Liz Uy on past relationship with John Lloyd Cruz: "True love naman iyon. Hindi naman iyon dyinowa lang."

Oct 31, 2020
Stylist Liz Uy (left) says of actor John Lloyd Cruz (right): “John Lloyd was the great love of my life, and I will always love him.” Of her, he once said: "Malaking part ng buhay ko ang na-expose sa kanya...Malaking part ng puso ko nakita niya, na-experience niya." The two started dating in 2006, with their relationship lasting two to three years.
PHOTO/S: @lizzzuy on Instagram / John Lloyd photo from Instagram

True love at hindi dyinowa lang.

Ganito inilarawan ni Liz Uy ang naging relasyon niya kay John Lloyd Cruz.

Sa isang recent interview, sinabi ni Liz kung gaano kaespesyal ang pagmamahalan nila noon ng dramatic actor.

Si Liz ay kilalang fashion stylist ng mga artista at dating fashion editor ng Preview magazine.

Nagsimula silang mag-date ni John Lloyd noong 2006, at nagtagal ang kanilang relasyon ng tinatayang dalawa o tatlong taon.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Liz at John Lloyd, vocal ang dalawa sa kani-kanilang interviews kung gaano kaespesyal ang nakaraan nila.

LIZ UY ON PAST ROMANCE WITH JOHN LLOYD

Noong October 26, na-interview ni G3 San Diego, former ABS-CBN entertainment writer, si Liz via YouTube Live.

Dito, pinag-usapan kung paano naging pioneer si Liz para mabuksan ang pinto para sa fellow stylists na maging kliyente ang mga artista.

Si Liz ay naging stylist ng mga bigating artista, kabilang sina Kris Aquino, Anne Curtis, Bea Alonzo, Maine Mendoza, at Marian Rivera.

Continue reading below ↓

Biniro ni G3 ni Liz na nakatawid siya mula sa fashion industry patungong entertainment industry dahil “dyinowa” niya si John Lloyd.

“Baka din. Baka din naman. Nakatulong din 'yon,” pabirong sagot ni Liz.

Pero diin ng stylist, “Pero true love naman iyon. Hindi naman iyon dyinowa lang.”

Inusisa si Liz kung ilang taon ang itinagal ng relasyon nila ng aktor.

“Sabi ko two, sabi niya three. So, hindi ko na rin maalala.”

Biniro si Liz na talagang naging espesyal siya kay John Lloyd, dahil mas matagal para sa aktor ang kanilang relasyon.

Pabirong hirit ni Liz, “Yeah, I think longer. Char!”

Bakit ba sila naghiwalay?

“I think differences, siyempre. ‘Cause we were young.”

JOHN LLOYD-LIZ RELATIONSHIP

Sa isang interview noong August 2009, natanong si John Lloyd tungkol sa pananatili nilang magkaibigan ni Liz sa kabila ng kanilang breakup.

Dito rin tinuran ng aktor kung gaano kalaki ang naging impluwensiya ni Liz sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓

"Malaki, malalim [ang pinagsamahan]... Malaking part ng buhay ko ang na-expose sa kanya.

"Malaking part ng puso ko nakita niya, na-experience niya," sabi noon ng Kapamilya actor.

Hindi rin naman ikinaila ni Liz na naging malaking bahagi ng kanyang buhay si John Lloyd.

“John Lloyd was the great love of my life, and I will always love him,” sabi ng stylist sa kanyang interview sa Cosmopolitan Magazine noong November 2011.

“But we had issues, because we were so young,” giit niya tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Pareho nang may kanya-kanyang anak ngayon sina John Lloyd at Liz, pero magkaiba ang estado ng kanilang buhay pag-ibig.

Nito lamang October 27, inanunsiyo ni Liz na engaged na siya sa kanyang partner na si Raymond Racaza, isang businessman. Mayroon silang three-year-old son, si Xavi.

Si John Lloyd naman ay may two-year-old son, si Elias Modesto, sa dating live-in partner niyang si Ellen Adarna.

Unang napaulat ang paghihiwalay nina John Lloyd at Ellen noong August 2019. Dalawang taon ang itinagal ng kanilang pagsasama.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay wala pang napapaulat na bagong karelasyon si John Lloyd.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stylist Liz Uy (left) says of actor John Lloyd Cruz (right): “John Lloyd was the great love of my life, and I will always love him.” Of her, he once said: "Malaking part ng buhay ko ang na-expose sa kanya...Malaking part ng puso ko nakita niya, na-experience niya." The two started dating in 2006, with their relationship lasting two to three years.
PHOTO/S: @lizzzuy on Instagram / John Lloyd photo from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results