Michele Gumabao announces retirement from beauty pageants

by Arniel C. Serato
Oct 29, 2020
After her second runner-up finish at Miss Universe Philippines 2020, Michele Gumabao of Quezon City bids goodbye to beauty pageants. Still, she will "privately mentoring" aspiring beauty queens.
PHOTO/S: Courtesy: @gumabaomichelle on Instagram / Miss Universe Philippines on Facebook

“Unfortunately po, because of my age, there will be no more beauty pageants for me.”

Ito ang deklarasyon ni Michele Gumabao, 28, tungkol sa kanyang beauty pageant journey.

Ang Miss Universe Philippines 2020, kung saan nakopo niya ang second runner-up, na raw ang kanyang huling beauty contest.

Saad pa ni Michele, “But, this is the beginning of even brighter journey 'coz I have a lot of different businesses to bring in to the Philippines.

“And now, I have the time to do so. I have also another career that I’m eyeing for.

"So, of course, now is not the perfect time to share about that.

“In God’s time, I’ll reveal everything.”

Kumusta na siya matapos ang pageant?

Sagot ng beauty queen mula sa Quezon City, “It’s still very hectic because it’s, like, I took a two-week vacation being part of the pageant.

“Aside from being part of Miss Universe Philippines, I never neglected my duties as a professional athlete, also as a businesswoman.

Continue reading below ↓

“I managed a lot of different things.

"So, yung two weeks po na nasa Baguio kami, medyo ngayon ko po hinahabol lahat ng trabaho, lahat ng responsibilities na na-put on hold. So, medyo busy.

"Kaya after nito, ako yung unang interview dahil may pupuntahan pa po ako.

“So I'm just really thankful na very understanding din sila po about my personal obligations and also my career, dahil siyempre being the breadwinner of the family, I have to put them first. And always think about the people, my employees.

"So, kailangan talaga tayong busy kahit kailangan nating magpahinga, pero laban lang.”

Nakausap ni Laila Chikadora ng News5 si Michele sa E.skwela event ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) at Frontrow sa Sampaloc, Manila, nitong Huwebes ng umaga, October 29.

Continue reading below ↓

Ito ang kauna-unahang public event ng Miss Universe Philippines 2020 winners na sina MUP 2020 Rabiya Mateo, Ysabella Roxas Ysmael (1st runner-up), Pauline Amelinckx (3rd runner-up), Billie Hakenson (4th runner-up), at si Michele.

TO CONTINUE HER ADVOCACY

Pero kahit magreretiro na si Michele sa pagsali sa beauty pagents, tuluy-tuloy pa rin daw ang kanyang adbokasiya sa sports.

Continue reading below ↓

Kilala si Michele sa larangan ng volleyball.

“Opo, kasi my advocacy is about sports. Talagang andun yung passion ko, andun yung career ko.

"At siyempre, yung sports po kasi, isang paraan 'yan para mag-aral ang mga bata, makapunta sila sa magagandang eskuwelahan.

“Mabigyan sila ng magandang oportunidad para makapunta sa magagandang kolehiyo.

“Dahil yun nga po ang naranasan ko, yun po ang nabigay sa akin ng sports. “

Nanawagan si Michele sa mga batang tinuturuan niya na kaunting tiis na lamang at makapaglalaro na rin sila sa labas. Bawal kasi ang outdoor sports ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sabi niya, “Sa ngayon po, mahirap po talaga dahil hindi tayo makapaglaro sa labas, yung mga bata kailangan sa bahay para sa safety din po nila.

"Pero siyempre, tuluy-tuloy pa din po dahil ang pangarap ay hindi naman natatapos. At kailangan lang natin mag-antay.”

Balak din ba niyang maging mentor ng aspiring beauty queens?

Continue reading below ↓

Ayon kay Michele, “private mentoring” ang ginagawa niya sa ngayon.

Sa larangan ng beauty pageants, unang sumali si Michele sa Binibining Pilipinas 2018, kung saan kinoronahan siyang Bb. Pilipinas Globe.

Si Catriona Gray ang nakakuha ng titulong Miss Universe Philippines noon.

Muling sumali si Michele ngayong taon sa Miss Universe Philippines, na hawak na ng ibang organizer, ngunit muli siyang nabigong makuha ang korona.

Si Miss Iloilo City Rabiya Mateo ang nagwagi bilang Miss Universe Philippines 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After her second runner-up finish at Miss Universe Philippines 2020, Michele Gumabao of Quezon City bids goodbye to beauty pageants. Still, she will "privately mentoring" aspiring beauty queens.
PHOTO/S: Courtesy: @gumabaomichelle on Instagram / Miss Universe Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results