Miss Davao City Alaiza Malinao tells Miss Universe Philippines Rabiya Mateo to show "universal class" of a probinsyana

by Rachelle Siazon
Nov 3, 2020
Amid Miss Universe Philippines intrigues, reigning beauty queen Rabiya Mateo (left) gets boost of confidence from fellow probinsyana Miss Davao City Alaiza Malinao (right).
PHOTO/S: @rabiyamateo / @alaizamalinao Instagram

Super proud si Miss Davao City Alaiza Malinao kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Ngayong Martes, November 3, nag-post si Rabiya ng kanyang OOTD o outfit of the day para sa guest appearance niya sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Napakomento rito si Alaiza na itayo raw ni Rabiya ang bandera ng mga probinsyana.

"Laban diha dai. Ipakita gyud nga 'universal' class ang mga probinsyana [Laban diyan dai. Ipakita na tunay ngang 'universal' class ang mga probinsyana]," saad ni Alaiza.

Diin pa ni Alaiza, "As a queen."

Sumang-ayon si Rabiya na itayo ang bandera ng mga probinsyana.

"Let's go Bisaya!" sagot ni Rabiya kay Alaiza.

Continue reading below ↓

Pati si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ay naghayag ng paghanga sa ganda ni Rabiya.

Parang sasabak na raw sa Miss Universe competition si Rabiya.

"Send off na ba? Di kami informed," ani MJ.

Sagot ni Rabiya, Wala pa Miss. hahaha Love you!"

ALAIZA and mj AS RABIYA'S DEFENDERS

Si Alaiza ang isa sa mga todo-suporta sa pagkapanalo ni Rabiya sa Miss Universe Philippines 2020.

Continue reading below ↓

Naging bukas din siya sa pagtatanggol kay Rabiya laban sa isyung may nangyaring dayaan diumano sa Miss Universe Philippines.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story noong October 26, tahasang sabi ni Alaiza patungkol kay Rabiya, "She did not cheat."

Saksi raw si Alaiza sa sipag at tiyaga ni Rabiya sa paggawa ng sarili nitong makeup at pag-ensayo nito nang husto para sa finale ng pageant.

Nagpakita pa siya ng "resibo" kung paano pinagpaguran ni Rabiya ang nakamit na korona.

Si MJ naman ay isa rin sa mga nanguna sa pagbati kay Rabiya nang tanghalin itong winner noong October 25.

Suportado raw ni MJ ang pagtayo ni Rabiya ng bandila ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe competition.

May matalinhagang mensahe pa noon si MJ para sa mga kandidatang hindi nanalo sa pageant.

"A true queen is someone who can accept defeat and rise above it," bahagi ng tweet niya.

MISS UNIVERSE PHILIPPINES CONTROVERSY

Hindi kaila sa publiko na nabahiran ng kontrobersiya ang Miss Universe Philippines matapos tanghaling winner si Rabiya ng Iloilo City.

Continue reading below ↓

Gabi ng October 23 ginanap ang taped-as-live grand coronation, at natapos ito bago mag-3 a.m. ng October 24.

Ipinalabas ito via live streaming online noong 9 a.m. ng October 25 at natapos bandang 11 a.m. May kaunting delay ang ipinalabas na grand coronation via GMA-7.

Matapos ang event, nagpakawala sa Instagram si Miss Taguig Sandra Lemonon ng cryptic posts na nagpapahiwatig ng diumano'y dayaan sa pageant.

Isa sa mga pasabog niyang Instagram Story, "REAL queens Play FAIR [and] don't CHEAT."

Unti-unti pang nagbigay si Sandra ng pahiwatig sa nalalaman niyang "facts" sa mga nangyari "behind the scenes" ng pageant.

Ayaw raw niyang mangyari sa mga susunod na batch ng aspiring beauty queens ang dinanas ng mga kandidata mula sa batch niya ngayon.

MICHELE'S CRYPTIC STATEMENT ABOUT THE PAGEANT RESULTS

May hiwalay ring isyu sangkot si Miss Quezon City Michele Gumabao.

Tampok ng espekulasyon ang kanyang pagiging no-show sa presscon ng Top 5 finalists noong October 25.

Continue reading below ↓

Kinagabihan, naglabas si Michele ng opisyal na pahayag na hindi niya kayang harapin ang mga taong nagtatanong kung bakit siya natalo.

Hanggang sa nitong gabi ng November 2, inihayag ni Michele na may mga bagay na nangyari sa pageant na kinukuwestiyon niya. Pero hindi niya tuwirang tinukoy kung ano ito.

Aniya, mayroon siyang nalaman bandang 3 a.m. ng October 25 o walong oras bago pormal na itinanghal ang panalong kandidata sa pageant.

Dagdag umano sa naging palaisipan kay Michele ang "cryptic messages" na natanggap niya tungkol sa "results" matapos ang taping ng grand coronation.

Kung anuman iyon, hindi tuwirang tinukoy ni Michele sa kanyang vlog.

Nabanggit naman ni Michelle na nag-congratulate siya kay Rabiya sa pamamagitan ng text message.

Nagsabi rin umano siya sa Miss Universe Organization kung bakit siya no-show sa presscon noong October 25.

RABIYA'S EARLIER STATEMENT ON CHEATING ALLEGATIONS

Sa kabilang banda, nauna nang nilinaw ni Rabiya na walang katotohanan ang alegasyong pandarayang nauugnay sa pagkapanalo niya.

Continue reading below ↓

"And yung mga nagsasabi na the question was given to me that's why I answered that way, it wasn't given po sa akin," giit ni Rabiya.

Base ito sa panayam ni MJ Marfori ng TV5 noong kasagsagan ng trending issues sa pageant noong October 25.

Emosyonal na sabi pa ni Rabiya, "Maybe because I wasn't the frontrunner, so people didn't expect me to win.

"They are questioning me, my capability as a person, as a candidate.

"But I know I did everything and anything I could that night."

Sa kabila ng mga intriga, hindi raw papaapekto si Rabiya sa bashers dahil alam niyang buo ang suporta sa kanya ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na ng mga kapwa-Ilonggo.

Suportado rin si Rabiya ng mga bumubuo ng Miss Universe Philippines Organization.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid Miss Universe Philippines intrigues, reigning beauty queen Rabiya Mateo (left) gets boost of confidence from fellow probinsyana Miss Davao City Alaiza Malinao (right).
PHOTO/S: @rabiyamateo / @alaizamalinao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results