Gloria Diaz ang parehong titulo noong 1969.

Bukod sa pagkakaroon ng tiyahing beauty queen, si Ysabella ay apo ng dating aktres na si Marita Zobel.

Sa buong pageant competition, lutang ang ganda at personalidad ni Ysabella bilang pambato ng Parañaque City.

Sa huli, pumangalawa si Ysabella kay Rabiya Mateo ng Iloilo City na kinoronahang Miss Universe Philippines 2020.

Continue reading below ↓

FORMER MISS UNIVERSE’S “CHAMPION”

Pagkatapos ng grand coronation event nitong Linggo, ipinost ni Margie sa Instagram kung gaano niya ipinagmamalaki ang pamangking si Ysabella.

Tinawag niya si Ysabella na “my Champion.”

Sinabi ng dating beauty queen na “stand out” si Ysabella sa lahat ng kandidata, pero “the purpose designed for you is greater than you can imagine.”

Idinaan ni Margie sa pag-quote sa Zimbabwean Canada-based author na si Matshona Dhliwayo ang mensahe niya para kay Ysabella.

Quote ni Margie kay Dhliwayo: “'A star does not compete with other stars around it. It just shines.'

“We love you for who you are. #missuniversephilippines2020”

Continue reading below ↓

Sa kanyang reply, nagpasalamat si Ysabella sa "overflowing love, never ending support, and loving guidance" ni Margie para sa kanya.

“CROWN OR NO CROWN, A QUEEN PREVAILS”

Ngayong Martes, October 27, dalawang araw makalipas ang coronation event, nag-post sa Instagram si Ysabella upang pasalamatan ang lahat ng naging bahagi ng kanyang pageant journey.

Binati ni Ysabella ang lahat ng kandidata ng Miss Universe Philippines 2020—na para sa kanya ay pawang beauty queens, may korona man ang mga ito o wala.

Post ni Ysabella: “Crown or no crown, a queen prevails. [crown emoji]

“First, a huge congratulations to all my MUPh sisters. We made it, together.

“The friendship and the sisterhood we have gained in the last 9 months is something I will treasure forever.

“I am proud to be a part of Batch 2020, the inaugural batch, because of all of you," sabi ni Ysabella.

THANKFUL TO HER “CROWNING GLORY”

Nagpasalamat si Ysabella sa mga organizers ng Miss Universe Philippines: “You helped us all shine throughout this entire pageant.”

Continue reading below ↓

Nag-thank you siya sa kanyang pageant mentors at coaches sa The Camp: “Thank you for making me the queen I am today.”

Binanggit din ni Ysabella ang kanyang pamilya, ang kanyang fans, at ang mga taga-Parañaque sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya.

Bagamat hindi naiuwi ni Ysabella ang korona, baon naman daw niya ang sariling “crowning glory” mula sa pageant.

“I may not have gone home with a crown on my head, but my crowning glory has undoubtedly been my entire experience during Miss Universe Philippines 2020.

“Thank you for teaching me to stay true to myself and to remember that a queen is phenomenal not because of the crown on her head but because of her heart that is as big as the Universe,” sabi ni Ysabella.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1973 Margie Moran (right) to niece Miss Universe Philippines 2020 1st runner-up Ysabella Ysmael (left): "You were a stand out but the purpose designed for you is greater than you can imagine. We love you for who you are."
PHOTO/S: @bellaysmael, @margie_moran on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results