Jake Ejercito reacts to brother Jinggoy Estrada teasing him about Maine Mendoza

by Rachelle Siazon
Nov 4, 2020
In between laughs, Jake Ejercito evades brother Jinggoy Estrada's queries about Maine Mendoza. But Jake admits to wanting to work with his celebrity crush Heart Evangelista and Kapamilya actress Liza Soberano.
PHOTO/S: SNL Facebook / @unoemilio Instagram

Nalagay sa hot seat si Jake Ejercito nang usisain siya kung gusto ba niyang maging leading lady si Maine Mendoza.

Ito ay base sa kaswal na kuwentuhan ni Jake at ng half-sibling niyang si Jinggoy Estrada, sa online show ng dating senador noong October 21.

Si Jake ay anak ni Joseph "Erap" Estrada, aka Jose Marcelito Ejercito, dating Pangulo at dating Manila Mayor, sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Jinggoy ay anak ni Erap sa asawa nitong si Dr. Loi Ejercito, pyschiatrist at dating senador.

Tinanong ni Jinggoy si Jake kung sino ang nais nitong makatambal sakaling mabigyan ito ng lead role ngayong pinasok na nito ang mundo ng showbiz.

"E, si Maine?" tanong ni Jinggoy.

Napapangiting sagot ni Jake, "Naku... May boyfriend na rin yun. Anak ni Tita Sylvia boyfriend nun!"

Ang tinutukoy ni Jake ay si Sylvia Sanchez, na nakatrabaho nina Jinggoy at Jake sa pelikulang Coming Home.

Continue reading below ↓

Boyfriend ni Maine ang anak ni Sylvia na si Arjo Atayde.

Pero nanunuksong hirit ni Jinggoy, "'Oy, Jake! May alam ako diyan. Di ba? Di ba? Di ba?"

Sagot ulit ni Jake, "Kuya, anak ni Tita Sylvia boyfriend nun."

Nangungulit na inasar pa rin ni Jinggoy si Jake.

"Pero bago yun, di ba, may ipinakita ka sa akin?"

Natatawang iniwasan ni Jake ang tanong ni Jinggoy ukol kay Maine.

"Next question!" ani Jake.

Hirit ulit ni Jinggoy, "Hahaha! O, di ba, tama? May pinakita ka sa akin."

Natatawang humirit naman si Jake na hindi raw niya akalaing parang defunct showbiz-oriented talk show na The Buzz ang online show ni Jinggoy.

JAKE ON BEING FRIENDS WITH MAINE

Noong November 2017, naging tampok ng espekulasyon kung may ugnayan ba sa pagitan nina Jake at Maine.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang Instagram Story ni Jake kunsaan makikita ang litrato ng isang babae na nakatakip ang mukha, pero natukoy ng fans na walang iba kundi si Maine.

Continue reading below ↓

Nilinaw noon ni Maine na walang masama sa pagiging magkaibigan nila ni Jake.

Sa hiwalay na panayam noong December 2017, sinabi rin ni Jake na kaibigan lang niya si Maine.

Hindi raw sila nag-date kundi lumabas kasama ng isang grupo noon.

Sa panayam ng PEP.ph noong February 2020, inulit ni Jake na hindi siya nanligaw kay Maine at hindi rin sila naging magkarelasyon.

Pero aniya, itinuturing niyang kaibigan si Maine kahit pa wala silang gaanong komunikasyon sa ngayon.

Dating nagkatrabaho ang dalawa sa "Kalyeserye segment" ng Eat Bulaga, ang noontime show sa GMA-7.

ON ACTRESSES HE WANTS TO WORK WITH

Balik sa usapan ng magkapatid na Jake at Jinggoy, may mga aktres na nabanggit si Jake na nais niyang makatambal kung sakaling mabigyan siya ng oportunidad.

Isa na raw rito ang Kapamilya star na si Liza Soberano.

Si Jake ay napapanood bilang isa sa mainstays ng Sunday Noontime Live, ang Sunday musical-variety show sa TV5.

Continue reading below ↓

"Naku, ang dami kasing magaganda ngayon. Siyempre siguro Liza Soberano, di ba?" sabi ni Jake.

Sabay nagpasintabi siya sa fans ng reel-and-real-life sweethearts na sina Liza at Enrique Gil, o kilala sa tambalang LizQuen.

"Huwag magagalit sa akin yung fans ng LizQuen, ha? Sinasabi ko lang maganda si Liza."

Gusto rin daw makatrabaho ni Jake ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Pag-amin ni Jake, "Ako, ever since before, crush ko before si Heart Evangelista din."

"Huwag na yun. May asawa na yun," ani Jinggoy ukol kay Heart, na asawa si Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero.

Sabi naman ni Jake, "Hindi naman yung asawa yung tinanong mo, Kuya. Hahaha!"

Get to know more about Jake Ejercito on PEP Exclusives:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In between laughs, Jake Ejercito evades brother Jinggoy Estrada's queries about Maine Mendoza. But Jake admits to wanting to work with his celebrity crush Heart Evangelista and Kapamilya actress Liza Soberano.
PHOTO/S: SNL Facebook / @unoemilio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results