Miss Manila’s answer to question about paper currency: “Kung ano yung sinagot ni Rabiya, yun na rin lang ang sagot ko.”

by Arniel C. Serato
Oct 28, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon jokingly said that she will just copy Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo's answer to the Top 5 final question.
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe Philippines on Facebook

“Winning answer” daw para kay Miss Manila Alexandra Abdon ang sagot ni Miss Iloilo Rabiya Mateo sa final question sa Miss Universe Philippines 2020 Top 5 finals.

Ang napuntang final question kay Rabiya ay tungkol sa paper currency.

Ang buong tanong ay ganito: “If you could create any new paper currency with the image of a Filipino on it, dead or alive, who would it be and why?"

Sagot dito ni Rabiya: “If I were given the chance, I want to use the face of Miriam Defensor Santiago for those who don't know, she was an Ilongga.

"But what I admired about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country.

"And I want to be somebody like her. Somebody who puts her heart, her passion into action.

"And after all, she is the best president that we never had."

Marami ang nagsasabing ang sagot na ito ni Rabiya ang nagpanalo sa kanya sa pageant.

Continue reading below ↓

SAME ANSWER

Kung sakaling pinalad si Alexandra at nakapasok sa Top 5, at natanong ng parehong katanungan, ano naman ang kanyang isasagot?

Sa nagba-viral na short clip mula sa isang online interview ngayong araw, October 28, sinabi ni Alexandra na hindi na siya mag-iisip pa ng ibang sagot kundi ang sagot na lamang ni Rabiya.

Pahayag ng bagong social media sensation, “A, katulad ng explanation ko kanina, wala akong maisip na mas magandang sagot.

“So, kung anong narinig kong sagot, so kung ano yung sinagot ni Rabiya, yun na rin lang ang sagot ko!” sabay pakawala ng malutong na halakhak.

Dagdag pa niya, “And for the record, ‘yon yung winning answer. So, bakit ka pa magbibigay ng sariling opinion, may nanalo na?”

Pagbati pa niya sa bagong tanghal na Miss Universe Philippines 2020, “Congrats, Rabiya. Basta Ilongga, guwapa!”

Continue reading below ↓

Ang nasabing video clip ay mula sa panayam ng fashion director na si Geri General kagabi, October 27.

Ipinost din ni Alexandra ang mga reaction ng mga nakapanood sa nasabing interview.

SOCIAL MEDIA DARLING

Kinagigiliwan ngayon sa social media si Alexandra.

“Cool” and “chill” lang daw kasi ito sa kanyang mga sagot at pananalita.

Continue reading below ↓

Hindi man niya nakuha ang korona sa pageant, nakuha naman niya ang simpatiya ng pageant fanatics.

Unang napansin si Alexandra sa preliminary interview ng pageant noong October 23.

Nakitaan kasi siya ng pagiging kikay at walang pretensiyon sa pagsagot sa mga katanungan ng mga hurado.

Noong panahong iyon, malamig ang klima sa Baguio City kung saan ginanap ang pre-pageant at kalaunan, ang coronation night.

Pero napansin ng organizers na hingal na hingal si Alexandra nang humarap siya sa mga judges dahil sa mataas na hagdan na inakyat nito.

Nang sabihin sa kanya na kailangan niyang masagot ang bawat tanong sa loob lamang ng tatlumpong segundo, nag-timeout muna siya.

Humihingal na sabi nito, "Wait, kailangan kong huminga, kailangan kong huminga.”

Maya-maya pa, sabi ni Alexandra, "Okay, game!"

Sabi ng isang panelist, "Yung totoo? Game ka na ba?"

Katwiran ng 26-year-old Miss Manila candidate, "Sa pag-akyat saka paulit-ulit kasi. Feeling ko, paulit-ulit kami ng sinasabi na malamig."

Continue reading below ↓

Nang sabihin ng isang judge na siya lang nagsabi na malamig, napapangiting sabi niya, "Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan!"

Tawa naman nang tawa ang panelists sa sumunod na hirit ni Alexandria:

"Pinapapatay ko yung aircon kanina, wala palang aircon. Sabi ko, 'Pakipatay yung aircon.' So, wala pala.

"Sige, ang dami kong tsika.”

Nitong mga nakaraang araw, abala si Alexandra sa pagpu-post ng memes tungkol sa kanya sa social media.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon jokingly said that she will just copy Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo's answer to the Top 5 final question.
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results