Coco Martin gets heartwarming birthday greetings from co-stars; called real-life hero

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2020
Coco Martin's co-stars attest to the actor's kindness to his colleagues in real life. Coco celebrated his 39th birthday last November 1, 2020.
PHOTO/S: @dreamscapeph on Instagram

Bumuhos ang pagbati kay Coco Martin mula sa kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa kani-kanilang social media posts, nagpahayag ng pagmamahal at suporta ang mga artistang higit pa sa katrabaho ang turing kay Coco.

Ipinagdiwang ni Coco ang kanyang ika-39 kaarawan nitong November 1, 2020.

Kabilang sa mga bumati sa Kapamilya superstar ay sina Angel Aquino, Shaina Magdayao, John Arcilla, Rowell Santiago, John Prats, Marc Solis, at Raymart Santiago.

COCO, A REAL-LIFE HERO

Sentimental ang birthday greeting ni Angel kay Coco, na tinawag niyang “little brother.”

Malaki raw kasi ang papel na ginampanan ni Coco sa buhay ng 47 anyos na aktres.

Post ni Angel (published as is): “Happy birthday mahal naming Coco!!! What people don’t know is that you’re a real-life hero.

“Pag sinabi mo sakin ‘ipon tayo, ate ange..,’ Alam Kong everything will be alright."

Tila ang ibig sabihin ni Angel dito ay hudyat itong gumawa sila ng project ni Coco.

Continue reading below ↓

Post pa ng aktres, “You’ve made a big difference in my life. Salamat. I love you my little brother! Bilib ako Sayo.”

Sunud-sunod naman ang series of photos ang ipinost ni Shaina kasama si Coco.

Bungad ni Shaina, “Maligayang Kaarawan, mahal kong kaibigang Rodel.”

Rodel Nacianceno ang tunay na pangalan ni Coco.

Continue reading below ↓

Binigyang-diin ni Shaina ang pagiging maalaga ni Coco sa kanya at sa kanilang co-stars.

Mensahe niya, “You are a blessing! Salamat sobra for your presence.

“Salamat sa alaga at alalay on and off cam, sa akin at sa mga kasamahan natin sa set, mula pa Juan dela Cruz hanggang ngayong taon sa Probinsyano bilang alagain na ‘muse’ ninyo ako”

Ang Juan dela Cruz ay ang 2013 TV series kung saan nagkasama sina Coco at Shaina.

“Kaya naman nandito din kami para sa iyo!” pagpapatuloy ni Shaina.

Pinakasaludo raw si Shaina sa pagiging mabuting tao at kaibigan ni Coco, na kapareho niyang Scorpio. Sa darating na November 6 ang kaarawan ng aktres.

“Hanga ako sa iyo bilang direktor, creative, location manager, talent coordinator
PERO mas hanga ako sa iyo bilang isang tao at kaibigan!!!

“You have my respect and love!

“Happiest Birthday, my dear friend and co-scorp”

Continue reading below ↓

Pagbati naman ni John Arcilla: “We maybe each other’s mortal nemesis on TV but I love this guy in real life.”

Ginagampanan ni John sa teleserye ang papel ni Renato Hipolito, mortal na kalaban ni Cardo Dalisay, na ginagampanan ni Coco.

Mensahe pa ni John, “Mahal ko ang taong ito sa totoong buhay. Parang nasa iyo na ang lahat ng Blessings Coco...

“pero ang walang patid na Kalusugan, walang katapusang kaligayahan at payapang paligid ay dalangin ko para sa iyo.

“Keep up the good work and God bless you more! You’re the man.”

Continue reading below ↓

Narito ang Instagram posts nina Rowell, Raymart, John, CJ Ramos, Jobert Austria na bumati at nagpahayag ng pagmamahal sa katrabahong si Coco:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa higit limang taon sa ere ng Ang Probinsyano, marami nang mga taga-industriya na nangangailangan ng trabaho ang napabilang bilang special guests. Kabilang dito sina Keanna Reeves, Mystica, at Julio Diaz/

Ang ibang artistang nangailangan ng tulong ay resident cast members na, gaya nina CJ Ramos at Whitney Tyson.

Sa paglipas din ng mga taon, bukod sa pagiging main lead, naging direktor at creative consultant na rin ng show si Coco.

Continue reading below ↓

COCO: ‘HINDI PO NAMIN KAYO BIBIGUIN.”

Samantala, noong mismong birthday ni Coco ay ipinost ang video message niya sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment, ang business unit at content provider na nagpo-produce ng teleserye ng aktor.

Deactivated kasi ang Instagram ni Coco.

Bahagi ng mensahe ni Coco: “Pamilya po kami dito dahil hindi po kami tatagal ng ganito katagal, kung hindi po kami nagmamahalan, nagrerespetuhan.

“Maraming mga hindi pagkakasunduan, pero sa kabila po noon nananatili po ang magandang samahan bilang pamilya.

“Kasi napatatag na po kami ng haba ng panahon.”

Nagpasalamat din si Coco sa mga patuloy na sumusubaybay sa kanilang programa.

Nangako siyang ipagpapatuloy nila ang teleserye para patuloy makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood.

Aniya, "Kung ang maisusukli po namin sa inyo ay mabigyan kayo ng magandang palabas at makapagbigay kami ng inspirasyon sa inyo, ibibigay po namin sa inyo ito, at sisiguraduhin po namin na hindi po namin kayo bibiguin."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin's co-stars attest to the actor's kindness to his colleagues in real life. Coco celebrated his 39th birthday last November 1, 2020.
PHOTO/S: @dreamscapeph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results