Hollywood actors Mark Ruffalo, Russell Crowe pray for Filipinos’ safety; Agot Isidro replies to Mark on where to send donations

by Jet Hitosis
Nov 2, 2020
Mark Ruffalo, Agot Isidro, Russell Crowe
Singer-actress Agot Isidro (center) responds to Hollywood actor Mark Ruffalo's (left) tweet asking his Instagram followers for prayers and donations for Filipinos amid super typhoon Rolly's onslaught on Sunday, November 1. Another Hollywood actor, Russell Crowe (right), tweets: "Thinking of the people of The Philippines and wishing for everybody’s safety."
PHOTO/S: @markruffalo, @russellcrowe on Instagram, PEP file

Sinagot ni Agot Isidro ang apela ng Hollywood actor na si Mark Ruffalo sa fans na magdasal at mag-donate para sa Pilipinas kaugnay ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.

Sinalanta ng Rolly (international name Goni) ang Bicol at Calabarzon regions nitong Linggo, November 1.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo sa Albay, Catanduanes, at Camarines Sur nitong Linggo ng umaga, nag-tweet ang 52-year-old American actor na si Mark.

Isa ring aktibong climate change advocate si Mark, na sumikat sa pagganap bilang Incredible Hulk sa Avengers movies.

Nanawagan si Mark sa kanyang 6.9 million Twitter followers na ipagdasal ang mga Pilipino.

Hinimok din niya ang kanyang fans na magbigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Tweet ni Mark: “Pray for our brothers and sisters in the Philippines then get ready to send donations.”

Mayroong mahigit 20,000 retweets ang post na ito ni Mark na lampas 100,000 din ang likes.

Continue reading below ↓

AGOT RESPONDS TO MARK’S TWEET

Libu-libong Pilipino ang nag-reply sa tweet ni Mark.

Karamihan sa kanila ay nagpasalamat sa ipinakitang malasakit sa Pilipinas ng sikat na Hollywood actor.

Kabilang sa mga nag-reply kay Mark ang 54-year-old actress-singer na si Agot Isidro.

Nagpasalamat si Agot kay Mark, at nag-suggest kung saan maaaring ibigay ng Hollywood actor ang makakalap nitong “donations” para sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Tinag ni Agot si Vice President Leni Robredo sa kanyang tweet sa Avengers star.

Sabi ni Agot kay Mark: “Please send donations to the Office of Vice President @lenirobredo Thank you!”

Si Agot ay kilalang masugid na tagasuporta ng Bise Presidente at matinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

DUTERTE DISAPPOINTS TWITTER USERS

Ang tweet ni Agot ay may kaugnayan sa himutok ng maraming netizens na nag-uusisa kung bakit wala si Duterte nitong Linggo, sa mahalagang press briefing ng mga ahensiya ng gobyerno.

Continue reading below ↓

Layunin ng briefing na idetalye kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga sinalanta ni Rolly.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, umuwi sa Davao City ang Presidente nitong weekend.

Sa Martes, November 3, pa raw babalik sa Malacañang ang Pangulo, ayon kay Roque.

Dahil dito, nag-trend sa Twitter ang #NasaanAngPangulo nitong Linggo.

Bandang hapon ngayong Lunes, November 2, mula sa Davao City ay dumiretso si Duterte sa Albay para kumustahin ang mga sinalanta ng bagyo.

Nagsagawa rin ng aerial inspection ang Pangulo sa Bicol at Southern Luzon para personal na makita ang malawakang pinsalang idinulot ng super typhoon Rolly.

RUSSELL IS “THINKING OF THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES”

Samantala, bukod kay Mark, nag-tweet din para sa mga Pilipino ang isa pang Hollywood actor na si Russell Crowe nitong Linggo.

Ramdam sa tweet ng 56-year-old Gladiator actor ang pag-asam na sana ay hindi mapuruhan ang Pilipinas sa “Extraordinary wind speeds” na dala ng “Super Typhoon Goni.”

Continue reading below ↓

Hiling ni Russell, sana ay ligtas ang mga Pilipino laban sa hagupit ng matinding kalamidad na ito.

“Thinking of the people of The Philippines and wishing for everybody’s safety,” bahagi ng tweet ng Australian actor sa kanyang 2.7 million followers.

ROLLY KILLS 16, AFFECTS OVER 2M PEOPLE

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) ngayong Lunes ng hapon, 16 katao ang kumpirmadong nasawi sa bagyo at press time.

Continue reading below ↓

Ang mga nasawi ay naitala sa iba’t ibang bayan sa Albay at Catanduanes.

Pinangangambahang tataas pa ang bilang na ito, ayon sa local authorities.

Ito ay matapos iulat ni AKO Bicol Party-list Representative Zaldy Co, sa isang Facebook post nitong Linggo, na maraming tao ang pinaniniwalaang nabaon nang buhay sa bayan ng Guinobatan sa Albay.

Ayon kay Co, aabot sa 300 bahay ang natabunan ng lahar at boulders—o naglalakihang bato—na dumausdos mula sa Bulkang Mayon sa kasagsagan ng malakas na ulan na dulot ng Rolly.

Ang nabanggit na mga bahay ay matatagpuan sa Purok 6 at 7 sa Barangay San Francisco sa bayan ng Guinobatan, sabi ni Co.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa OCD, nasa 372,653 pamilya o 2,068,085 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo sa Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).

Ang Rolly ang pinakamalakas na bagyong nag-landfall sa mundo, kasunod ng super typhoon Yolanda (international name Haiyan) noong 2013, ayon sa The Weather Channel (weather.com).

Parehong may lakas na 195 miles per hour (mph), kaya nasa Category 5 bilang super typhoon, ang Goni at Yolanda nang tumama ang mga ito sa lupa—at parehong sa Pilipinas nanalasa.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Agot Isidro (center) responds to Hollywood actor Mark Ruffalo's (left) tweet asking his Instagram followers for prayers and donations for Filipinos amid super typhoon Rolly's onslaught on Sunday, November 1. Another Hollywood actor, Russell Crowe (right), tweets: "Thinking of the people of The Philippines and wishing for everybody’s safety."
PHOTO/S: @markruffalo, @russellcrowe on Instagram, PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results