Super Tekla appeals to public not to bash ex-live in partner

by Arniel C. Serato
Oct 29, 2020
Super Tekla (L) to netizens: "Nanaig na ang katutuhanan wag na nating husgahan at e bash pa si Michelle at pamilya nila… Mas pinili ko ang forgiveness kay sa puot…" Si Michelle (R) ang dating ka-live-in partner ni Tekla. Meron silang isang anak.
PHOTO/S: Copurtesy: GMA News / Wanted Sa Radyo

Mukhang inabsuwelto ng sambayanan ang Kapuso comedian na si Super Tekla mula sa mga paratang ng dating ka-live in nitong si Michelle Lhor Bana-ag.

Nabaligtad kasi ang ending ng sigalot nilang dalawa nang umatras si Michelle sa nauna nitong pagmamalaki kay Raffy Tulfo na handa itong magpa-drug test.

Tuloy, nagsabi ang brodkaster na babawiin na niya ang suportang dapat ibibigay ng kanyang programa kay Michelle, sa anak nila ni Tekla, at sa pamilya nito.

Tutulungan din daw niya ang 38-year-old Kapuso comedian na lumapit sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makuha ng TV host ang kustodiya ni Baby Angelo.

Malaki naman ang pasasalamat ni Tekla sa mga taong hindi nanghusga kaagad sa kanya.

Sa kanyang Facebook post kahapon, October 28, sinabi ni Tekla na pipilitin niyang bumangon at magsimula muli matapos ng kontrobersiyang nilikha ng mga pasabog ni Michelle, na tila gawa-gawa lamang.

Hindi na niya pinangalanan lahat, pero binanggit niya ang kaibigang si Donita Nose at ang manager na si Rose Conde na hindi bumitaw sa kanya.

Continue reading below ↓

“Salamat Panginoon Salamat DONITA mommy ROSE AT MGA KAIBIGAN KUNG HINDI AKO INIWANAN AT HANDANG IPAGTANGGOL AKO….

“Salamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala hindi ko na kayo Maisa isang lahat…

“Pipilitin kung bumangon at magsimula.”

Nakiusap din si Tekla na huwag i-bash ang dating partner at ang pamilya nito ngayong napatunayang puro raw kasinungalingan ang inilahad ni Michelle sa programa ni Tulfo na Wanted sa Radyo.

Mas pinipili raw niyang magpatawad kaysa magkimkim ng poot at sama ng loob sa kanyang dibdib.

Saad pa ng The Boobay And Tekla Show host, “Nanaig na ang katutuhanan wag na nating husgahan at e bash pa si Michelle at pamilya nila…

“Mas pinili ko ang forgiveness kay sa puot…

“Natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive.”

“PINATAWAD KO NA KAYONG LAHAT”

Napatawad na rin daw ni Tekla ang mga taong hinusgahan siya bago pa man marinig ang kanyang panig.

Continue reading below ↓

Saad niya (published as is): “At sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko yun…

“Lets pray at pagmamahal nalng poh ang magandang tulong para maghilum ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito God Bless us all.”

Sa isa pang post ngayong araw, October 29, lubos naman ang pasasalamat ni Tekla sa suporta ng kanyang home network.

Continue reading below ↓

Published as is: “Sa pinagdaanan kong pagsubok na ito, gusto kong magpasalamat sa aking tahanan GMA Network, sa patnubay at paggabay sa akin.

“Lubos akong nagpapasalamat at hindi nila ako pinabayaan.

“GMA bosses, Artist Center at sa aking mga kasamahan sa trabaho at kapwa artista na alam kong nanalangin at nagbigay ng lakas loob sa akin maraming maraming salamat.”

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang kontrobersiya nang akusahan ni Michelle ng diumano'y seksuwal na pang-aabuso si Super Tekla, na Romeo Librada sa totoong buhay.

Sa programa ni Tulfo noong October 20, inilahad ni Michelle ang diumano’y mga ginawang kahalayan nito sa kanya.

Kapag hindi naman daw niya pinagbigyan ay ginugutom sila nito.

Mariin itong pinabulaanan ni Super Tekla at ng mga kasama nito sa trabaho, bagama't kumalat na nang husto ang mga naging paninira sa comedian-TV host.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla (L) to netizens: "Nanaig na ang katutuhanan wag na nating husgahan at e bash pa si Michelle at pamilya nila… Mas pinili ko ang forgiveness kay sa puot…" Si Michelle (R) ang dating ka-live-in partner ni Tekla. Meron silang isang anak.
PHOTO/S: Copurtesy: GMA News / Wanted Sa Radyo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results