Michele Gumabao joins Rabiya Mateo, other MUP 2020 winners in their first official activity

by Arniel C. Serato
Oct 29, 2020
Miss Universe Philippines 2020 winners: (with sash, left to right) 2nd runner-up Michele Gumabao, 1st runner-up Ysabella Roxas Ysmael, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, 3rd runner-up Pauline Amelinckx, and 4th runner-up Billie Hakenson with Manila Vice Mayor Honey Lacuna (fourth from right) and Frontrow's RS Francisco (fourth from left) at an event held in Manila earlier today, October 29.
PHOTO/S: Courtesy: Laila Chikadora of News5

Malinaw na tanggap ni Michele Gumabao ng Quezon City na hindi para sa kanya ang Miss Universe Philippines 2020 crown.

Si Michele ang itinanghal na second runner-up sa grand coronation na ipinalabas sa GMA-7 at iba pang platforms noong Linggo ng umaga, October 25.

Dumalo ang dating volleyball star sa unang event ng Miss Universe Philippines 2020 winners ngayong Huwebes, October 29—ang E.Eskwela hub event sa Manila Child Center, Sampaloc, Manila.

Kasama niya sa event sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Ysabella Roxas Ysmael (1st runner-up), Pauline Amelinckx (3rd runner-up), at Billie Hakenson (4th runner-up).

Continue reading below ↓

Ang pagdalo ni Michele sa event ang patunay na mali ang hinala ng ilang netizens na hindi nito tanggap ang naging resulta ng Miss Universe Philippines 2020.

Nag-ugat ang hinala nila nang hindi dumalo si Michele sa presentation of winners noong Linggo ng tanghali.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni Michele na tanggap niya ang kanyang kapalaran.

Buong pahayag niya (published as is): "To all my Michelin stars thank you for being with me on this journey!

"I love each and everyone of you! Thank you for all your support! Til the very end Laban!

"I left this morning sa bcc while the pageant was on going.

"I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks i couldnt handle that.

"I can handle defeat hahahaha I can't handle the people asking me why why why...

Continue reading below ↓

"I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone.

"I did my very best and I have no regrets."

TO ISSUE OFFICIAL STATEMENT SOON

Sa panayam sa kanya ni Laila Chikadora ng News5 ngayong araw, sinabi ni Michele na maglalabas siya ng opisyal na pahayag sa mga susunod na araw.

Pero nanindigan siyang nagpaalam siya sa mga namumuno ng MUP Organization na aalis siya nang maaga noong Linggo.

Saad niya, “Alam po ng organization kung bakit ako umalis.

"I messaged everyone, I messaged Mama Jonas Gaffud [MUP Organization creative director], the reasons why I left.

“He said ‘okay,’ so I’m just really surprised that there was no statement, that there was no message from the organization as to my departure.

“But you know, with social media, I'm used to it, I'm used to all the comments, so hindi naman sa akin nakakasama yun.

Continue reading below ↓

“Yun lang po talaga, nagulat lang ako na walang sinabi from the organization why I left.

“Although, I will be issuing my statement as to why and my reasons why, and I hope it clears up a little bit sa lahat ng mga issues ng mga tao.

“Siyempre kung walang magtatanggol sa 'yo, kailangang mong ipagtanggol ang sarili mo.”

Muli siyang kinulit ni Laila kung bakit hindi pa niya ngayon sabihin ang kanyang rason.

Giit ni Michele, “I will be issuing my official statement po but now is not the perfect time.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 winners: (with sash, left to right) 2nd runner-up Michele Gumabao, 1st runner-up Ysabella Roxas Ysmael, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, 3rd runner-up Pauline Amelinckx, and 4th runner-up Billie Hakenson with Manila Vice Mayor Honey Lacuna (fourth from right) and Frontrow's RS Francisco (fourth from left) at an event held in Manila earlier today, October 29.
PHOTO/S: Courtesy: Laila Chikadora of News5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results