Kim Atienza to netizen condemning him for supporting Liz Uy’s engagement: “We are all sinners.”

by Arniel C. Serato
Oct 30, 2020
Kim Atienza (left) congratulates friends Liz Uy (center) and Raymond Racaza (right) on their engagement.
PHOTO/S: Courtesy: @kuyakim_atienza / @lizzzuy on Instagram

“We are all sinners.”

Ito ang sagot ng TV personality na si Kim Atienza sa isang netizen na kumondena sa pagsuporta niya umano sa “pangangaliwa.”

Ang tinutukoy ng netizen ay ang engagement ng celebrity stylist na si Liz Uy sa partner nitong si Raymond Racaza.

Si Raymond ay isang businessman, co-founder, at CEO ng kumpanyang may kinalaman sa mobile consumer content.

Nitong nakaraang October 27, inanunsiyo ni Liz sa Instagram ang engagement nila ni Raymond.

Continue reading below ↓

Isa sa bumati sa kanila sa comments section ay si Kim.

Mensahe niya sa post ni Liz: “love you both.”

Ini-screenshot ng netizen ang reply ni Kim at nilakip sa kanyang tweet kahapon, October 29.

Matapos nito'y kinastigo ng netizen ang pagsuporta ni Kim sa engagement nina Liz at Raymond.

Continue reading below ↓

Saad ng netizen: “Wtf kuya kim??? @kuyakim_atienza Really??? You support infidelity???

“Why on earth people supporting Liz Uy and RaymondRacaza on this bullshit huhuhuhu poor Nala“

Sinamahan niya rin ito ng larawan ni Kim at ng asawa nitong si Felicia Atienza, kasama si Raymond at ang dating asawa nitong si Dr. Geraldine “Ging” Racaza at kanilang mga anak.


Continue reading below ↓

“I DON’T SUPPORT ADULTERY”

Kaagad naman itong sinagot ni Kim.

Ayon sa TV Patrol weather anchor, hindi niya sinusuportahan ang pangangaliwa o ang pagtataksil ng isang tao sa kanyang kapartner.

Mahal lang daw niya ang dalawa.

Giit pa niya, lahat naman daw tayo ay makasalanan.

Buong sagot ni Kim, “Ohh i don't support adultery but I love @lizzzuy and Raymond.

“I even love you. We are all sinners.”

Continue reading below ↓

LIZ-RAYMOND RELATIONSHIP

Ikinagulat ng publiko ang mga ulat ng relasyon nina Liz at Raymond noong March 2018.

Kasabay kasi nito ay mainit ding pinag-uusapan noon ang diumano’y hiwalayan ni Dr. Ging sa asawang si Raymond.

Sinabi ng celebrity stylist sa panayam ng The Philippine Star na “annulled” na ang kasal ni Raymond kay Dr. Ging noong February 2017 pa.

Lumipas ang limang buwan, noong August 2018, kinumpirma ni Liz ang tungkol sa relasyon nila ni Raymond at pagkakaroon nila ng 11-month-old na anak.

Pero ayon sa kaibigan ni Dr. Ging na si Quezon City First District Councilor Dorothy "Doray" Delarmente, January 2018 lamang inaprubahan ng huwes ang annulment ng kaibigan at ni Raymond.

Pahayag ni Councilor Doray sa Facebook noong August 2018: “I felt your pain when he filed the annulment, and during the first court hearing last MAY 2017, and even more pain when the judge signed the petition last JANUARY 2018.

Continue reading below ↓

"I felt your pain after your court hearing. You were very anxious and sad.

"I remember you telling me that when you took the stand for the annulment, detailing your private life to complete strangers, it was a very harrowing experience for you.

"You broke down. A person as nice as you do not deserve that kind of experience. You and you daughter do not deserve that!”

Makalipas ang halos isang taon, nagkaroon ng bagong partner si Dr. Ging, si Dr. Sonny Abrahan, isang cardiologist.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza (left) congratulates friends Liz Uy (center) and Raymond Racaza (right) on their engagement.
PHOTO/S: Courtesy: @kuyakim_atienza / @lizzzuy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results