Miss Universe PH 2020 4th runner-up Billie Hakenson vows to protect her "queen," Rabiya Mateo

by Arniel C. Serato
Oct 28, 2020
Newly crowned Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (center) and runners-up Billie Hakenson (left) and Pauline Amelinckx (right) celebrate their win via a small get-together.
PHOTO/S: Courtesy: @billie.hackenson on Instagram

Nangako si Miss Cavite Kimberly "Billie" Hakenson na poprotektahan niya ang kanilang “reyna.”

Si Billie ang itinanghal na fourth runner-up sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2020.

Sa isang Instagram post kahapon, October 27, nagbahagi ng ilang larawan si Billie sa kanyang account.

Kasama niya rito ang bagong hirang na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo at ang third runner-up na si Miss Bohol Pauline Amelinckx.

Kuha ang mga nasabing larawan sa isang quick get-together ng tatlong beauty queens kahapon din.

Hawak-hawak pa nila ang isang cake na may nakalagay na “Congratulations Queens!”

Continue reading below ↓

Sabi ni Billie sa caption, hindi niya inaasahang mapasama sa Top 5 at hiranging fourth runner-up.

“The happiest 4th RU. That's me. I never expected to be part of the Top 5.

“And I'm still basking elation with my achievements. Of course, the crown was the goal.

“But I achieved more than the actual crown and title. I was heard, and people listened.”

Kasunod nito ay nag-alay siya ng mensahe para kay Pauline.

Sinariwa ni Billie ang mga pinagdaanan nila mula noong press presentation hanggang sa kanilang “iyak-sayaw” moment noong araw ng koronasyon.

Mensahe niya kay Miss Bohol, “To @paulineamelinckx, my sentimental Ms. Universe.

“I love you. We’ve been together since the press presentation and to our 'iyak sayaw' moment during the actual crowning of winners.

“Of course my heart was broken because I know how amazing you would have been as our queen but I know you will have your moment.

Continue reading below ↓

“And I will be there to witness that.”

“YOU ARE MY QUEEN, WE ARE YOUR COURT”

Kasunod na mensahe niya ay para naman kay Rabiya.

Na-appreciate daw ni Billie ang kanilang mga pag-uusap sa buong duration ng pageant.

Nangako rin siyang poprotektahan nila si Rabiya at tutulungan sa buong journey nito sa international competition.

Saad niya, “To our Ms. Universe Ph, @rabiyamateo, our youngest A&Q sister, I appreciate the talk that we had, as well as the sincerity and honesty you showed during that said talk.

“I assure you that your ates (a.k.a. Queen's court) will protect you and help you as best as we can throughout your journey.

“You are my Queen, we are your court.”



Kabilang sa sinasabing "queen’s court" ni Rabiya sina Miss Parañaque Ysabella Roxas Ysmael (first runner-up) at Miss Quezon City Michele Gumabao (second runner-up).

Continue reading below ↓

Nabahiran ng kontrobersiya ang pagkapanalo ni Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020 dahil hindi dumalo si Michele sa presscon ng winners noong Linggo ng tanghali, October 25.

Sa pamamagitan ng post sa Instagram, sinabi ni Michele na umalis siya nang maaga sa venue dahil gabi pa lamang daw ng Sabado, October 24, ay alam na niya kung sino ang nanalo.

I can handle defeat,” bahagi pa ng kanyang post.

Ang hindi lang daw niya kaya ay ang mga tanong kung bakit hindi siya ang nanalo.

Kasunod nito ay nag-post si Miss Taguig City Sandra Lemonon na may ibubulgar daw siya tungkol sa aniya’y “VIP treatment” at “cheating” sa pageant.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin sinasabi ni Sandra kung ano ang “truth” na tinutukoy niya.

Pumasok sa Top 16 si Sandra, pero hindi siya pinalad makapasok sa Top 5.

Sina Michele at Sandra, kapwa beterana sa national beauty pageants, ay kabilang sa crowd favorites at maituturing na frontrunners sa pageant.

Continue reading below ↓

Samantala, ang Miss Universe Philippines 2020 ang unang national pageant na sinalihan ni Rabiya.

Ang Miss Iloilo 2020 din ang kauna-unahang local pageant na sinalihan at napagwagian niya.

Sa isang pahayag, nanindigan ang Miss Universe Philippines Organization sa hinirang nilang winner na si Rabiya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newly crowned Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (center) and runners-up Billie Hakenson (left) and Pauline Amelinckx (right) celebrate their win via a small get-together.
PHOTO/S: Courtesy: @billie.hackenson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results