Did Duterte supporter Arnell Ignacio take a swipe at Angelica Panganiban?

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2020
Is Arnell Ignacio (left) alluding to Angelica Panganiban (right)? The Duterte supporter said: “Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo... na stereotyped kung baga... pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba, eh. Me yabang pa nga sa katangahan, e."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Instagram

Nagpasaring si Arnell Ignacio sa mga artistang hindi umano nag-iisip sa maaaring resulta ng kanilang social media posts.

Ayon sa TV host-comedian, noon ay nakakasama ng loob kapag sinasabihan ang mga artista na “mahina ang ulo.”

Pero ngayon, mahirap na raw ipagtanggol ang mga artistang kinukuyog ng bashers.

Sabi ni Arnell sa kanyang post sa Facebook ng November 2:

“Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo... na stereoyped kung baga.

"Nakakasama nga ng loob noon... pero ngayon ang hirap na ipagtanggol.

“Ang daming prueba, eh. Me yabang pa nga sa katangahan, e.”

Continue reading below ↓

May nagkomento namang netizen na sana raw ay makinig kay Arnell ang mga artistang tinutukoy nito.

Tugon ni Arnell, "Proud pa nga sa katangahan, e."

Susog pa ng isa, "Puro itsura na lang, ngayon wala ng Utak at Talent."

Pagsegunda ni Arnell, "At ang lakas ng loob na ipagsigawan ang katangahan."

Continue reading below ↓

WHO IS ARNELL ALLUDING TO IN HIS POST?

Walang pangalang binanggit si Arnell sa artistang pinatatamaan niya.

Pero base sa komento ng mismong followers nito, malinaw na ang pinatutungkulan ay ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Nitong mga nakalipas na araw ay kinuyog ng mga DDS—o Diehard Duterte Supporters—si Angelica dahil sa tweet na ito ng aktres noong November 1:

Continue reading below ↓

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..."

Wala mang pangalang binanggit si Angelica, pinersonal ito ng mga DDS na naniniwalang patungkol ang tweet ng aktres kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi kasi nagpakita si Duterte sa ginawang press briefing tungkol sa sagot at aksyon ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng super typhoon Rolly, na itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa mundo ngayong 2020.

Continue reading below ↓

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa Davao City si Duterte noong araw na iyon, pero ito raw ang nagpatawag ng nasabing briefing.

Hindi naman kataka-taka kung si Angelica nga ang pinatatamaan ni Arnell dahil kilala ang TV host-comedian bilang masugid na tagasuporta ni Duterte.

Noong lang Mayo 2020 ay nagsampa ang TV host-comedian ng mabibigat na reklamo laban sa singer-actress na si Mystica.

Sinampahan ng Duterte supporter si Mystica ng mga reklamong inciting to sedition, cyberlibel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act. Ito ay dala ng pagmumura ni Mystica sa Pangulo at panghihimok umano kay Vice President Leni Robredo na magtipon ng mga tao para alisin si Duterte sa puwesto.

Ngunit nitong Oktubre 2020 ay iniurong ni Arnell ang mga reklamo laban kay Mystica matapos nilang magkaayos sa tanggapan ng Prosecutor's Office sa Imus, Cavite.

Ganunpaman, sa mata ng mga tagapagmatyag ng pulitika, ang pagsasampa ng ganitong mga reklamo, bawiin man o hindi, ay mistulang pananakot sa iba na may gustong ituwid din sa pamamalakad ng Pangulo.

Na ang epekto raw ng mga reklamong gaya ng inihain ni Arnell ay ang busalan ang mga kritiko.

Si Arnell ay isang dating Duterte appointee. Inilagay siya ng Pangulo bilang assistant vice-president ng PAGCOR, at pagkatapos ay ginawang deputy executive director ng OWWA. Sa kasalukuyan, tila wala siyang official role sa gobyerno.

Continue reading below ↓

PIA DIRECTOR-GENERAL CALLS ANGELICA "IGNORANTE"

Samantala, dalawang opisyales ng gobyerno ang direktang tumuligsa kay Angelica dahil sa tweet nito kahit wala pang tinukoy na pangalan.

Sa kanyang verified Facebook account kahapon, November 2, direktang tinawag ni Undersecretary at Philippine Information Agency (PIA) Director-General Mon Cualoping na "ignorante" si Angelica.

Tinawag din niyang "starlet" ang Kapamilya actress, na nagbida na sa maraming teleserye at pelikula at nanalo na ng tropeo mula sa iba't ibang award-giving bodies.

Saad ni Cualoping, “I don’t usually comment on starlets’ bandwagon statements but this deserves a strong rebuttal:

“1. Uso pa pala ang pagiging ignorante ngayon? Ignorante ka, Angelica Panganiban Charlson

“2. Mahiya ka naman sa libu-libong trabahante ng Gobyerno na rumesponde sa unos ng #RollyPH.

“3. Kung wala kang respeto kay Pangulong Duterte, wala na rin kaming respeto sayo.”

Kalakip nito ang screenshot ng tweet ni Angelica noong November 1.

Tinag pa ni Cualoping ang account ng aktres sa Facebook.

Continue reading below ↓

LIBIRAN & HONEYLET

Bagamat walang sinasabi si Angelica na pagkukulang ng on-field civil servants, nag-react din sa kanyang tweet si Goddes Hope Libiran ng Department of Transporation.

Mensahe kay Angelica ni Assistant Secretary Libiran, ng communications and commuter affairs ng DOTr, sa Facebook: "Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan?

Continue reading below ↓

"BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang."

Maging ang common-law wife ni Duterte, si Honeylet Avanceña, ay sumagot sa nag-trend na #NasaanAngPangulo hashtag, kaugnay ng hindi pagpapakita ng Pangulo noong kasagsagan ng bagyo.

Mensahe ni Honeylet sa mga kritiko ng Pangulo: “Let them make up stories that make them look pathetic and imbecile.”

PRESIDENT DUTERTE DEFENDS ABSENCE

Sinagot na rin ng Pangulo ang mga naghahanap sa kanya noong November 1, kung saan nag-trending sa Twitter ang #NasaanAngPangulo.

Saad ni Duterte sa press briefing kagabi, November 2, “Itong mga ugok naman sinasabing wala ako... I was just waiting for the typhoon to pass.

"Kung wala kayong patay, okay lang. Kaming mayroon, kailangan umuwi kami doon sa amin.

"Ang mga papeles pinadala niyo tapos pirmahan ko at ipadala ulit. Do you want me to stand doon sa white sand ni Roy Cimatu just to show that I am here?"

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niyang white sand ay ang tinaguriang dolomite beach sa isang bahagi ng Manila Bay sa Maynila.

Si Cimatu ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources

IN DEFENSE OF ANGELICA PANGANIBAN

Sa kabilang banda, para sa iba nating kababayan, wala raw sigurong masama kung hanapin nila ang pisikal na presensiya ng Pangulo upang palakasin ang loob nila sa gitna ng dinaranas na kalamidad.

Partikular na raw sa mga labis na naapektuhan ng bagyong Rolly, nasa lugar lamang na hanapin nila ang kanilang Pangulo.

Ayon naman sa ibang netizens, ang isang malaking artistang gaya ni Angelica Panganiban, na nagbikas ng ganito ring saloobin, ay dapat daw tignang nagmamalasakit lamang sa kapwa.

Ganoon din daw dapat tignan ang mga celebrity na naglakas-loob ding magsalita. Ni hindi raw nasalanta ng bagyo ang mga bahay at kabuhayan ng mga ito, kaya hindi mga sarili ang idinudulog ng kanilang tweets, kundi ang mga taong nangangailangan.

Tingin pa ng ilan, patunay itong may concern ang mga tiga-showbiz sa mundo sa labas ng entertainment industry.

Kaya hindi raw madaling intindihin kung bakit dali-daling magsabi si Arnell, na tiga-showbiz din, na "mahina ang ulo" at "me yabang" ang mga artistang nagpakita ng malasakit sa iba.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Arnell Ignacio (left) alluding to Angelica Panganiban (right)? The Duterte supporter said: “Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo... na stereotyped kung baga... pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba, eh. Me yabang pa nga sa katangahan, e."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results