Cheryl Alonzo Tyndall breaks silence on feud with daughter Sarah Wurtzbach

by THE PEP STAFF
Nov 1, 2020
Cheryl Alonzo Tyndall (left, with husband Nigel) on daughter Sarah Wurtzbach (right): "I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that. I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal."
PHOTO/S: Cheryl Tyndall's vlog / @sarahwurtzbach on Instagram

Binasag na ni Cheryl Alonzo Tyndall ang kanyang katahimikan kaugnay ng mga akusasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach.

Si Cheryl ang ina ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na nagkaroon ng isyu sa nakababatang kapatid na si Sarah nito lang Oktubre.

Nagkaayos na sina Pia at Sarah, subalit patuloy pa rin ang tirada ni Sarah laban sa ina.

Sa katunayan, sa Instagram Stories Q&A ni Sarah noong October 30 ay patuloy ang mga alegasyon niya laban sa ina.

Isa sa mga tanong ay kung “hate” niya ang ina at kung kailan ito nagsimula.

Matindi at seryoso ang mga alegasyon ni Sarah laban sa sariling ina.

Sagot ni Sarah: “She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it. Next.”

Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Mayroon ding nagtanong kung napatawad na niya ang kanyang ina sa mga nagawa nito.

Sabi lang ni Sarah, “Nope. She hasn’t approached me for six months since she told me I deserved it. Siya pa yung lumayo LOL.

“FYI, she lives like 10 min drive away from me and has the keys to my house.”

Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Umaga ng November 1, sumagot naman si Cheryl.

Sa pamamagitan ng vlog na “SAGOT NAMIN SA MGA AKUSASYON!!!”, kasama ang kanyang husband na si Nigel Tyndall, ikinuwento ni Cheryl ang pinanggagalingan ng mga birada ni Sarah laban sa kanya.

Sa umpisa ng video, si Nigel muna ang nagsalita.

Siya raw ay “almost angry, very angry” kay Sarah sa mga salita nito sa ina pagkatapos ng lahat ng nagawa nila para rito.

Sa viewers lang din daw ng vlog nila nalaman ang mga post ni Sarah dahil “blocked” sila sa social media nito.

Patuloy ni Nigel, “It took a lot of times to think back over years of all the wrongs and bad things that [were] done to us, and Cheryl, after we helped her.”

Sina Pia at Sarah ay mga anak ni Cheryl sa kanyang unang asawa, ang German na si Uwe Wurtzbach, na yumao noong 2014.

SINGLE MOM RAISING TWO DAUGHTERS

Pagkatapos ng maikling panimula ni Nigel, tinapik nito sa likod si Cheryl para umpisahan ang kanyang salaysay.

Continue reading below ↓

Umikot ang kuwento ni Cheryl noong mga panahong sa Pasig City pa sila nakatira nina Pia at Sarah.

Hindi binanggit ni Cheryl kung anong taon ito nangyari, pero sa tanda niya ay ten years old si Sarah noong mga panahong iyon.

Ayon kay Cheryl, “nakakapuslit” sa gabi si Sarah para sumama sa mga kabarkada niyang mga babae rin.

Sabi niya, “As a single mom po, napakahirap alagaan ng dalawang batang babae na mestiza. Talagang binabantayan ko po ang mga anak ko.

“Kasi po, alam niyo, after six years na wala kaming anak ng aking first husband dahil ayaw naman niyang magkaanak, talagang pinilit kong magkaanak.”

Hindi man binanggit ni Sarah ang mga eksaktong akusasyon ni Sarah, pero dinepensahan nito ang sarili at nakiusap sa publiko na huwag siyang husgahan.

“Gagawin ko ba naman 'yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina.

Continue reading below ↓

“Huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak.”

Balik sa kanyang kuwento, may ilang beses daw na gabi na ay hindi pa umuuwi si Sarah kaya hahanapin ito nina Cheryl at Pia.

Patuloy niya, “Dahil sa mga barkada sa labas, naaya si Sarah na lumabas-labas, makipaglaro.

“Nandoon na iyong puntong hahanapin namin siya, kaming dalawa ni Pia, maghahanap doon sa bahay-bahay, tatawagin namin ang pangalan niya, ‘Sarah, Sarah, Sarah!’

“Gabi na po yun, yung mga kapitbahay po, nakatingin sa aming ganoon, nakasilip na ganoon.

"Gabi, mga alas diyes ng gabi, wala pa po si Sarah. Pupunta kami doon sa dulo, wala din.

“Hanggang sa umuwi na lang kami, uuwi na lang po kami ni Pia na kabang-kaba ako. Maya-maya po, dadating po si Sarah… sabi ko, ‘Saan ka galing?’”

Tumahimik ng ilang sandali si Cheryl at saka itinuloy ang kuwento.

Ayon kay Cheryl, itinago niya ang cellphone ni Sarah. Baka raw “nagrebelde” ang anak dahil sa pagkakakumpiska ng cellphone nito.

Continue reading below ↓

“Kasi doon siya nakikipag-text sa mga kaibigan niya sa labas. Mga babae naman po pero mas matanda sa kanya,” ani Cheryl.

“BANTAYAN MO 'YANG SI SARAH.”

Pagkatapos daw nito, may isang “concerned na neighbor” na lumapit kay Cheryl at nagbigay ng babala tungkol sa kanyang anak.

Sabi raw ng kapitbahay ni Cheryl sa kanya, “Ate, bantayan mo iyang si Sarah kasi dina-drugs iyan doon sa dulo. Baka kung ano na nangyayari sa anak mo, bantayan mo.”

Kinumpronta raw agad ni Cheryl ang anak.

Pagbabalik-tanaw niya, “’Sarah, halika nga dito,’ sabi ko. Tinawag ko si Sarah.

“'Sarah, ano iyong sinasabi ni Tito… iyong kapitbahay natin?’ Wala. Deny nang deny.

“’Tapos, sabi ng kapitbahay namin, ‘Sarah, umamin ka, umamin ka.’

“Ako naman, parang nalilito, nagagalit ako, pinapaamin niya iyong anak ko sa harap ko. Ayaw naman talaga umamin, maiyak-iyak yung bata.

“Ang ginawa ko, nagpa-meeting ako sa subdivision. Sumasagap ng balita doon sa mga taong nakakaalam kung talaga bang totoo ang sinasabi nitong aming kapitbahay na nakatira na medyo malayo doon.”

Continue reading below ↓

Natuloy ang pa-meeting ni Cheryl sa kanilang subdivision, subalit hindi pa rin daw nagsalita at umamin si Sarah kaya nauwi ang pag-uusap sa barangay.

Patuloy ni Cheryl, “So, nagpa-barangay na ako para magharap-harap kami doon noong kapitbahay, ako, iyong barangay captain, si Sarah, si Pia.

“Noong mga ten years old po iyon [si Sarah], ganoong edad.

“E, di pinapaamin si Sarah kung totoo iyon. ‘Bakit, dina-drugs ka ba doon? Umamin ka, Sarah. Umamin ka.’

“E, nakikita ko, iyong kapitbahay namin, parang pinandidilatan niya si Sarah. ‘Umamin ka na, umamin ka.’ Mga ganun.

“So, parang nagagalit ako, ‘Bakit pine-pressure niyo iyong anak ko? Kung hindi naman talaga totoo, aamin naman 'yan, iiyak sa akin 'yan, magsusumbong sa akin 'yan.’”

Sa ilang beses daw na nag-hearing sa barangay, walang inamin si Sarah kaya isinara ang kaso.

TRANSFER TO U.K. AND LETTER FROM THE PRINCIPAL

Tumawid ang kuwento ni Cheryl noong panahong sa United Kingdom na siya naka-base kasama sina Pia at Sarah.

Continue reading below ↓

Kinakasama na rin ni Cheryl noon si Nigel, at sa flat nito sila nakatira.

Ito raw ay noong panahong nagtatrabaho pa si Cheryl bilang caregiver, at hinahatid si Sarah papasok ng eskuwelahan.

Si Pia naman ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang hotel.

Kalaunan ay lumipat sila sa mas malaking flat, kung saan nakatira ngayon sina Cheryl at Nigel.

Isang taon daw pagkatapos nilang makalipat sa flat, nakatanggap si Cheryl ng sulat mula sa principal ng eskuwelahan ni Sarah.

Ang laman ng sulat, base sa kuwento ni Cheryl, “Ano ba daw iyong sinasabi ni Sarah na kumakalat na mayroong abuse na nangyayari sa kanya? Nangyari o nangyayari.

“E, di ako po, litong-lito. 'Ano ito, anong sulat ito? Sarah, what is this?'

“So, ang ginawa ko po, nag-absent ako one day para pumunta po doon sa school para kausapin iyong principal kung ano ang nangyayari.

“Sabi po ng principal, ‘Sarah has a problem, she’s talking to other classmate and to some mothers about what happened to her in Philippines.’

Continue reading below ↓

“I said, ‘What?’ I was really really shocked. Na-shock po talaga ako noong kinakausap akong ganoon.

“So, sa pag-uusap naming ganoon, 'I don’t know anything about it, we are already here in the U.K. for three years and she never [told] me anything about it.'

"Kasi daw, nangyari po raw doon sa Philippines.”

Naiyak na lang daw si Cheryl sa mga nalaman niya. Sabi pa niya, para siyang “binuhusan ng malamig na tubig.”

Nang pabalik daw sina Cheryl at Sarah sa kanilang bahay ay nagsimula silang mag-iyakan ng anak.

Sunud-sunod na tanong ni Cheryl: “Sarah, ano nangyari sa ‘yo? Bakit sa kanila mo sinasabi, bakit hindi sa akin? Bakit mo inilihim na halos tatlong taon na tayo dito, hindi mo sinasabi sa akin, sa ibang tao mo sinasabi? Ano nangyari sa ‘yo? Sino gumawa sa ‘yo?”

Umiling-iling lang daw si Sarah.

Sa puntong ito ay parang maiiyak na si Cheryl habang inaalala ang mga pangyayari.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Nagsabi ako ng mga pangalan na na-encounter namin sa buhay namin doon. Hindi daw, hindi daw, hindi daw.”

Dito ay naiyak na si Cheryl at inalala kung paano niya tinanong si Sarah.

“Sabi ko, ‘Sino? Sino? Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin? Nandito tayo sa U.K., paano kita mapapagtanggol? Anong gagawin natin ngayon?’

“Halos itabi ko siya sa pagtulog ko, kung paano gagawin ko na may problema pala siya.

"Alam niyo, ang sakit-sakit sa akin noon."

Kaya lang, hindi rin naman daw sinabi ni Sarah kung sino ang nang-abuso sa kanya.

Ang sabi lang daw niya sa anak noon, “Kung alam mo lang, kung nasa Philippines lang tayo, talagang dadanak ang dugo. Hindi ko papayagan na ganunin ka.

“Alam mo bang pinagtanggol kita doon sa barangay, ayaw mong umamin?

“Ano? ‘Tapos may ganyan palang nangyari pa. Sino iyon? Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Bakit sa ibang tao?”

Continue reading below ↓

Dahil hindi naman nagsalita si Sarah tungkol dito, napagdesisyunan daw nilang mag-move on.

Paliwanag ni Cheryl, “Wala kaming magagawa. Pupunta ba kami doon? Sino ang hahanapin namin? Sino ang kakalabanin namin?

"Ayaw naman niya magsalita. Takot yata. Baka tinakot."

BULLIED IN SCHOOL

Nagpatuloy ang buhay para kina Cheryl at Sarah.

Patuloy rin daw ang suportang ibinigay ng mag-asawang Cheryl at Nigel sa pag-aaral ni Sarah.

Saad ni Cheryl, “Pinabayaan ko siyang gawin niya ang gusto niya, sinuportahan namin siya. We supported her from the start.

"If she wants to go to work, we bring her there. Kapag may sweldo ako, may mga allowance naman sila, binibigyan ko.

“After high school, nagtrabaho na siya.

"Matalino po si Sarah. Magaling sa Math, she’s a smart girl. She always has grade A in her cards."

Kaya lang, na-bully raw si Sarah noon sa eskuwelahan. Hindi raw alam ni Cheryl kung bakit.

Pag-alala niya, “She was bullied many times, and we went there in the school and we fight there. But you cannot just fight the parents and the children that bullied her.”

Continue reading below ↓

Pumunta pa raw si Nigel sa school para kausapin ang isang lalaking nambu-bully kay Sarah. At sa pagkakaalam nila, pagkatapos ng pag-uusap ay hindi na raw nilapitan ng bully si Sarah.

Patuloy naman ni Cheryl, “And then, after graduation, she got to work. Everything’s okay. I think she moved on already.

“She had different relationships that we just support. We support her relationship because she’s still exploring.”

SARAH GOING THROUGH POSTPARTUM

Sa ngayon, ito daw ang maibabahagi ni Cheryl tungkol sa pinagdadaanan nila ni Sarah.

Naniniwala rin daw si Cheryl na mahal pa rin siya ni Sarah, at marahil ay dumadaan sa postpartum depression ang anak.

October 2018 nang isilang ni Sarah si Logan, ang pangalawa niyang anak sa asawang si Charlie Manze.

Aniya, “I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that.

"I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal.

Continue reading below ↓

“Kasi po, nag-postpartum din ako pero hindi naman ako ganun kaano.

“Iyon lang po ang masasabi namin sa ngayon. Marami pong taong mapanamantala. Biktima rin po ako.

"Kaya ayun lang po. Mahal ko ang mga anak ko."

Nagpasalamat din si Cheryl kay Nigel. Kung hindi raw dahil sa asawa, hindi niya maaalis sina Pia at Sarah sa dati nilang tinitirhan, kung saan ilang beses silang naging biktima ng paninilip.

May pagkakataon pa raw na minura at vinideohan ni Cheryl ang namboboso. Nanghingi rin daw siya ng tulong sa guwardiya para sa surveillance, subalit walang nangyari.

Dagdag pa niya, “Nakakatakot po na malayo sa pamilya. Nasa Iligan kasi iyong aming parents and mga kapatid ko, kaya wala pong magtanggol sa amin, wala pong magbantay sa amin.

“Ako lang ang nagbabantay sa mga anak ko. Ganun talaga, e. Buti hindi kami napatay doon.”

Hindi rin daw nag-vlog nang matagal sina Cheryl at Nigel dahil napagpasyahan nilang manahimik muna pagkatapos ng mga pangyayari.

Continue reading below ↓

Subalit ngayon daw ay muli na silang magpu-post dahil nalilibang silang mag-vlog.

SARAH POSTS E-MAIL OF MOTHER

Tanghali ng October 31, Sabado, bago ma-upload ang vlog ni Cheryl, nagpakawala muli si Sarah ng ilang Instagram posts tungkol sa isyu.

Sabi niya sa unang post, “Madami daw akong pasabog for ‘attention.’ But am I lying though?”

Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Ang sumunod na post ni Sarah ay tila patungkol sa sinabi raw ng kanyang inang “deserve” niyang maabuso, at paano raw kaya kung siya mismo ay magsabi nun sa sariling anak.

“Now imagine if I said that to a 10 year old LARA.

“You digusting human being, how f*****g dare you.”

Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Sarah Wurtzbach

Pagkatapos nito ay nag-post si Sarah ng isang screenshot ng e-mail umano ni Cheryl sa kanya noong May 13, 2020:

Sarah Wurtzbach

Continue reading below ↓

Sa huling panayam ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Instagram direct messaging noong October 14, sinabi nitong ang pain na pinagdadaanan niya ay dahil sa kanyang “narcissistic mother.”

Aniya, “I’ve been dealing with her for many many years, since young. I have had many troubles in my life that she had caused and in return, had a massive impact in my life.

"I’ve tried to move on from my past, but her constant narcissistic behavior is not allowing me to move forward. I need her to stop and let me be happy in peace.

“Walang anak ang matutuwa or magpapakumbaba kung ang mismong nanay mo sasabihan ka ng ‘ginusto mong magahasa kasi bata ka palang, baliw [ka na]’ tapos hindi ka kikibuan ng limang buwan.”

“Sa social media pa nya gustong makipagayos. Narcissists should not be tolerated. So I’m speaking now.”

Sa ngayon ay wala pang bagong post si Sarah tungkol sa kanyang ina.

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng taong nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cheryl Alonzo Tyndall (left, with husband Nigel) on daughter Sarah Wurtzbach (right): "I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that. I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal."
PHOTO/S: Cheryl Tyndall's vlog / @sarahwurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results