Rosanna Roces says she is now closer to favorite child Onyok after eight-year rift

by Jerry Olea
Oct 29, 2020
Rosanna Roces on son Onyok Adriano: "Maka-nanay talaga iyan. Minsan talaga, iyong pinakagago mong anak, iyon ang pinakamapagmahal."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Sa panahon ng pandemya, napalapit nang lubos si Rosanna Roces sa Panginoong Diyos. Naging madasalin siya.

“Wala akong Diyos dati! Diyos ko, pera!” pag-amin ni Osang sa mediacon ng pelikulang Anak ng Macho Dancer nitong Oktubre 28, Miyerkules ng hapon, sa Game Over restaurant, Xavierville Avenue, Brgy. Loyola Heights, Quezon City.

“Pero noong Natutulog Ba Ang Diyos? [2007 sineserye], that time, nagbalik-loob na rin ako sa Diyos, di ba?

“Pero naagaw din uli ako ng... nag-backslide agad ako. Nagtampisaw na naman ako sa kasalanan.

“Ngayong pandemic, medyo... magkakaroon ka ng personal na ugnayan sa Diyos, sa ayaw at sa gusto mo.”

RECONCILIATION WITH SON ONYOK

Unang linggo ng Oktubre 2020, ipinost ni Osang sa Facebook na nagkabati sila ng 30-anyos na bunsong anak niyang si Dennis Robert “Onyok” Adriano matapos ang halos walong taon na alitan.

Nagulat ba siyang nagkaayos sila matapos ang pisikalan nila noon, masasakit na salitang binitawan, at pagtatakwil sa isa’t isa?

Continue reading below ↓

Napangiti nang pagkatamis-tamis ang 48-anyos na aktres, “Ine-expect ko na papunta na rin doon.

"Kasi, parang lumalambot na rin ako, e! Padala ng ganito, padala ng ganyan, dadaan kay Grace," pagtukoy ni Osang sa kanyang 31 anyos na panganay na si Grace Adriano.

“Ang hirap ng may iniisip, lalo pag Pasko—hindi mo alam kung ano ang kinakain, kung nasaan. Iyong ganun...

“Ganoon kasi ang ina, pag sobrang magmahal, sobra ring masaktan. Kesa masaktan ka nang masaktan, bibitaw ka na lang! Cut ties!

Sinaktan niya ako, physically. Parang hindi na kaya ng utak ko ‘yon. Hindi kinaya ng puso ko.”

Mas close na sila ngayon ni Onyok?

“Oo! Kahapon lang, kasama ko. 'Tapos, nang sabi ko, bibili kami ng bahay ng tita niya, ‘Sama ako.’

"Iyan talaga ang nakabuntot nang nakabuntot sa akin. Kasi, paborito kong anak iyang si Onyok.

“Maka-nanay talaga iyan. Minsan talaga, iyong pinakagago mong anak, iyon ang pinakamapagmahal.

Continue reading below ↓

“Eight years ng buhay niya, wala ako. Mabuti rin, may natutunan din sila.

"Kunyari, iyong bayaran ng bills, di ba? ‘O, ano, ang hirap na walang nanay, ano?’ ‘Oo.’

“Sabi niyang ganun, ‘Pag bumili kayo, sama ako. Hindi na ako mangungupahan.’

"‘Hoy! Hindi ibig sabihin, wala ka nang responsibilidad, ha? Mag-aambag ka sa kuryente!’

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Payag naman siya. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Saan nakatira ngayon si Onyok?

“Malapit kay Grace. Ikinuha ko ng apartment doon,” mabilis na tugon ni Osang.

“Ako yung nag-down ng apat na buwan. Kasi, nawalan ng trabaho. Dati, sa call center siya.

"Pero noong pandemic, nakakuha iyan ng trabaho na malaki ang suweldo.

“Kaya lang, nabuko na pineke niya iyong mga papel niya sa school.”

TIME HEALS ALL WOUNDS

Sino ang naunang nag-reach out para magkaayos sila ni Onyok? Paano nag-umpisang padalhan siya nito ng kung anu-ano?

“Hindi! Ako yung ganun. Ako yung... ‘Grace, ibigay mo ito sa kapatid mo.’ Kasi, ayokong nai-stress si Grace,” paliwanag ni Osang.

Continue reading below ↓

“Pag yung, ‘My, nasa bahay na naman si Onyok, ganyan-ganyan!’

"'Tapos, ako naman, ‘O, sige...’ Kasi, sa kanya umuutang. O kaya, ‘Utang mo ako kay mudra, ganun-ganun!’

“Tutal, ayaw ko namang nai-stress si Grace, ‘Ayan, ibigay mo kay Onyok.’

“Ako kasi, iniisip ko, ‘Pandemic, saan tutuloy ito?!’ Walang matirhan! E, for a while, kay Grace tumira.

"So, si Grace, nai-stress, ‘My, ang gulo ng bahay ko. Andito lahat ng gamit.’

"‘Sige, ihanap mo ng apartment, bayaran ko ng apat na buwan.’

“Kahit na sabihin mong walang pumapasok na income, sige na... ‘Sabihin mo, babayaran niya ‘yan, ha?!’ Ganun pa nung una.

“E, may anak pa siya, si Leon. Iyong ipinu-post ko na gwapo na bata...

"Lahat naman ng kasamaan nila sa akin, bawing-bawi ako sa apo.

“Ay, naku! Iyong anak niya, iyon ang pinakamabait kong apo!”

Dalawa naman ang apo niya kay Grace—si Gab (si Jolo Revilla ang ama) na magdidisisais sa Enero, at si Maja.

Continue reading below ↓

Natatawang kuwento ni Osang, “Si Gab, pag pumupunta sa akin, akala, siya pa rin yung Gab na baby.

"Nakahiga kami ni Blessy, humihiga sa gitna namin!

“Ganun. Huy, sabi ko, malaki ka na! Hindi ko na rin nakikita yung tuytuy niya. Hindi na pinapahawak!”

Si Blessy Arias ang asawa at manager ni Osang.

Pinaghilom ng panahon ang mga sugat sa puso niya...

“Nagagamot talaga! Kaya kung sa iba, malas itong pandemic, swerte ko itong 2020!

“Napakaganda ng 2020 ko, totoo!” masayang bulalas ni Osang.

BLESSED 2020 FOR OSANG

Napakasarap ng 2020 para kay Osang, kahit lumaganap ang coronavirus.

“Nag-birthday ako ng ano, sa bahay lang, iyong quarantine birthday,” pahayag ni Osang.

“Pero nakakatuwa, ang daming nagpapadala ng pagkain. Marami! Alimango, ahhh, liver pate na napakasarap, na divine talaga pagkakagat mo, na nahihilo ako dahil tumaas ang presyon ko. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Kung walang pandemic, malabong padalhan siya ng mga ganoon kasasarap na pagkain.

Continue reading below ↓

“'Tapos, natuto kaming magnegosyo ni Grace. Nagluto ako, iyong Timplada. Kaming dalawa lang. Siya ang namamalengke, ako ang nagluluto.

“Kaldereta, baby roast beef. Ahh, pag seafoods galore, iyong steamed fish, pusit na adobo, saka gambas. Ang hirap pag iba-iba! Dapat pala, may schedule, kundi... mahihilo.

“Pero ang laki ng kinita ko. Wala pang isang buwan, bayad ang renta.

“Kaso, na-hack ang IG ko. Nandoon lahat ng kustomer, bad trip!”

Hindi na niya itinuloy ang online selling ng Timplada dahil kailangan ng malaking space para makapagluto.

“Nasa condo lang ako, e. Bawal pa iyong kalan na may... e, ako, may gasulito.

"Pero ang sarap! 11:00 o’clock ng umaga, tapos na, napa-deliver na niya lahat.

“Ang sakit lang sa balakang!”

ACTING PROJECTS

Natigil man ang negosyong Timplada, nanatiling abala si Osang. Napakasuwerte niya sa kanyang showbiz career ngayong Year of the Metal Rat.

Tanggap niya agad nang matigok ang Kapamilya teleseryeng Pamilya Ko kung saan kasama siya sa cast.

Continue reading below ↓

“Unang-una, nagka-COVID si Sylvia [Sanchez]. E, merong ruling na kapag nagka-COVID, hindi na pwedeng bumalik sa set,” matamang lahad ni Osang.

“Meron pang mga senior sa cast, si Joey [Marquez], si Tita Perla [Bautista]. May mga bata. So, kami iyong number one na pwedeng tanggalin talaga.

“Psinyche ko na ang sarili ko na... mabuti, nakapag-ipon ako from Los Bastardos, Pamilya Ko.

“Pero siyempre, kung palabas nang palabas... pero pag magwo-worry na ako, may dumarating na project.”

Nakagawa siya ng Viva movie kasama sina Ara Mina, Maui Taylor, at Alma Moreno, ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar sa direksiyon ni Darryl Yap.

“Nagiging ano nga ngayon yung dubbing, nagiging... dapat, tapos na noong Lunes pa,” alumpihit na sambit ni Osang.

“Pero dahil sa pagda-dubbing-an namin, may nagka-COVID, pinapadala lang sa amin iyong ida-dub, kami ang...

“Ang hirap! Kasi, hindi kami techie ni Blessy. Paano mo ito ida-dub? Susundan? Ang hirap. Nahirapan ako.

Continue reading below ↓

“So, sabi ko kay Direk, ‘Direk, sa ganitong ano ay talo talaga ako ni Ara Mina!’ Kasi nga, nakapag-dub!

"Bobo talaga ako sa ano, hindi ako techie.

“Kaya hintayin ko nang ma-quarantine muna lahat. Diyan ako sa studio. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

"Kasunod ay project na pang-SK, sa ilalim ni Direk Joven Tan.

“Sabi ni Direk Joven, maraming pwedeng kuning artista. Pero uso kasi ngayon, ang kinukuha, iyong magaang katrabaho,” pakli ni Osang.

Andiyan ang Pinoy BL series ni Direk Adolf Alix Jr. na Happenstance, na nagtatampok din kina Allan Paule, Bembol Roco, Erlinda Villalobos, Angeli Bayani, Ken Anderson, Shu Calleja, at Saviour Ramos.

Gaya ng Unlocked anthology ay ipapalabas ito sa Gagaoolala.

“Kung sino ang magaang katrabaho, iyon ang kukunin. Hindi na uso iyong pagalingan. Ang daming magaling, e!” pagkunot- noo ni Osang.

“Sino ang pinakamagaang katrabaho? Iyon ang kinukuha. Hindi ka na pwedeng magloka-lokahan ngayon. Award! Wala kang project.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam kung bakit nagtagal ako sa showbiz, pero pinanatili ko iyong husay sa pag-arte kahit si Adolf na lang ang kumukuha sa akin, siya na lang ang nagtitiyaga.

“Kahit cameo lang. Kita mo sa Padre de Familia (2015), di ba? Ang gagaling yung mga andun. Kaya hindi ako pwedeng magloko.

“So, dumating pa ako sa point na nagpababa ako ng TF, makasama lang. Ganun.

“Ngayon, iba na uli ang presyo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

At siyempre, excited si Osang na makatrabaho muli si Direk Joel Lamangan sa Anak ng Macho Dancer, matapos niyang pasakitin ang ulo nito sa Cinemalaya movie na Hustisya (2014).

“Hindi sa kung ano man. Kasi, para lang i-consider ako niyan, para pumayag siya muli,” napangiting saad ni Osang.

“OK lang, namumura naman niya ako, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Kailangang bigyan ko ng hustisya ang pagpayag ni Direk Joel na makatrabaho akong muli.

Continue reading below ↓

“Ay! Magbabawi ako. Kailangan, doble effort.

"So, pag ganyan, kunyari, 8 o’clock, 7 o’clock ang call time ko, 6:00, andiyan na ako. Ayos na ako. Lahat, memorized ko na."

Gandang-ganda si Osang sa role niya sa movie bilang asawa ni Allan Paule, na dating macho dancer.

“Hindi ko pa nababasa ang script, pero naikuwento na sa akin ni Dennis Evangelista [line producer] ang role ko. Three-day shoot pero markado.

“Iba. Napilitan akong mag-prosti. Ako ang ina ng macho dancer... Kami ni Allan Paule ang bayarang love team ng taon!

“At bilang artista, kung ano ang hingin ng role ko, pwede kong ibigay. Kasi, tinanggap ko ito, e.

“So, pag hiniling ni Direk Joel na, ‘Bakla, ipakita mo ang suso mo.’ Ipapakita ko, OK lang.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces on son Onyok Adriano: "Maka-nanay talaga iyan. Minsan talaga, iyong pinakagago mong anak, iyon ang pinakamapagmahal."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results