Piolo Pascual assures Charo Santos he is "Kapamilya forever"; Charo responds, “Nangangapit-bahay ka lang”

by Bernie V. Franco
Nov 4, 2020
Piolo Pascual tells Charo Santos: “Nakapaliit ng mundo natin. I guess tatanda po tayong magkakasama."
PHOTO/S: Piolo Pascual (Facebook) /@piolo_pascual on Instagram

Kapamilya pa rin kahit nagtatrabaho siya sa ibang television network.

Ito ang tiniyak ni Piolo Pascual kay Charo Santos sa isang online program noong Lunes, November 1, 2020.

“Hanggang trabaho lang po,” paglilinaw ni Piolo tungkol sa kanyang koneksiyon sa TV5.

Isa si Piolo sa main hosts ng Sunday Noontime Live (SNL), ang weekend musical-variety show ng Kapatid network.

Si Piolo ay A-lister sa ABS-CBN, habang si Charo ay nagsilbing chief executive officer ng istasyon mula 2012 hanggang 2015.

Pero kahit nagretiro na, nanatili si Charo bilang ABS-CBN chief content officer at host ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Pero bunsod ng pagpapasara sa ABS-CBN noong Hulyo 2020, apektado ang mga trabaho nina Charo at Piolo sa kanilang home network.

Isa lamang si Piolo sa ABS-CBN stars na napapanood ngayon sa mga bagong programa ng TV5.

Si Charo naman ay host ngayon ng Dear Charo, isang weekly program sa Kumu, isang Filipino community platform.

Continue reading below ↓

Co-host ni Charo dito si Robert Labayen, na naging head ng ABS-CBN Creative Communication Management.

Guest si Piolo sa online program nina Charo at Robert nitong Lunes.

PIOLO still a proud kapamilya

Sa isang punto ng kanilang pag-uusap, inusisa ni Piolo si Robert kung kailan sila gagawa muli ng station ID (SID). Kilala ang ABS-CBN sa paggawa ng mga markadong station IDs.

Napag-usapan kasi nila ang sumikat na 2009 Christmas song na “Star ng Pasko,” na isinulat ni Robert.

Si Piolo ang kumanta ng unang bahagi ng kanta sa sumikat na Christmas Station ID na iyon.

Ayon kay Robert, inuumpisahan na ang bagong station ID ng ABS-CBN.

Ibinato ni Piolo ang kanyang sumunod na tanong kay Charo.

“Yes, Tita?” sabi ng nangingiting si Piolo.

“'Yan, ha, sabi ni PJ, kelan daw tayo mag-e-SID. Kapamilya forever,” sagot ni Charo.

“Kapamilya forever,” paniniyak ni Piolo.

Continue reading below ↓

Ipinaalala rin ni Piolo ang ABS-CBN National Anthem na kinatatampukan ng Kapamilya stars.

Kadalasang mapapanood ang video na ito bago mag-sign off gabi-gabi ang ABS-CBN Channel 2. Pati na rin sa mga sinehan, bago ang first full show at last full show ng pelikula.

Magsisimula ang video kung saan mapapanood si Piolo na bitbit ang Philippine flag.

Lahad ng aktor, “Ano 'yan, e, yung pinagdala ako ng flag nung pumunta ako ng Hidalgo, e.

“Hindi ko alam na dala ko pala ang flag ng ABS, na itatarak ko, sa National Anthem.”

Continue reading below ↓

Maraming taon na ring ginagamit ng ABS-CBN ang naturang National Anthem.

Hirit ni Charo: “Ay, oo. Matagal na 'yon.”

Paalala naman ni Piolo: “And I take it to heart, Tita. I take it to heart.”

Ipinaalala pa ni Piolo na ang opening ng anthem na ito ay si Charo, na nagsasabing, “Tayo po ay magsitayo para sa Pambansang Awit.”

Sagot ni Charo kay Piolo: “Grabe ka. Grabe. Oo, dapat palitan na.”

Mabilis ang sagot ni Piolo kay Charo: “Huwag, Tita, pag pinalitan 'yon, baka mawala ako.”

Nagtawanan sina Charo, Piolo, at Robert.

Sagot ni Charo, “Oo, wag na. oo nga, baka...”

“Nangangapit-bahay ka lang,” ani Charo kay Piolo.

PIOLO to charo: "tatanda po tayong magkasama."

Sinang-ayunan naman ni Piolo ang tinuran ni Charo na “nangangapit-bahay” lang ang aktor sa TV5.

Paliwanag ni Piolo, “Hanggang trabaho lang po. But, Tita, come on, that’s not something we talk about, but napakaliit ng industriya.

Continue reading below ↓

“Nakapaliit ng mundo natin. I guess, tatanda po tayong magkakasama. Na I’m really given this privilege to last this long in this business.

“And I’ll always be grateful for the chance to know people like you, especially you, Tita.

“You know how very well I really adore you, and how much I really listen to everything that you taught me…

“Your wisdom has really changed me because, if not for your sound advice, siguro I would have made some choices that I would regret.

“But because you were there, because you were always around, you always made yourself available for me whenever I needed it.

“That actually made me… it relaxed me, made me feel secure, knowing that I had a home, I had a plece wherein I can grow and where I ca be myself.

"So, thanks for that."

ABS-CBN STARS ON TV5

Kasunod ng pagkakait ng pitumpung (70) kongresista ng bagong prangkisa sa ABS-CBN noong July 10, libu-libong empleyado ng broadcast giant ang nawalan ng trabaho, kabilang ang maraming artista ng network.

Continue reading below ↓

Bunsod nito, maraming Kapamilya stars ang nagsimulang mapanood sa ibang TV networks, partikular sa TV5.

Marami ngayong bagong programa ang TV5 na kinatatampukan ng ABS-CBN stars.

Pero karamihan sa mga programang ito ay ipinrodyus ng Brightlight Production, na independent production company at blocktimer sa Kapatid network.

Sa SNL, kasama ni Piolo sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, Jake Ejercio, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa noontime show naman na Lunch Out Loud, hosts sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Bayani Agbayani, na identified bilang ABS-CBN stars.

Host si Korina Sanchez sa weekend magazine show niyang Rated Korina.

May mga bagong TV series din sa TV5 na pinagbibidahan ng Kapamilya stars, gaya nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Beauty Gonzale,Jane Oineza, Sue Ramirez, at RK Bagatsing.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual tells Charo Santos: “Nakapaliit ng mundo natin. I guess tatanda po tayong magkakasama."
PHOTO/S: Piolo Pascual (Facebook) /@piolo_pascual on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results