Miss Manila Alexandra Abdon on Sandra Lemonon, Miss Universe Philippines candidates get-together: "Hindi nila kami isinama."

by Rachelle Siazon
Oct 29, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon (left) to Miss Taguig Sandra Lemonon (right): "Sandra, salamat na lang sa lahat-lahat."

Diretsahang sinabi ni Miss Manila Alexandra Abdon na hindi siya imbitado sa get-together ng grupo ng Miss Universe Philippines 2020 candidates noong Miyerkules, October 27.

Tiyempong nakasalang si Alexandra sa isang live simulcast sa social media nang banggitin niya ang tungkol dito.

Sa panayam kay Alexandra, nabanggit ng YouTuber na si Geri General na niyaya rin niyang sumama si Miss Pasay City Zandra Nicole Sta. Maria sa kanilang live kuwentuhan session.

Hirit ni Miss Manila, "Nasa BGC siya. Hindi nila kami inaya.

"Magkakasama sila nila GenSan, nila Makati... Hindi nila kami isinama.

"Zandra, salamat na lang sa lahat-lahat."

(Unang nabanggit sa artikulong ito na si Sandra Lemonon ang kasama sa vlog kunsaan nakapanayam si Alexandra.

Ngayong Huwebes, October 29, nag-comment si Miss Manila sa Facebook page ng PEP.ph upang linawin na si Zandra ang tinutukoy niya.

Sabi ni Miss Manila, "Omg it's Zandra Nicole Sta Maria I'm talking about, biruan namin yan.

Continue reading below ↓

"Not Mama Limonada. Z & S and everyone are my sisters. Love love lang, okay? Wag na po tayo maging ganyan.")

Hindi lahat ng Miss Universe Philippines candidates ay nakadalo sa get-together sa BGC.

Sa kaso ni Miss Manila, hindi niya nasabi kung bakit hindi siya nakasama sa get-together ng mga kapwa kandidata.

Continue reading below ↓

Pero kung anu't anoman, ni-repost pa ni Alexandra ang komento ng netizen na kaya baka hindi siya imbitado sa gathering ay dahil "malakas mamulutan si Miss Manila."

THE MEETUP IN TAGUIG

Ang tinutukoy ni Alexandra ay ang pakikipagkita ni Zandra sa ibang Miss Universe Philippines 2020 candidates sa isang restaurant sa BGC, Taguig City.

Continue reading below ↓

Ang lugar ay balwarte ni Miss Taguig City Sandra Lemonon.

Sa hiwalay na Instagram Stories ni Sandra, nakasama sa get-together sina Michele Gumabao (Quezon City), Zandra Sta. Maria (Pasay City), Riana Pangindian (Pasig City), at Adelma Krissel Benicta (Ilocos Sur).

Naroon din sina Noreen Victoria Mangawit (Kalinga), Joecel Robenta (Antique),
Christelle Abello (Aklan), Ivanna Pacis (Makati City), Lou Dominique Piczon (Mandaue), at Patricia Santos (Pampanga).

"REUNITED REAL QUICK WITH THESE LADIESSSS," saad sa caption ng isang litratong ibinahagi ni Sandra sa Instagram Story.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya sa isang litrato, "My sisters for life [heart emoji] Lab youuuuuu."

NOT A CHISMISAN SESSION

Ayon kay Sandra, nakatanggap daw ng pambabatikos si Miss Pampanga mula sa netizen na tinawag na "bitter" at "talunan" ang mga kandidatang kasama sa gathering.

Komento raw ng kanilang kritiko, "Plsss. accept defeat!!!! MOVE ON GURLLL!!!! ITIGIL NA ANG CHISMIZZZ."

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Sandra ang sagot ni Miss Pampanga sa netizen.

Hindi raw nagkita-kita ang Miss Universe Philippines candidates para pagtsismisan ang kontrobersiya kaugnay ng pageant.

Paglilinaw ni Miss Pampanga, "Srsly tho, we were all together because some are leaving for the province so I don't know where did you get the idea that this is about that."

Sinegundahan ito ni Sandra.

Imbitado naman daw ang lahat ng pageant candidates.

Ani Sandra, "We just wanted to bond together since we are all in Manila & everyone was invited in our group MUPH group chat.

"Including the winner."

Ang tinutukoy ni Sandra na winner ay si Miss Iloilo City Rabiya Mateo.

Hindi kaila sa publiko ang kontrobersiyal na pag-alma ni Sandra sa pagkapanalo ni Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020.

Kinontra naman ni Sandra ang kritiko na nag-akusang nagkita-kita ang Miss Universe Philippines candidates para sa tsismis.

"Also I don't have chismizz I have facts," ani Sandra.

Continue reading below ↓

MISS MANILA HANDS-OFF IN MISS UNIVERSE PHILIPPINES CONTROVERSY

Hands-off naman si Miss Manila nang tanungin ng vlogger na si Geri General sa isyung nakapalibot sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2020, partikular na sa cryptic posts ni Sandra.

Sabi niya, "Hindi ako sumisilip sa [Instagram] Stories ng iba. Mars, alam mo ang saya ng buhay ko. Wala akong iniisip."

Continue reading below ↓

Pakiramdam naman ni Miss Manila, napapalala ang isyu dahil sa samu't saring opinyon ng netizens.

"So, kung tutuusin mo, maliit na isyu lang naman talaga iyan.

"Sila lang ang umiihip, sila lang ang gumagawa. Gusto lang kasi nila ng drama masyado.

"Gusto ng netizen iyan. E, di enjoy. Ilabas ang popcorn!"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon (left) to Miss Taguig Sandra Lemonon (right): "Sandra, salamat na lang sa lahat-lahat."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results