Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo confirms six-year relationship with a nurse

by Arniel C. Serato
Nov 3, 2020
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on non-showbiz boyfriend Neil Salvacion: "He’s my first boyfriend... We’ve been together since college. I can make a man stay!”
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo on Instagram / Bombo Radyo Iloilo on Facebook

Anim na taon na ang relasyon sa pagitan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at sa nurse na si Neil Salvacion.

Sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News ilang araw matapos siyang koronahan, sinabi ni Rabiya na si Neil ang kauna-unahan niyang boyfriend.

Continue reading below ↓

Saad ng 24-year old beauty queen, “We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend... We’ve been together since college."

Dagdag pa ni Rabiya, “I can make a man stay!”

Very supportive daw ang kanyang boyfriend sa kanyang pangarap maging Miss Universe Philippines.

Bago siya lumaban sa national pageant, nagkaroon daw sila ng sumpaan na kahit makuha niya ang korona ay hindi niya iiwan ang nobyo.

Nakangiting kuwento ni Rabiya, “He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown.

“I have a video stating that! He made me do that.”

At nakuha nga ni Rabiya ang korona.

Kinoronahan si Rabiya bilang kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 noong October 25.

“EVEN BEFORE THAT FAME, I HAD HIM ALREADY”

Sa hiwalay na panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rabiya kahapon, November 2, sinabi ng Ilongga beauty queen na ang kanyang boyfriend ay mula sa Sta. Barbara, Iloilo.

Continue reading below ↓

Malaki raw ang pasasalamat niya kay Neil na iniintindi nito ang pagiging busy ng kanyang schedule mula nang tanghaling Miss Universe Philippines 2020.

Dagdag pa niya, isa si Neil sa nagbigay ng suwerte sa kanyang buhay.

Kuwento niya sa salitang Ilonggo, “May ara na ko migo. hahaha. 6 years na po.

“Buenas man ako sa iya. Actually proud gid siya ya noh.

“Pero gina-intindi ya gid ko subong. Like the busy schedule.

“Gina-intindi ya nga wala na ko masyado time para sa iya.

"Ang kailangan lang gid namon ni-remind nga even before the fame, I had him already.”

Ayon pa kay Rabiya, hindi siya tutulad sa iba na kapag nanalo ng korona ay iiwan na ang karelasyon nito.

Saad niya, “Damo gahambal nga ang iban mabreak man na after having the crown.

“But we will make sure to work things out. If it's true love, it will never end.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on non-showbiz boyfriend Neil Salvacion: "He’s my first boyfriend... We’ve been together since college. I can make a man stay!”
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo on Instagram / Bombo Radyo Iloilo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results