Pia Wurtzbach speaks up about feud between mom Cheryl and sister Sarah

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2020
Pia Wurtzbach (left) on issue between her sister Sarah Wurtzbach (center) and their mother Cheryl Alonzo Tyndall (right): “We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming."
PHOTO/S: Instagram

Binasag na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pananahimik tungkol sa hidwaan at palitan ng masasakit na salita ng kanyang ina na si Cheryl Alonzo Tandall at kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Lunes ng gabi, November 2, umapela si Pia na maging responsable ang netizens sa kanilang mga komento tungkol sa kapatid.

Hiniling din niyang ipagdasal ang kanilang pamilya para matagpuan ang lunas sa pagsubok na pinagdaraaan nila.

Kalakip ng mensahe ni Pia ang larawan nila ng kanyang ina at kapatid, at mga pamangkin kay Sarah.

Narito ang buong mensahe ng former Miss Universe:

“I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online.

“This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.

Continue reading below ↓

We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.

“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon.

"Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.

“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing.

"Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po."

Continue reading below ↓

SHE SAID, SHE SAID

Taliwas sa pahayag ni Pia na sinusubukan nilang ayusin nang pribado ang gusot sa kanilang pamilya, tila lalong naging maselan ang hidwaan ng ina at kapatid niya dahil sa paglalabas ng mga ito ng pahayag sa social media.

Sa kanyang Q&A session sa Instagram Stories noong October 30, inakusahan ni Sarah ang sariling ina ng tila pagbebenta sa kanya noong bata pa siya. Na-"gang raped" din umano siya.

Sabi ni Sarah: "She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it. Next."


Continue reading below ↓

Kahapon, November 1, naglabas ng vlog si Cheryl, kasama ang kanyang asawang si Nigel Tyndall, upang sagutin ang mabigat na paratang sa kanya ni Sarah.

Dito ay isiniwalat ni Cheryl na naging biktima ng pang-aabuso si Sarah noong sampung taong gulang pa lamang ito. Pero hindi raw sinabi ni Sarah kung sino ang taong umabuso sa kanya noong sa Pilipinas pa sila nakatira,

Ayon kay Cheryl, maaaring may kinalaman ang postpartum blues sa inaasal ni Sarah dahil sa pagsisilang nito ng pangalawang anak noong October 2018.

Sabi ng ina nina Pia at Sarah, "I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me.I still believe that.

"I always think maybe its postpartum.I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach (left) on issue between her sister Sarah Wurtzbach (center) and their mother Cheryl Alonzo Tyndall (right): “We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results