Miss Manila Alexandra Abdon clarifies she has nothing but "so much love" for Miss Taguig City Sandra Lemonon

by Rachelle Siazon
Oct 29, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon (left) sends an encouraging message for Miss Taguig City Sandra Lemonon (right); says she has nothing but love for her fellow Miss Universe Philippines candidates.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook

Nilinaw ni Miss Manila Alexandra Abdon na walang isyu sa pagitan nila ni Miss Taguig City Sandra Lemonon.

Mensahe ni Alexandra para kay Sandra: "SO MUCH LOVE FOR THIS GORGEOUS BABE! SPREAD LOVE, YES?"

Base ito sa Instagram Story ni Alexandra, Huwebes ng hapon, October 29.

Una munang nag-post si Sandra ng Instagram Story, kunsaan makikita ang palitan nila ng mensahe ni Alexandra via direct messaging.

Continue reading below ↓

Sabi rito ni Sandra (published as is), "I have death threats and people telling me I'm stupid and etc

"When all I want is to protect us girls & have fair treatment. Hai...."

Tila naglabas ng saloobin si Sandra hinggil sa pambabatikos na natatanggap matapos niyang almahan ang diumano'y "behind the scenes" na nangyari sa Miss Universe Philippines 2020.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa tinutumbok ni Sandra kung ano ang pinanggalingan ng kanyang matalinhagang posts na "karma is real" at "REAL queens Play FAIR don't CHEAT."

Nag-iipon pa raw kasi si Miss Taguig City ng lakas ng loob at tamang "timing" para ihayag nang lubusan ang kanyang nalalamang impormasyon.

Pinayuhan naman ni Alexandra si Sandra na huwag magpaapekto sa bashers.

Pahayag ni Alexandra (published as is): "Wag ka maniwala sa mga yon. Most of the people hating you are bunch of [sweetheart emoji].

"Isa ako sa nagmamahal sayo plus 44 more girls.

Continue reading below ↓

"Wag ka papasira sa may ayaw sayo."

Tuwang-tuwa naman si Sandra sa suporta ni Alexandra sa kanya.

Mensahe ni Sandra, "Hahahahhahahahahaha

"...I love you! Huhu Ang sweet mo! Thank you means a lot Can I post this love?"

Sagot ni Alexandra, "Omg yes!!!! Andito lang ako, lahat kami!!!!"

Ipinost nga ni Sandra sa Instagram Story ang screenshot ng usapan nila ni Alexandra.

Sabi pa ni Sandra sa written text niya, "This is real SISTERHOOD."

Continue reading below ↓

MISS MANILA'S REPOSTED COMMENT FROM A NETIZEN

Samantala, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ni-repost ni Miss Manila na video clip mula sa panayam sa kanya sa isang YouTube vlog noong October 27.

Maririnig sa video na sinabi ni Miss Manila na hindi siya imbitado sa get-together ng Miss Universe Philippines 2020 candidates.

Ginanap sa isang restaurant sa BGC, Taguig City ang meet-up ng grupo noong October 27.

Kalakip nito ang kuwelang hirit ng isang netizen na kaya marahil hindi imbitado si Miss Manila ay baka totoo raw ang tsismis na "malakas mamulutan si Miss Manila."

Sa comment ng netizen, may nakalagay na "Momma" at lemon emoji—na hininalang nakalimot daw mag-imbita kay Miss Manila.

MISS MANILA SAYS NO ILL WILL AGAINST SANDRA

Nang iulat ito sa PEP.ph nitong Huwebes, October 29, nag-comment si Miss Manila sa Facebook page ng PEP.ph upang bigyang-linaw ang isyu.

Hindi raw si Sandra Lemonon ang tinutukoy ni Alexandra kundi si Miss Pasay Zandra Sta. Maria.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Alexandra, nagbiro lang daw siyang hindi siya inimbita ni Zandra sa Miss Universe Philippines get-together.

Wala raw siyang isyu sa sinumang kandidata.

Pahayag ni Alexandra: "Omg it's Zandra Nicole Sta Maria I'm talking about, biruan namin yan.

"Not Mama Limonada. Z & S and everyone are my sisters. Love love lang, okay? Wag na po tayo maging ganyan."


Continue reading below ↓

MISS PASAY ARRANGED THE MUPH GET-TOGETHER

Nilinaw rin ni Miss Pasay Zandra Sta. Maria na siya ang nagyayang magkita-kita ang Miss Universe Philippines candidates noong October 27.

Base ito sa palitan ng mensahe ni Nikko Tuazon, PEP.ph senior staff writer, at ni Zandra.

"Ako nagarrange ng reunion ng lahat coz im clingy," mensahe ni Zandra kalakip ng isang smile emoji.

Kinumpirma rin ni Zandra na siya ang pabirong pinaringgan ni Miss Manila sa interview nito sa isang vlog.

Dagdag ni Zandra kalakip ng smile emoji, "Awww sad! Nope it's not Sandra it was me. Hehe. And we invited everyone!"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon (left) sends an encouraging message for Miss Taguig City Sandra Lemonon (right); says she has nothing but love for her fellow Miss Universe Philippines candidates.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines 2020 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results