Michele Gumabao reveals this about Miss Universe Philippines 2020 issue: “I heard things that I wasn’t supposed to hear.”

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2020
Michele Gumabao breaks silence on Miss Universe Philippines 2020 issue: “I was heartbroken. I was devastated, and I wanted to go home.”
PHOTO/S: YouTube (MG TV)

Nagsalita na si Michele Gumabao hinggil sa isyung kinasasangkutan niya sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Sa isang halos 25-minute YouTube video na ipinost niya gabi ng Lunes, November 2, nagdetalye si Michele tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya,

Ang Miss Universe Philippines 2020 grand coronation ay ginanap sa Baguio Country Club sa Baguio City.

Pre-taped ang grand coronation na inere noong October 25, at ang plano ay malalaman lamang ang resulta ng pageant kapag pinanood nang buo ang programa.

Si Michele ang kinatawan ng Quezon City at hinirang bilang second runner-up.

Ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020 ay si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

Pinag-usapan si Michele dahil hindi siya sumipot sa press conference para sa winners.

Inakusahan siyang bitter at hindi tanggap ang pagkatalo.

MICHELE AND WHAT SHE HEARD

Sa kanyang YouTube video, sinabi ni Michele na nagdesisyon siyang magsalita hindi para atakihin o saktan ang sinuman.

Continue reading below ↓

“I just want to share the truth, and I wanna share my story because I know that this will be the only way to for me to look back in all these and happily move on.”

Mahaba ang pasimula ni Michele tungkol sa mga ginawa niyang preparasyon bago dumating ang mga linggo ng major events ng pageant patungong grand coronation night.

Ang buod ng sinabi ni Michele, hindi niya na-realize na na-overwhelm siya sa dami ng kanyang ginagawa nitong mga nakalipas na buwan.

Nang simulan na ang preliminary activities, matindi raw ang pressure sa kanilang mga kandidata.

Sabi pa niya, may mga naging aberya, gaya ng nade-delay na activities, at tuloy-tuloy na nag-build up ang kanyang “anxiety, pressure, exhaustion.”

Ang grand coronation ay pre-taped mula October 23 at umabot ng madaling-araw ng October 24.

Pagkatapos daw mag-tape, nagtipon-tipon ang mga kandidata at nakipag-bonding si Michele.

Hindi binanggit ni Michele kung kailan ang pagtitipon, pero kung pagbabasehan ang timeline, naganap ito noong gabi ng October 24.

Continue reading below ↓

Ang hindi raw niya alam ay makakatanggap siya ng cryptic messages pagsapit ng madaling-araw ng October 25.

Sa salaysay ni Michele, mahihinuhang natanggap niya ang messages na ito habang ongoing ang kasiyahan ng mga kandidata.

Ani Michele, ang mga cryptic messages ay “from people about the results” ng pageant.

Pagbubunyag niya, “I heard things that I wasn’t supposed to hear, witnessed things I never should have witnessed as a candidate.

"It hurt. I must admit. I went back to my room, and I cried so hard.

“I just went to my room. I wanted to be all by myself. And all these questions came back to my head.

"Everything I’ve been hearing for the past two days came rushing in my head.

“I was heartbroken. I was devastated and I wanted to go home.”

Tumawag daw siya sa kanyang pamilya, at sila ang nagpalakas muli ng loob ni Michele.

ALLEGATIONS OF CHEATING AND RULE-BREAKING

Matapos ang announcement of winners noong October 25, lumabas sa social media ang mga alegasyon tungkol sa umano'y dayaan.

Continue reading below ↓

Isa na rito ang cryptic posts ng Top 16 finalist at kaibigan ni Michele na si Sandra Lemonon ng Taguig City.

Makahulugan ang post ni ni Sandra na "we deserve justice" at “real queens play fair [and] don’t cheat.”

Maintriga rin ang ginawang Instagram Stories ng isang non-showbiz best friend ni Michele.

Base sa screenshot ng posts ng matalik na kaibigan ni Michele, may kinalaman ang mga pahayag nito tungkol sa national pageant.

Pakawala ng kaibigan ni Michele, may lumabag sa ilang rules, gaya ng pagbitbit ng glam team.

Unang post ng friend ni Michele: "SPEAKING UP ABOUT THE GLAM TEAMS IS NOT BEING BITTER, IT'S ABOUT THE TRUTH.

"IF YOU CANT ACCEPT THAT THEN DON'T BE HERE."

Sumunod niyang post: "ONE OF THE RULES IS NOT HAVING YOUR GLAM TEAM, NO HAIR AND MAKE UP HELP FROM ANYONE,

"BU YET SOME OF THE GIRLS HAD THEIR MUA [makeup artists] AND WHOLE GLAM TEAM IN THERE, HELPING IN BETWEEN!

Continue reading below ↓

"ANO TO JOKE TIME!!!?"


MICHELE: ‘I’m sorry I had to leave,’ and I left.”

Balik sa kuwento ni Michele, noong araw ng pag-ere ng pre-taped grand coronation, masama raw ang pakiramdam ni Michele.

Ayaw na raw sana niyang bumaba kung nasaan ang iba pang mga kandidata para panoorin at abangan ang resulta.

Continue reading below ↓

Bandang huli, nagdesisyon siyang bumaba pa rin. Naabutan daw niya ang announcement ng Top 16.

Subalit nagli-leak na raw ang results online. At lumapit ang mga tao kay Michele at tinatanong siya.

“So many people were hugging me and a lot of tears were happening around.

“So many questions of why, how, what—overwhelming me so much.”

Muling binanggit ni Michele ang tungkol sa kanyang nalalaman umano.

“After knowing what I knew the past two days, everything just came crashing down on me. I couldn’t handle.

“I wasn’t strong enough to handle that at that moment.

“I knew I was gonna break down. I knew I was gonna cry, and I don’t want to do that in front of the cameras.”

Lumapit daw si Michele sa production team at sinabing mabigat sa loob niya na manatili pa at hintayin ang presscon, “And I told them that I really wanna leave.”

Sinabi raw niya sa production team na i-fast-forward ang ipinapalabas dahil tila nahuhuli ito kumpara sa iba pang platform kung saan umeere ang coronation show.

Continue reading below ↓

“Because they already announced online who the winner was,” paliwanag ni Michele.

Sinabi raw ng produksiyon na hindi nila magagawa ang nais ni Michele dahil nagpi-film sila.

Sinabihan din daw si Michele na kailangan niyang maghintay hanggang matapos ang announcement, upang makunan ng larawan ang grand winner at ang apat na runners-up.

Sagot ni Michele sa kanila: “And I said, ‘I’m sorry I had to leave,’ and I left.”

Katwiran ni Michele, sa loob ng walo o siyam na buwan ay lagi niyang inuuna ang pageant.

“And it was my time to put myself first. So, I did.”

Continue reading below ↓

Nag-message daw siya sa creative director ng Miss Universe Philippines (MUP) Organization na si Jonas Gaffud.

Sinabi raw ni Michele kay Jonas ang dahilan ng kanyang pag-alis.

Sinabi rin daw ni Michele kay Jonas na siya na ang bahala sa sasabihin ng mga tao sa social media.

Sa puntong iyon, sinabi rin ni Michele na binati niya ang winner na si Rabiya Mateo.

“I sent a message to our winner and I congratulated her, and I told her the reason why I’m leaving.

“And she replied, thank you.

“And after that, I thought everything was okay. I did my job. I did what I knew was right. And packed up my bags and I left.”

RELENTLESS BASHING

Pagdating daw ni Michele sa Maynila, sinalubong siya ng kanyang pamilya at ipinaalam ang kaguluhang nangyayari sa social media.

Hindi makapaniwala si Michele sa mga istoryang gawa-gawa raw tungkol sa kanya.

“I couldn’t believe that people are capable of such things. That we’re in this beauty pageant joining because of our dreams, because we wanna empower people.

Continue reading below ↓

“But it’s so toxic: the industry, the fans, the bashers, the criticism.

“Everything is just so toxic and I just couldn’t believe it. I was not hurt, I was not angry, but I was sad.”

Dismayado raw siya sa mga taong maraming sinasabi, kahit wala silang ugnayan sa pageant o sa organization.

Dismayado rin daw siya sa pagkakalat ng “rumors and so much lies.”

Nalungkot daw siya na ginawan ng istorya ang hindi niya pagsipot sa presscon for the winners, kahit alam daw mismo ng MUP Organization ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo.

“The organization knew why. They knew my reasons. They knew I left, but they never said anything. They kept quiet.

“And now, so many stories are circulating, so many issues are circulating, and I told myself that I had to speak up.

“I have to defend myself. I have to fight for myself, because I knew nobody would.”

Continue reading below ↓

Nagsasalita raw ngayon si Michele upang hindi na ito maulit sa iba pang mga babaeng gustong sumali sa beauty pageants.

“I’m not alone in this," ani Michele. "There are a lot of us who wish things happened differently, that our journey would have been somehow been better."

Nagpaalala rin ang athlete-turned-beauty-queen sa mga netizens na maging responsable sa kanilang sinasabi at ipinapakalat sa social media.

Makahulugan pang sabi ni Michele, sana ay hindi na niya narinig kung anuman ang kanyang narinig.

“Accepting failure is one thing, but for it to be mixed up with so much doubt, and so much uncertainty towards myself, as a human being, as a woman, that was something I needed time to process and I needed time to accept,” aniya pa.

Sabi pa ni Michele, ang kanyang pagsasalita ay hindi para sa ibang tao, kundi para sa kanyang sarili, para raw makapag-move on.

“I’m doing this to say my truth and doing this to share my experience, and to share my story because I know that somebody out there watching stands with me on this.

Continue reading below ↓

"I’m not alone standing on this,” ani Michele.

Sabi pa niya, ito na raw ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa isyu.

Samantala, pagkatapos naman ng cryptic posts ni Sandra tungkol sa sinasabi niyang katotohanan, tahimik siya ngayon.

Dahil dito, walang tigil ang pamba-bash sa kanya dahil kinukuwestiyon ang motibo ng ginawa niyang ingay.

Giit ng netizens, ilabas na ni Sandra ang sinasabi niyang katotohanan, lalo pa't nabigyan ng kulay ang event at ang pagkapanalo ni Rabiya.

Sinabi rin ni Sandra na may mga death threat umano siyang natanggap.

May post siya kamakailan na sinabing naghihintay siya ng tamang oras para magsalita.

Pagkatapos makoronahang Miss Universe Philippines 2020, sinagot ni Rabiya sa isang interview ang paratang na alam na umano niya ang tanong bago sumalang sa question-and-answer segment.

Sabi ng bagong beauty queen, wala itong katotohanan at ginawa niya ang kanyang makakaya sa pageant.

Naglabas na rin ng pahayag ang MUP Organization na paninindigan nito ang pagkapanalo ni Rabiya.

Continue reading below ↓

Sinuportahan ito ng isa sa judges, si Miss Universe 2014 Top 10 finalist na si Mary Jean Lastimosa.

Ani Mary Jean, hindi maririnig ng mga kandidata ang mga tanong dahil lumalabas ng hall ang candidates na hindi nakasalang, at isinasakay sa nakaantabay na bus.

Nag-post din ang Top 16 finalist na si Alaiza Malinao para itangging may glam team si Rabiya.

Giit ni Alaiza, hindi nandaya si Rabiya at lumaban ito nang patas.

NETIZENS ASK, WHAT DID MICHELE SEE AND HEAR?

Sa inilabas na pahayag ni Michele, may mga pumanig at nakisimpatiya sa kanya.

Pero hindi maiiwasang patuloy siyang binabatikos sa kanyang inasal pagkatapos ng pageant.

Patuloy ang iba sa pagsasabing hindi nito matanggap ang kanyang pagkatalo.

Dismayado naman ang iba sa tila bitin na paglalahad ni Michele sa tinuran niyang narinig ang hindi dapat niya narinig at nakita ang hindi dapat niya makita.

Banat ang ilan, nagsalita na rin lang siya, sana ay inalabas na rin niya ito at baka nakakuha pa siya ng simpatiya.

Continue reading below ↓

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Continue reading below ↓





Bagamat nasabi na niya sa video na hindi na siya magsasalita muli, nagpadala pa rin ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michele ngayong Martes, November 3, 2020.

Continue reading below ↓

Ilalathala namin ang pahayag ni Michele oras na sumagot siya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michele Gumabao breaks silence on Miss Universe Philippines 2020 issue: “I was heartbroken. I was devastated, and I wanted to go home.”
PHOTO/S: YouTube (MG TV)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results