Julia Montes greets Coco Martin on his birthday through Instagram post

by James Patrick Anarcon
Nov 1, 2020
Julia Montes posts solo picture of a happy Coco Martin on his birthday. Coco celebrates his 39th birthday today, November 1.
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram

Isang solo picture ni Coco Martin ang ipinost ni Julia Montes ngayong Linggo, November 1.

Ito ang nagsilbing birthday greeting ni Julia para kay Coco, na nagse-celebrate ng kanyang 39th birthday ngayong araw.

Sa post ni Julia, makikitang masayang-masaya si Coco habang nakasakay sa bangka at hawak-hawak ang tila nahuli niyang isda.

Ang caption lang ni Julia ay tatlong emojis: gift emoji, heart emoji, at birthday cake emoji.

Ilang celebrities din ang bumati kay Coco sa comments section ng post ni Julia, tulad nina Lorna Tolentino, Iza Calzado, Melissa Ricks, Dominic Roque, Shaira Diaz, at Vina Morales.

Nag-comment naman ng heart emojis sina Dimples Romana at Isabel Oli sa post ni Julia.

Kaunti lang ang comments sa post ni Julia dahil limited daw ang taong pwedeng mag-comment sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Consistent si Julia sa pagpu-post ng tungkol kay Coco sa kanyang Instagram.

Isa si Julia sa nag-post tungkol sa pagbabalik ng Ang Probinsyano sa TV noong June 2020.

Isa rin siya sa mga sumuporta sa pelikula ni Coco sa Metro Manila Film Festival, ang 3pol Trobol, noong December 2019.

Matagal na ang bulung-bulungang may namamagitan kina Julia at Coco mula nang magkatrabaho sila noong 2012 sa teleseryeng Walang Hanggan.

Noong April 2019, pumutok ang balita dito sa PEP na nanganak na si Julia, na kinumpirma ng showbiz insiders.

Sinabi rin ng PEP na, ayon sa insiders, si Coco ang tatay ng anak ni Julia.

Subalit hanggang ngayon, hindi pa nagsasalita sina Julia at Coco tungkol dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes posts solo picture of a happy Coco Martin on his birthday. Coco celebrates his 39th birthday today, November 1.
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results