Kim Chiu pens heartwarming birthday message for best friend Angelica Panganiban

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2020
Kim Chiu (right) to best friend Angelica Panganiban (left) on her 34th birthday: "Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao, kaibigan, kapatid, anak, pinsan, artista ng bayan, and many more."
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram

“Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao, kaibigan, kapatid, anak, pinsan, artista ng bayan, and many more.”

Ito ang bahagi ng madamdaming mensahe ni Kim Chiu, 30, para sa kaibigang si Angelica Panganiban.

Nagdiriwang si Angelica ng kanyang ika-34 kaarawan ngayong Miyerkules, November 4.

Sa ibinahaging mensahe ni Kim sa Instagram, ipinaramdam nito sa kaibigan ang kanyang pagmamahal.

“Happy birthday momsy angge! mahal kita alam mo yan!!! isa ka sa mga totoong tao na nakilala ko!

“Will forever treasure the Tears we shared and most especially the laughter we always have whenever we’re together!”

Nagpasalamat din si Kim kay Angelica sa pagiging totoong kaibigan daw nito sa kanya at kay Bela Padilla.

Kilala sa showbiz na matalik na magkaibigan ang tatlo, at pinangalanan nila ang kanilang grupo na AngBeKi (Angelica-Bela-Kim).

Ayon kay Kim, deserve daw ni Angelica na “paliguan ng happiness” dahil mabait itong tao.

“Salamat sa pagiging totoong kaibigan! Salamat sinasakyan mo lahat ng trip ko kayo ni momsy @bela Deserve mo yan!

Continue reading below ↓

“Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao, kaibigan, kapatid, anak, pinsan, artista ng bayan, and many more.

“I love you moms! mag gate crash ako sa bday mo! Kahit dimoko invite.. punta ako ha??? nasan kaba??!! Hahaha gawaing #angbeki yan!!!! love you momsy!!!! Happy birthday!!!

Wish din daw ni Kim sa kaibigan ang panghabambuhay na kaligayahan.

“wishing you many more happiness to come!!!! Endless laughterzzzzingstsss!!!! wag mo lang ako itatabi kay cindy at sa ate ni cindy the big cat!!!! enjoy your special day momsy!!!!

“I miss you and momsy bels!!!! @iamangelicap till our next getaway!!!! (last video made me miss you both more!) yung tawa lang ng tawa!!! Hayy!!! See you soon momsies!!!!”

Continue reading below ↓

Maiksing tugon ni Angelica, “@chinitaprincess hey! Salamat moms! Super laugh ako dito!! Kita tayo mamaya please!!! Bibigyan kita ng clue kung nasan ako.”

“SALAMAT AT TAON TAON KANG NGUMINGITI”

Magkasama naman sina Bela at Angelica sa birthday salubong ng huli kagabi.

Pero nag-post pa rin si Bela ng birthday message para sa kaibigan.

Continue reading below ↓

Aniya, “First time, magkasama tayo ng saktong 12. Salamat at taon taon kang ngumingiti at nagpapangiti

“wala nakong mawiwish sayo this yeeeeaaarrrr!!!! I looooove you, Angirlikaaaaa”

Tugon ni Angelica kay Bela, "Thank you moms. We mizz yew @chinitaprincess"

Continue reading below ↓

Makikita naman sa Instagram stories ni Angelica ang screenshots ng iba pang bumati sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at kamag-anak.

Malaking bagay ito para sa aktres dahil ilang araw na siyang binabatikos ng Duterte supporters sa social media.

Ito ay dahil sa kanyang “cryptic post” sa Twitter noong Linggo, November 1:

"Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..."

Bagamat walang binanggit na pangalan, buo ang paniniwala ang DDS o Die-hard Duterte Supporters na ang Pangulo ang pinatatamaan ng aktres.

Ito ay hindi nagpakita si Duterte sa press briefing ng ilang cabinet officials para sa gagawing aksiyon ng gobyerno ukol sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa bansa.

Wala namang sagot si Angelica sa mga bumabatikos sa kanya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (right) to best friend Angelica Panganiban (left) on her 34th birthday: "Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao, kaibigan, kapatid, anak, pinsan, artista ng bayan, and many more."
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results