Ai-Ai delas Alas reacts to basher cussing at her being called a "Blackpink member" 

by Rachelle Siazon
Nov 4, 2020
Despite her bashers, Ai-Ai delas Alas jokingly says nothing can stop her from yearning to be the fifth member of Blackpink. The Kapuso comedienne-host recently performed her version of Blackpink's "Ice Cream" on GMA-7's The Clash.
PHOTO/S: The Clash

Napukaw ng pansin ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang basher na minura ang isang kaibigan, na nagbirong si Ai-Ai ay maituturing na miyembro ng Blackpink.

Apat ang miyembro ng sikat na K-pop girl group: Jennie, Lisa, Jisoo, at Rosé.

Ngayong Miyerkules, November 4, ipinakita ni Ai-Ai sa Instagram account niya ang screenshot ng usapan ng dalawang netizens.

Tinanong ng netizen ang isang kaibigan kung kilala ba nito ang grupong BP o Blackpink.

Sabi naman ng kaibigan ng netizen, kilala nito ang Blackpink at binanggit pa nito ang sikat na kanta ng grupo na "Ice cream."

Kaya tanong ulit ng netizen, "Sino bias mo??"

Walang kaabog-abog na sagot ng kaibigan ng netizen, "Si ai ai."

Reply ng netizen, "****ina mo."

Napahalakhak si Ai-Ai nang ipakita ng kanyang anak ang screenshot ng usapan ng dalawang netizens.

Caption ni Ai-Ai sa kanyang Instagram post (published as is): "Hahahahahahahhahaha nakita ng anak ko sa facebook wohooooo rock and roll

Continue reading below ↓

"(haha minura yung kausap hahahhahahaa)

"malapit ng matupad pangarap ko sumikat kanta ko hehe

"( hindi ko pala kanta yun sa black pink na pinapangarap kong maging fifth member nila ) hehehe --

"(tnx millenial power salamat yeheyyyyy kilala nila ko ????)"


AI-AI AS A CERTIFIED FAN, "ASPIRING MEMBER" OF BLACKPINK

Tawa nang tawa ang GMA-7 resident director na si Louie Ignacio sa comments section ng post ni Ai-Ai.

Continue reading below ↓

Si Louie ang director ng The Clash, ang GMA-7 reality singing competion kunsaan isa sa hurado si Ai-Ai.

Sabi ni Ai-Ai, "@direklouieignacio direk malapit na ko maging member hahaha."


May isa namang netizen ang nag-request na "Lovesick Girls" ang sunod na gawan ng cover ni Ai-Ai.

Sagot ni Ai-Ai, "@keanamaetanedo yes aaralin ko na yan ne game."

Continue reading below ↓


Sang-ayon ang isa pang netizen na sana raw ay hindi na ma-bash si Ai-Ai.

Sagot ni Ai-Ai, "@keanamaetanedo wohooooo salamat sige gagalingan ko mga blinks."

Continue reading below ↓

Noong Sabado, October 31, nag-trend ang song-dance cover ni Ai-Ai ng "Ice Cream," kanta ng Blackpink at ng American singer na si Selena Gomez.

Itinodo ni Ai-Ai ang kanyang performance sa The Clash, at ilang beses pa siyang nagkaroon ng costume change habang kumakanta sa stage.

Marami sa comments ng netizens ay pambabatikos sa panggagaya ni Ai-Ai sa Blackpink.

May kumuwestiyon pa sa kredibilidad niya bilang hurado ng The Clash.

AI-AI UNFAZED BY BASHERS

Pero deadma lang si Ai-Ai sa bashers.

Noong November 2, ipinost ni Ai-Ai sa Instagram ang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang trending performance.

Sa loob ang artikulo, may poll kunsaan "42 percent" ang bumoto na nag-enjoy sila sa cover ni Ai-Ai ng "Ice Cream."

Lubos na ikinatuwa iyon ni Ai-Ai at sinabing mas pinahahalagahan niya ang pagpapasaya sa manonood at sa kapwa fans ng Blackpink, o kilala bilang blinks.

Dire-diretsong caption ni Ai-Ai: "Magandang lunes -- salamat lord sa umagang ito .. at pep.ph salamat sa pa survey

Continue reading below ↓

"sa lahat ng mga natuwa salamat po next time mas gagalingan ko pa para lalo kayong maging masaya

"sa mga bashers thank you din napansin nyo ako at salamat sa maraming oras nyo hehehe.. #yearningtobethe5thgirlofBP."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite her bashers, Ai-Ai delas Alas jokingly says nothing can stop her from yearning to be the fifth member of Blackpink. The Kapuso comedienne-host recently performed her version of Blackpink's "Ice Cream" on GMA-7's The Clash.
PHOTO/S: The Clash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results