Comedian Brenda Mage recounts how Jodi Sta. Maria introduced Raymart Santiago to Ang Sa Iyo Ay Akin cast, staff

by Bernie V. Franco
Oct 30, 2020
Comedian Brenda Mage (left) talks about how Jodi Sta. Maria (center) finally introduced Raymart Santiago (right) to the staff and crew of Jodi's ongoing teleserye, Ang Sa Iyo Ay Akin. PEP confirmed last September that Jodi and Raymart were in a relationship.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @jodistamaria and @raymartsantiago on Instagram

Mismong si Jodi Sta. Maria raw ang nagpakilala kay Raymart Santiago sa mga kasamahan ng aktres sa kanyang pinagbibidahang teleserye.

Ito ang ibinahagi ng komedyanteng si Brenda Mage, na co-star ni Jodi sa ongoing ABS-CBN primetime series na Ang Sa Iyo ay Akin.

Sidekick ni Jodi si Brenda sa teleserye. Gumaganap si Jodi bilang Marissa Pineda, habang si Brenda ang kanyang assistant na si Tutti.

Kuwento ni Brenda, laging inaasar at iniintriga si Jodi tungkol sa kausap nito via video call.

“Lagi kaming nag-aasaran dati, sino kaya kausap niya?” kuwento ni Brenda sa interview niya sa Magandang Buhay noong October 13.

Natutunugan daw ni Brenda kapag may kausap si Jodi dahil lagi silang magkasama.

“Kasi ang role ko po kasi doon is assistant ni Miss Jodi. So, ako talaga, kahit saan siya pumunta, ako talaga ang kasama niya.

“So, minsan kaming dalawa lang sa office niya. Pag ano, meron siyang ka-video call, ganyan-ganyan.”

Continue reading below ↓

Natuldukan daw ang pag-uusisa nila nang si Jodi na mismo ang nagpakilala kay Raymart sa mga kasamahan ng aktres sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

Sabi ni Brenda, “Sino kaya iyan? Tapos, yun nga, ‘Ah, yun pala!’

"Hanggang sa ni-reveal na niya [Jodi] na, ‘Mag-hi kayo sa ganito-ganyan.’”

Ikinatuwa naman daw ito ng mga miyembro ng production staff dahil nakasama nila si Raymart sa teleserye nito noong nakaraang taon.

“Tapos inaasar ng mga kasamahan nila.

"Kasi lahat ng mga kasamahan namin, halos pati yung production staff, mga direktor, parang kasama nila sa dating show ni Kuya Raymart, sa Starla yata, so kilala nila.

“Kaya inaasar nila si Ate Jodi.”

Ang Starla ay ang Kapamilya primetime series na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Raymart. Umere ito mula October 2019 hanggang January 2020.

JODI-RAYMART RELATIONSHIP

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 30 unang nakumpirma ang relasyon nina Jodi at Raymart.

Continue reading below ↓

Nag-leak sa social media ang larawan ng dalawa na nakunang magkayakap sa isang private place sa Alabang.

Nang usisain ng PEP Troika, hindi naman itinanggi ni Raymart na nagkakamabutihan sila ni Jodi.

Pero sa kabila nito, matipid pa rin sa detalye si Raymart, na nais daw gawing pribado kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Jodi.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Brenda Mage (left) talks about how Jodi Sta. Maria (center) finally introduced Raymart Santiago (right) to the staff and crew of Jodi's ongoing teleserye, Ang Sa Iyo Ay Akin. PEP confirmed last September that Jodi and Raymart were in a relationship.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @jodistamaria and @raymartsantiago on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results